Chapter 24.1

874 24 8
                                    

AUTHORS NOTE: Belated Happy Mothers Day sa mga mommies, mama, nanay, inang at etc. Ang chapter na ito ay puro POV lang ni Charles, good luck sa pagbabasa. Huwag nyo sana akong awayin dahil likha lamang yan ng aking utak. Feel free to react po, just post your comment bellow. Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng kwentong ito lalo na don sa mga SUPER UPDATED (you know who you are) ^__^ . Gusto ko lang po ipa-alam na kung gusto nyo po magpagawa ng BOOK COVER just approach me lang.. mag PM lang po kayo sa akin with the info's na gusto nyo para sa book cover. Wala po akong kapalit na hinihinge, so feel free to approach me. Thank you!

Election day na pala, sa mga boboto VOTE WISELY!

ENJOY READING! :D

=============================

CHAPTER TWENTY FOUR - 1

*CHARLES POV

Second day na namin dito sa Subic at ang aga kong nagising. Alas 4 palang dilat na yung mata ko. Paano ba naman kasi eh ang akward nang feeling nakasama ko sa iisang kwarto si Pao, where in fact alam na alam namin pareho na may gap na between us.

Paolo is acting so wierd, first time ko syang makita na ganon; galit, naiinis na mukhang ewan, di ko ma explain. Maybe he is hurting, naa awa din naman ako kay Paolo, kahit papano iniisip ko pa rin sya.

I decided to take a walk outside, I want to think and be alone. Alam kong hindi ito madali para sa aming lahat. Marami ang nasasaktan; ako, si Paolo, si Celeine and maybe sooner pati si Maddy lalo na kapag nalaman nya ang mga nangyayari.

I'm in the middle of the street when my phone suddenly vibrates, kaya napahinto muna ako sa paglalakad-lakad. I took out my phone from my jogging pants pocket. It's an unknown SMS, kaya nagda-dalawang isip ako kung titingnan ko ba. Baka kasi si Megan na naman, I didn't save her number when she texted me yesterday. But I have this urge to open the SMS, so I did.

Nagulat ako ng makita ito, its an edited picture of Maddy... she's smiling but her face is full of blood. Shit.... there's a message attached in the photo "If you want her alive, stay away!" Damn! WTF! is this a joke? hindi nakakatawa ha, nakaka-inis sobra.

Sino naman ang magbibigay ng death threat kay Maddy? It's impossible to be Paolo, he likes Maddy and for sure he will never put her life in danger. What the hell!! Bigla akong kinabahan kaya tumakbo ako pabalik sa rest house.

Papasok na sana ako ng gate ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Damn! Sinubukan kong pumalag pero ang lakas, peste naman oh!!! Dahil marami ang kahoy sa lugar ng rest house a don nya ako dinala, shit talaga!

He pushes me on the tree at sinuntok ako sa sikmura. Put@ng ina!! >//< kapag ako nakaganti lagot 'tong hayop na 'to sa akin. Namilipit ako sa sakit ng suntok nya, sa laki ba naman ng lalaking 'to. Mas matangkad at mas malaki ang katawan nya sa akin.. kaya nahihirapan akong pumalag sa kanya.

Nang mawala na ang sakit ng sikmura ko ay sinubukan kong manlaban, pero sinuntok nya ako ulit sa sikmura at sinuntok din ako sa mukha na syang naging dahilan ng pagkatumba ko sa dahonan. Nang matumba ako ay biglang may tatlong lalaki na dumating. Yung nasa gitna ata leader nila kasi nakasuot ito ng mas pormal kaysa ibang lalaki na nandito. Nakasuot ito ng itim na coat at may sun glasses, naka tungkod din ito at may pipe sa bibig, kung titingnan nasa mga 50 plus na ang edad nito. Yung kasama naman nya ay mukhang mga lalaking kontrabida sa mga pelikula ni FPJ, yung mga binubogbog ng bida.

Sino ba sila? Bakit nila ako bunogbog, wala naman ata akong kasalanan ah.. Peste, baka mga addict 'to at ako ang napagtripan. Kay aga-aga naka drugs, langya naman oh!! Sinubukan kong tumayo pero yung lalaking sumuntok sa akin ay agad akong kwenilyohan at hinila pataas para makatayo.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon