Chapter 10.2

1.2K 40 18
                                    

Chapter Ten - 2

 

*MADDY'S POV 

"Oh, mga bata isang linya sa mga babae, at isang linya sa mga lalaki" sabi ni mama Maylene don sa mga bata para mabigyan na sila ng pagkain.

Syempre tumulong kami nila papa Michael, tito Chan at tita Rose sa pamimigay ng pagkain, maliban na lang kay Charles. Nasaan ba kasi ang lalaking yon? Imposible naman kung nag hahanap sya ng chicks dito kasi puro madre ang nandito. Nagpatinging-tingin ako sa paligid baka sakaling makita ko si Charles. Napadako ang tingin ko sa may box na kinalalagyan ng mga fried chicken.

"Huli ka balbon" nagulat sya ng makalapit ako sa kanya. Langyang lalaki 'to oh, tintira nya yung manok eh para sa mga bata yun. Ang gwapo sana kaso nakaka turn-off yung katakawan nya.

"Hoy, bakit mo kinakain yang manok huh?" tanong ko sa kanya, pero mahina lang yung boses ko, baka kasi mahiya pa sya pag may nakarinig na iba.

"Eh sa nagugutom ako eh." simpleng sagot nya at umaktong kukuha ulit ng isa pang fried chicken.

"Hoy, ano ba, e tigil mo nga yan." saway ko sa kanya. "Diba ang usapan sabay-sabay tayong kakain at isa pa may food na nakalaan para sa atin, yang fried chicken na yan para sa mga bata yan. At sa pagkaka-alam ko hindi ka na bata kaya umalis ka dyan." hinila ko sya palayo don sa kinalalagyan ng manok.

"Ang KJ mo talaga" pagrereklamo nya pa habang binabawi ang braso nyang hawak-hawak ko.

"Ang gwapo mo sana kaso ang takaw mo" pabulongg na sabi ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?" tanong nya pa.

"wala, wala. Oh ito tumulong ka nga, hindi yung kain ka ng kain." sabi ko pa, sabay abot sa kanya ng pack lunch para sa mga bata.

Pagkatapos namin bigyan ng mga pagkain ang mga bata ay kumuha narin kami ng makakain namin. Ayon, si Charles ng ang na unang kumuha. WOW naman, hindi halata na gutom sya. 

"Wow, naman hindi ka din gutom noh?" pang-aasar ko sa kanya habang ngumunguya sya nga pagkain.

"hindi ako gutom, sadyang malakas lang talaga appetite." reasonssss~~ ang taong gutom maghahanap talaga ng rason... :P

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon