- - -

98 7 8
                                    

Special Chapter II

~ × ~

Field Trip in Oakwood

       Raven Pierce's POV

       "I think you have just been rejected." Natatawang bungad ni Xenon paglapit na paglapit niya rito sa kinakatayuan ko. Andito kami sa may second floor ng museum at may malaking bintana rito, kaya naman kitang-kita namin ang mga tao sa labas.

       Dumapo naman pareho ang tingin namin sa isang grupo ng magkakaibigan na papunta ngayon sa isang parking space. Kasama nila iyong babaeng sinasabi ni Xenon na nang-reject sa akin.

       "Tingin ko ginantihan lang niya ako dahil ang sungit ko sa kanya noong una kaming nagkakilala dati." I can still remember how rude I was to her that day. Mga bata pa kami noon, at ang lakas ng loob niyang lapitan ako sa isang party.

       "I doubt that. Alexandria doesn't even remember anything from her past." Tila nanunukso pang sagot nitong katabi ko kaya siniko ko na lang siya.

       Ayaw ko na sanang sumagot, pero naisipan ko siyang gantihan kaya naman ngumisi ako.

       "Kaya pala hindi niya rin maalala na close kayo dati. Kaya nga hindi ka rin makaporma sa kanya, diba? Dahil nahaharang ka ng mga kapatid niya, at wala kang magawa kasi hangga't wala siyang naaalala, bantay sarado muna siya ng mga Kuya niya." Pinanlisikan naman ako ni Xenon ng mata dahil sa sinabi ko, kaya agad na lang akong tumawa at tinalikuran siya.

       Ito talaga gusto ko laging pang-asar sa kanya. Alam ko kasing wala siyang maisagot palagi dahil totoo namang hindi niya kayang suwayin ang kagustuhan ng magkakapatid na Montecillo.

       "Remind me again why I'm talking to you." Rinig ko na lang na sabi niya bago sumunod sa akin, kaya napa-iling na lang ako.

        Inakbayan ko na lang din siya nang makalapit na siya sa akin, kaya naman muli niya akong sinamaan ng tingin.

       "Sorry na, gusto mo ba magpalambing pa sa akin?" Pagbibiro ko sa kanya kaya ako naman ang siniko niya dahil dito, hindi ko tuloy maiwasang matawa na lang lalo. Nakuha na nga namin ang atensyon ng ilang tao rito, pero wala naman kaming pakialam pareho.

       "Do you want to hear what I'm about to tell you or no?" Kunware ay iritado niyang tanong, kaya nagpanggap na lang akong zinizipper ko ang bibig ko. Napa-iling tuloy siya.

       "Dad just called, and he said that he already got a hold of your family's other properties. Just say the word and he'll set an appointment privately with your parents." Napangiti naman ako bigla nang marinig ang sinabi niya. Dahil tuloy dito ay hindi ko maiwasang mapayakap sa kanya, na alam kong ikinagulat niya.

       "Bro, sabi ko na nga ba makaka- asa talaga ako sa'yo. The best ka talaga, pero sunod lang sa'kin." Tinapik-tapik ko pa likod niya pero pinalo lang naman niya ang braso ko, kaya natawa nanaman ako.

       "Sige, sabi ko nga walang public display of affection."

        Inilingan na lang niya akong muli, bago kami nagpatuloy maglakad palabas ng museum. Hindi ko maiwasang mapa-hum ng masayang tono habang naglalakad dahil sa tuwa.

       You see, I asked Xenon Montreal a favor. When my grandparents's named were ruined, some of our family's properties weren't given back to us. Kung tutuusin ay hindi naman sa akin importante ang mga iyon, lalo pa't sapat na sa akin ang mayroon kami.

       Pero gusto ko, kapag nawala na ako sa mundong ito, ay mayroong karagdagang proteksyon na maiiwan sa pamilya ko. In this world where wealth is equals to power, and power is equals to protection, that's the only help I can offer and leave for my parents and sister.

       Nang nalaman ni Xenon iyon, akala ko ay hindi niya ako tutulungan, pero ni hindi siya nagdalawang isip na um-oo sa pabor ko. In some way, we both became friends by looking after the girl who became the source of our power and life.

       "When are you going to transfer to Montecillo Academy, by the way?" Naitanong niya bigla nang malapit na kami sa may exit. Nagkibit-balikat naman ako dahil hindi ko alam ang eksaktong sagot.

       "Ang alam ko lang malapit na, pero hindi pa sinasabi sa'min kung kailan." Tinanguan na lang din niya ang sinagot ko, at hindi na muling nagsalita pa.

       Hanggang sa tuluyang makalabas kami ng museum ay wala ng imik si Xenon, kaya naman bago pa kami maghiwalay ng landas ay nilingon ko na siya. Napakunot naman ang noo ko nang mapansing diretso ang tingin niya sa isang stall ng pagkaing nakaparada sa labas.

       "I want that.." Rinig kong bulong niya kaya natawa ako.

       "Cotton candy? Gusto mo n'yan?" Hindi pa siguro niya napagtatanto na nagtatanong ako dahil tulala pa siya rito, kaya walang pag-aalinlangan lang siyang tumango.

       "O bakit hindi ka bumili?" Para naman siyang natauhan na kanina pa siya tulala, kaya napakurap kurap pa siya nang lumingon siya sa akin.

       "What?"

       "Sabi ko, bakit hindi ka bumibili kung gusto mo pala." Napakunot naman ang noo ko nang mabilis niyang iniwas ang tingin niya. Napakamot din siya sa likod ng batok niya, bago mahinang sumagot.

       "I don't have coins."

       Akala ata niya ay hindi ko iyon narinig pero rinig na rinig ko, kaya hindi ko nanaman maiwasang matawa. Muli ko na lang siyang inakbayan at kinaladkad na papunta sa stall na nagbebenta ng cotton candy.

       "Sige bro, dahil tinulungan mo ako, ililibre na lang kita."

       Apparently, the Xenon Montreal, heir to the unrivalled Montreal wealth and a very powerful man, can't have a cotton candy just because he doesn't have coins.

       "Puros malalaking halaga ba ng pera ang dala mo kaya wala kang pambili?" Napapa-iling na lang ako habang papalapit kami ng papalapit sa bilihan ng cotton candy.

       Itinanong ko lang naman iyon para sana asarin siya, pero napa-awang na lang ang bibig ko sa naging sunod niyang sagot.

        "No.. They said they don't accept cards." Sobrang seryoso pa niya noong sinabi iyon, na para bang iyon ang pinaka-normal na bagay sa mundo.

       "Edi sana binili mo na lang yung buong cotton candy stall."

       Hindi ko tuloy maiwasang sulsulan pa siya lalo, susubukan ko lang naman kung kakagatin niya. Pero sana pala hindi ko na lang ginawa. Napa-iling na lang talaga ako sa naging sagot niya.

     "I tried that earlier, but they didn't allow me."

       Wew, bro, wew.

Alexandria Montecillo: The DefenderWhere stories live. Discover now