Chapter 29.1

801 25 9
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hi HYN Readers!! Kamusta? It's been a while, miss you so much guys especially don sa mga naging friends ko talaga dito (you know who you are). Yung mga nakakachat ko, yung mga ma iingay na nagco-comment sa mga chapters ng HYN. Haaaay! I miss you na talaga, pinalala pa ni Meebo na umalis sya at wala na tuloy akong maka-usap sa tuwing online ako. Anyways, kamusta naman ang pag-aaral nyo? Ako sobrang busy na dahil may Business plan na kami where we have to make a product and a book, kaya nga minsan nalang ako kung makapagbigay ng update. Kung napapansin nyo every Saturday nalang ako nakakapagbigay ng update, binibigyang oras ko talaga ang paggawa ko ng update para naman maayos ko itong magaawa, kahit na minsan may mga kamalian pa rin. Sana naman kapag nagka time kayo mag iwan kayo ng message sa MB ko or mag PM kayo sa akin. I miss you all na kasi talaga. Don sa mga new readers, WELCOME PO!! and THANK YOU SO MUCH for paying attention to this story!

I know excited na kayo sa mangyayari kaya ito na sisimulan na.....

ENJOY READING! :D

=================

CHAPTER TWENTY NINE - ONE

*MADDY'S POV

Nagtataka ako kung papaano na punta kay Charles itong yellow notebook ko. Sino naman kaya kumuha nito at nagbigay sa kanya? Tsk, nakaka-inis naman alam na nya lahat ng sekreto at kabaliwan na pinagsusulat ko don sa notebook ko na yon. Nagawa nya pang sulatan ng minsahe nya para sa akin. Gusto nya na pumunta ako don sa park na sinasabi nya ngayong 7 p.m. Pupunta kaya ako o hindi?

Simula ng mabasa ko yung minsahe ni Charles sa yellow notebook ko ay wala na akong ibang ginawa kon di ang. Maglakad ng iilang steps, tapos hihinto at hahawakan ang nuo. Maglalakad ulit at hahawakan ang baba na tila may ini-isip. At kapag napagod na kakalakad uupo sa kama at hihiga, tatayo pagkatapos at maglalakad ulit. Hindi ko na halos mabilang kung ilang ulit ko na itong ginawa.

Nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita....

"Baby girl, alam mo nahihilo na ako sa ginagawa mo." agad akong napalingon sa may pintuan at nandoon pala si mama. Kailan pa sya dumating at pumasok? Ni hindi ko man lang namalayan.

"Ma, kanina ka pa dyan?" tanong ko kay mama at agad na inayos ang sarili.

"Oo, at kanina pa ako nahihilo sa'yo." sagot nito at naglakad palapit sa akin. Tumabi sa akin si mama sa kama, pareho kaming naka-upo at tinanong nya ako ng "Maddy, may problema ba?"

Hindi na ako nagdalawang isip pa na sabihin sa kanya ang problema ko, sa panahong ito hindi ang yellow notebook ko ang dapat kung pagsabihan kundi ang mama ko. "Ma, si Charles kasi..." at pinakita ko kay mama yung yellow notebook ko.

Sinabi ko kay mama lahat-lahat, pinabasa ko rin sa kanya ang laman ng yellow notebook ko. Hindi lang si Celeine at si Charles ang nakaka-alam ng laman nito pati na rin si mama. Niyakap ako ni mama at sinabing.. "Maddy, do what you want to do. Follow your heart. Maaring nasaktan ka ni Charles, pero baqka may tamang dahilan sya kaya nya iyon ginawa."

"Ma, sa tingin mo ba dapat akong pumunta?" tanong ko kay mama.

"Anak, hindi ako ang dapat na sumagot nyan, kundi ikaw. Everyone deserves a second chance." sagot ni mama at hinalikan ako sa nuo at sinabi ulit "lalabas na ako, pag-isipan mo ang gagawin mo, dahil maari itong maging rason para mabago ang lahat." at lumabas na si mama sa kwarto ko.

Humiga at tumingala sa kisame. Wala naman sigurong mali kung pupunta ako, at isa pa tama ang sabi ni mama maaring ito ang magpapabago ng lahat. Maaring ito ang maging dahilan para bumalik si Charles sa akin. Kahit nasaktan nya ako, hindi ako tumigil sa paghiling na sana isang araw bumalik sya sa akin. Baka ang araw na ito ang sagot sa kahilingan ko.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon