Chapter 11.2

1.2K 31 19
                                    

CHAPTER ELEVEN - 2

*MADDY'S POV

"Kuya, pakitingnan naman po itong laptop ko, ayaw po kasing mag start" sabi ko don sa lalaking naka eye glasses na nakaharap sa computer at may ginagawang ka ek-ekan.

"Sige miss, wait lang ha, ma upo ka muna dyan" sabi naman ng lalaki at tinuro ang isang upo.an.

Naghintay ako ng ilang minuto, cheni-check nya pa kasi ang laptop ko kung ano ang sira don. Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan-ganyan eh, malay ko kung nagka virus yun o kung ano man. Makalipas ang ilang minuto ay tinawag ako ni kuyang naka eye glasses.

"Ah miss kailangan nating e reformat yung laptop mo at !@#$%^&*" may sinabi pa syang iba na dapat gawin don sa laptop ko pero di ko naman gets, di ko nga alam kung ano yung reformat na gagawin sa laptop eh. Malay ko ba sa mga bagay na yan, nagpatango-tango lang ako sa mga sinabi nya. Ang importante ma ayos yung laptop ko para makapanuod na ako ng mga videos ni Yamapi.

"Sige kuya, salamat babalikan ko nalang yan sa susunod na araw" sabi ko kay kuya na naka eye glasses at binigyan nya ako ng resibo, para pagbalik ko may ibidensya ako na akin yung laptop :)

Lumabas na ako ng store na yun, at dahil ayaw ko pang umuwi kaya nagpa ikot-ikot na muna ako dito sa mall, patingin-tingin sa kahit anong magagandang bagay. Ang bilis talaga mahagip ng mata ko yung mga bagay na kulay yellow. 

Sa di kalayuan may isang pet shop. Nagtungo ako don at nagpatingin-tingin sa mga aso. Ang cute cute nilang lahat. May iba't-ibang uri ng aso, may shih tzu, bulldog, chiwawa at iba. Naalala ko nung bata pa ako may aso din ako si Bomer, isang golden retriever mga 3 years old ako non, kaso namatay si Bomer nang mag 8 years old ako. Siguro dahil matanda na sya at nagkasakit din daw sya sabi ni papa.

"Mahilig ka ba sa aso?"  may biglang nagsalita mula sa likuran ko kaya napalingon ako.

 *CHARLES POV

Kalahating oras na akong nakaharap dito sa salamin.. Tang in@ mga tsong, alam kong gwapo ako pero bakit parang di ako mapakali, langya naman oh. Kakain lang naman kami ni Ayesha diba? hindi naman to date diba? 

Ewan ko ba, di ako mapakali, kinakabahan na medyo excited din ako... Maya-maya pa ay umalis na ako pa tungo sa lugar kung saan kami magkikita.

Pagkarating ko don, ay nandoon na si Ayesha... mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko... hooooh!!!

"A-Ayesha" tawag ko sa kanya.. kay sarap sa pakiramdam na tinatawag ko sya.. ^____^

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon