Chapter 11.1

1.2K 32 10
                                    

CHAPTER ELEVEN - 1

*VINCE PAOLO'S POV

Bagong taon, bagong simula ng buhay. New chances to take and new challenges to face. Balik eskwela ng pagkatpos ng mahabang Christmas vacation. Sulit na sulit yung bakasyon ko kasama si ate Dianne. Sa HongKong kami nag celebrate ng Pasko ni ate Dianne kasama yung pamilya ng boyfriend nya. At nong new year sa bahay namin ako nag bagong taon, ayaw ko sana kaso sobrang mapilit si ate Dianne kaya pumayag na lang ako. Na mimiss ko din naman si mama at yung mga utol ko. Bagong taon na pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni papa.

Bagong taon na at wala pa rin akong balita tungkol kay Celeine. Ni minsan sa buhay ko wala naman akong pakialam sa kanya. Matapos ang gabing kinantahan nya ako sa condo unit ko ay hindi na nya ako ginagambala pa, ni hindi na din sya nag te-text sa akin at nag po-post sa FB wall ko. Tinupad nya talaga ang napagkasunduan namin. Siguro mas makakabuti to, hindi na nya ako gugulohin at sya naman makakalimotan na din ako.

"Oy pare, Happy New Year" bati sa akin ni Jonas pagkarating ko sa University.

"Happy New Year din pare" sagot ko naman sa kanya at sabay na kaming nag lakad patungong 5th flr. para sa unang subject namin ngayong araw.

Nang maka abot na kami sa 4th flr. ay naka salubong namin si Celeine. Tumingin lang sya sa amin at agad na tumalikod at pumasok sa isang classroom. 

"Pare diba si Celeine yun?" tanong ni Jonas, marahil ay nagtataka din siguro sya sa inakto ni Celeine. Tumango lang ako don sa tanong ni Jonas.

"Bakit biglang umiwas yun? Anong nang yari don? Inaway mo no?" sunod sunod na tanong sa akin ni Jonas. Alam ko ang sagot bakit sya umiiwas, yun ay dahil sa usapan namin na hindi na nya ako gugulohin. Sa tanong kong ano nangyari sa kanya, hindi ko alam. At sa tanong na inaway ko ba sya, ewan oo na hindi ata.

"Wag mo nalang pansinin yon, tayo na nga lang baka ma late pa tayo." yun nalang ang sinabi ko kay Jonas para mag tigil na sya sa kakatanong, pero ang ogag di na tigil sa kakadaldal..

"Alam mo pare, di talaga kita ma gets eh, ano bang ayaw mo kay Celeine at tinutulak mo sya palayo?" napatingin ako kay Jonas habang nag lilitanya sya.

"Unang-una ang ganda ni Celeine, sexy at ang kinis pa ng balat" pagsisimula nya. Napa-isip din ako, oo, tama si Jonas maganda, sexy at makinis nga si Celeine aware naman ako don ah... kaya ko nga sya ibinigay kay Russell kasi alam ko yun ang klase ng babae na gusto ng chick boy kong pinsan, kaso engage na ang loko. Ang swerte ni Russell at sa isang babaeng katulad ni Maddy pa sya na engage.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon