X - The Warmth Of the Sun

329 28 4
                                    

       "History... repeat..."

       "a promise... thyself... "

       "The embrace..."

       "the Eight..."

       "the hate..."

       "...bond..."

       "the past..."

       "Enemies..."

       "...last"

      
       Agad akong napadilat at napahawak sa ulo ko nang sumakit ito. Ipinikit ko lang sandali ang mga mata ko, nakaidlip na agad ako. Tapos kung ano-ano nanaman iyong dumalaw sa panaginip ko.

       Hindi ko maintindihan yung mga salitang sinabi niya, lalo pa at putol putol– o baka hindi ko lang matandaan na yung ibang salita. Kung may isang bagay man akong sigurado, yung boses ng nagsasalita... pamilyar.

        Nagpakawala nalang ako ng isang buntong hininga. Ito nanaman, ang dami nanamang gumugulo sa isipan ko. Hays.

       "Are you okay, Sunshine?" Mukhang nakuha ko ang atensyon ni Kuya Hendrix nang bumuntong hininga ako, kaya mula sa passenger's seat ay nakalingon siya sa akin ngayon.

       Nginitian ko naman siya at tinanguan. "Bitin lang yung panaginip, Kuya. Malapit na ba tayo?" Agad naman siyang tumango sa tanong ko at ibinalik na ang tingin niya sa harapan.

       "We've just passed by a café of some sort. Baka maya-maya lang ay nasa sentro na tayo ng Girdwood." Tumango nalang ako sa kanya at bumaling nalang din sa labas ng bintana.

       Sinulyapan ko rin muna sandali si Kuya Jarvis na tahimik lang na nagmamaneho. Si Kuya Travis naman sa tabi ko ay mahimbing pa ang tulog, at yakap yakap pa niya ang isang malambot na unan. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

       Papunta kami ngayon ng Girdwood, para subukang hanapin ulit si Arianne. Noong una ay ayaw pa kaming payagan ni Mommy, pero sa huli ay pumayag na rin siya. Basta raw ay isasama namin ni Kuya Jarvis sina kuya Hendrix at kuya Travis. Gusto rin naman nilang makapunta sa Girdwood, kaya wala namang naging problema sa kanila.

       Pag-uwi namin ni Mommy kanina sa bahay, agad din niyang ipinatawag sila Kuya. Noong una ay nagtataka sila kung tungkol saan ang pag-uusapan, kaya lubos ang gulat at galit nila nang malaman ang nangyari sa amin. Isa iyon sa dahilan kung bakit tumutol si Mommy na umalis kami, pero sa huli naintindihan niya rin. Si Kuya Yohan naman ay sadyang hindi sumama para raw may maiiwan sa bahay. Pagkatapos ng nangyari, malakas ang kutob kong mas lalo siyang maghihigpit sa amin.

       Nakalusot lang naman ata kami ngayon kasi matagal na naming ipinagpaalam ito. Sa Girdwood kami matutulog, at bukas na kami uuwi. Magbabaka-sakali lang kaming mahanap si Arianne.

       "Before we go to wherever, can we stop by somewhere and eat first?" Natigilan naman ako sa pag-iisip nang marinig ko ang inaantok pang boses ni Kuya Travis. Agad ko siyang nilingon at natawa ako ng mahina nang makitang nakapikit pa siya, na para bang antok na antok pa.

       "We'll eat dinner at the hotel's restaurant, Travis." Si Kuya Hendrix na ang sumagot sa kanya ng hindi man lang lumilingon. At kahit nakapikit ay tumango pa rin itong katabi ko kaya napa-iling nalang ako.

       Ibinalik ko nalang din sa labas ang aking tingin. Ganoon pa rin naman, walang pagbabago– puros mga kapunuan pa rin.

       Napapa-isip tuloy ako, ano kayang itsura ng sentro ng Girdwood? Kasing ganda kaya iyon ng Town Center? O kasing ingay at buhay na buhay tulad ng Oakwood Plaza? Ang payapa siguro roon.

Alexandria Montecillo: The DefenderWhere stories live. Discover now