Chapter 12.2

1.1K 31 20
                                    

[A/N: click the external link...... for the fan page of HYN, please do support it guys :) ]

CHAPTER TWELVE - 2


*VINCE PAOLO'S POV

Buong araw akong balisa at hindi malaman ang dahilan. Palaging tumatatak sa isip ko ang masayahing mukha ni Maddy, pero bigla-bigla nalang itong nababago at nagiging malungkot. Ewan ko ba kung bakit ko palaging ini-isip yung babae na yun. Nag-aalala din ako sa kanya.. ewan ko din kung bakit... pero isa lang ang alam ko gusto ko syang makita ngayon at malaman na okay lang sya.

Kaya agad akong nagtungo sa University na pinapasokan ni Maddy. Naghintay lang ako sa labas nagbabaka-sakaling makita ko sya. Hindi ko alam kung naka-uwi naba sya o nandito pa sya.. pero susubukan ko lang maghintay..

I hate to admit but I like her... Sa tingin nyo ba matatawag na pagtataksil ito kay Russell? Hindi naman mahal ni Russell si Maddy eh, si Ayesha ang mahal nya.. sana sa akin nalang na ipagkasundo itong si Maddy.. siguro hindi pa sya masasaktan.. Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa labas pero wala namang Maddy na lumabas.. baka naka-uwi na sya, kaya uuwi nalang din siguro ako..

Nang buksan ko ang pintuan ng kotse ay sya namang paglabas ni Maddy.. ^__^ hindi pa pala sya nakaka-uwi .. siguro ngayon lang natapos ang klase nya... Nakita kong nag wave sya ng kamay sa mga kasama nya as a sign of saying 'bye'... agad akong lumapit sa kanya...

"Maddy" tawag ko..

"Ay anak ng tokwa.. Pao-Paolo.. nandito ka?" ^__^ kahit nagulat sya ang cute nya pa rin... bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko....

"ahh oo.. I just want to check if you're okay" she smiled, a very sweet smile... mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko... naloko na... hooh

"Oo naman.. okay na okay noh" sabi nya at ngumiti ulit... ano ba naman oh... ngiti pa lang nya nag-iiba na takbo ng systema ko.. paano pa kaya kung.... kung... ano... wala... wala.. never mind...

"Ahh.. I see.. Well, that's a good news.. Going home?" tumango lang sya don sa tanong ko to say 'yes'.. .. ano ba naman 'to speechless ako... ang awkward ... -.-

"ahmm.... ahh.. wanna have coffee?" tanong ko na naman... pooof.. pinapawisan ako...eerr =__="

"I don't drink coffee" simpleng sagot nya.. ay oo nga pala.. naalala ko.. the last time I ask her.. ang sabi nya milk shake nalang daw.

"Ah yah... What about milk shake?" tiningnan nya ako at ngumiti ng ganito ka lapad oh ^__________^

"Libre mo ulit?" masigla nya tanong... Ang bobo mo Russell.. at si Ayesha pinili mo.

"Yap" sagot ko naman.. wew.. milk shake lang pala ..Sana akin ka nalang Maddy..

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon