Chapter 7.1

1.4K 37 30
                                    

CHAPTER SEVEN - 1

*MADDY'S POV

Simula nang mangyari ang engagement namin ni Charles ang dami nang nagbago. Gaya ng kapag umaalis o mamamasyal ako dapat kasama ko sya, ganon din sa part nya. Wherever he goes kailangan nandoon din ako. 

Sa totoo lang hindi nakaka-enjoy kasi naman kahit na nauutot na ako pinipigilan ko kasi baka tawanan ako ng Charles na yun, ang lakas pa naman mang asar ng ogag na yun.

"Kulay yellow na naman suot mo?" reklamo ni Charles habang nag da-drive. Papunta kami sa mall, actually wala naman akong gagawin sa mall, sya lang ang may gagawin. May ka date daw sya, model daw ka date nya, pake ko ba. At since aalis sya isa lang ibig sabihin non dapat kasama ako. =__=

Kahit na engage na kami ni Charles nakikipagdate pa rin sya sa kung sino-sinong mga models dyan. Hindi ko naman sya pinipigilan kasi kahit na engage na kami wala naman akong karapatan sa kanya kasi hindi ko sya pagmamay-ari.

Wala din naman akong dapat ikagalit kasi hindi naman namin mahal ang isa't-isa. Yung kina-iinis ko lang tuwing saturday nalang kasi palagi syang may ka date, eh sa saturday pa naman ako nanonood ng mga videos ni Yamapi. Panira talaga itong si Charles. (;A;)

"Pake mo ba, eh sa kulay yellow karamihan sa damit ko." sagot ko naman.

"Wala ka bang kulay red, fushia or black na damit yung mga seductive colors? Hindi yung kulay yellow palagi. Bukod sa nakakasawa na yang kulay na yan eh napaka light pa para kang bata, at yang buhok mo ayusin mo nga ang panget ng style" ano problema ng isang 'to bakit ba nagagalit sya sa suot at style ng buhok ko. cute naman ah. PMS!

"Ang dami mong sinasabi." 

Nakakainis, maganda naman ang kulay yellow ah, ano ba problema nya? Pwerket ang gwapo nya sa suot nyang white t-shirt na pinatungan ng itim na jacket at naka sun glasses pa sya, eh lalaitin na nya ang suot ko? tapos yung buhok nyang messy look mas dumadagdag pa sa kagwapohan nya (kailangan talaga'ng ulit-ulitin ang word na gwapo?) oo kailangan talaga, pake mo?

[A/N: see the picture beside for their looks >>>>>>>>]

Sa mall..

Naglalakad kami, oo syempre ang panget naman kasi kung gumagapang kami, di ba? Oh ayan seryoso naglalakad kami, na una si Charles syempre palagi naman yan eh. Para akong timang dito sa likuran nya na sunod ng sunod sa kanya.

"Araay" =__= na untog ako sa likuran nya, bigla kasi syang huminto sa paglalakad, eh nakayuko pa naman din ako.

"Bawasan mo naman katangahan mo" sabi ni Charles bago humarap sa akin. Nag pout lang ako at hinapo yun ulo ko. Napahinto muna kami sandali sa kinatatayuan namin.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon