XXXIII - Sunshine In A War

227 24 4
                                    

       Minsan kapag humaharap tayo sa madaming pagsubok, akala natin kapag nalampasan natin iyon ay tapos na. May mga pagkakataong ganoon ang nangyayari...

       Ngunit, may mga pagkakataon ding iyon palang ang simula.

       Kagabi ay mabilis kaming umalis ng Montclair Estate at bumalik sa bahay na pag-aari ni Kuya Hendrix. Kinuha lang namin ang mga kagamitan namin, at kinuha rin nila Raven mga sasakyan nila. Nagpalit lang din sila ng maayos na damit, tapos ay wala na kaming sinayang na oras at bumyahe na pauwi ng Hillwood.

       Sumama rin sa amin si Vivienne, at kasama niya ang ilan sa mga naiwan nilang security personnel. Narinig ko rin siyang nagbilin sa mga tauhan nila na balitaan siya kapag may nalaman sila tungkol sa Lolo at Lola niya.

        Ayaw man naming umalis na, pero sa oras na ito ay iyon ang mas makakabuti. Nakakalungkot lang na nakakasama palang ulit namin si Daddy, tapos ngayon nalayo nanaman siya sa amin, pati na rin si Mommy.

       "Baby A, I know it's hard. But there's no time for us to mope, we need to do our part to help our parents."

       Iyon ang mga salitang binitawan sakin ni kuya Hendrix kahapon. Sinasabi niya iyon kahit na maging siya ay makikitaan ng pagod sa mata, kaya tumango na lang ako at mas piniling magpakatatag. Kung ang mga kapatid ko nga patuloy pa ring bumabangon, ganoon din dapat ako.

         Pasikat na ang araw sa labas, pero kakatulog lang ni kuya Jarvis sa tabi ko. Buong gabi kasi siyang gising dahil hindi raw siya makatulog, at kinakausap lang niya sila Sir Saturn sa kabuuhan ng byahe. Nakasunod din sa sasakyan namin sila Kuya Yohan na kasama si Melissa, si Raven at ang sasakyan nila Vivienne. Naroon din si Kuya Travis, pero hinayaan ko na lang. Baka gusto lang niyang samahan si Vivienne.

        Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay mukhang magaan ang loob nila sa isa't isa.

        "Okay ka lang Miss Alexandria? Nagugutom ka ba?" Napatingin ako kay kuya Damon nang marinig ang tanong niya. Tinitingnan niya rin ako sa rearview mirror, at umiling na lang ako.

        Kakaidlip lang din ni sir Saturn sa may passenger's seat, siya kasi ang nagmaneho buong gabi at kakapalit lang nilang dalawa. Nginitian na lang ako ni kuya Damon, at hindi na nagsalita pang muli kaya nangibabaw ulit ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

        Ibinalik ko na lang din ang tingin ko sa labas upang pagmasdan ang mga nadadaanan naming agwat agwat na kabahayan. Sa lagay na ito ay mukhang malapit lapit na kami sa Hillwood. Naalala ko tuloy noong nasa sasakyan palang ako papunta ng Academy, si Mama Rianne pa ang kasama ko at walang wala sa isip ko na ganito ang mga kakaharapin ko.

        Wala talagang permanente sa buhay ano? Iyong akala mong payapa mong buhay pwedeng-pwedeng magbago sa loob lamang ng isang segundo.

       "Ano?!" Nahila ako sa kalaliman ng iniisip ko nang marinig ko ang gulat na gulat na boses ni kuya Hendrix. Maging si kuya Jarvis ay mukhang naalimpungatan, kaya pareho kaming napalingon sa kapatid naming kanina ay tulog pa.

       "Bakit, Kuya?" Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo nang makita kong dumaan ang takot sa kanyang mukha. Napa-awang din ang kanyang bibig marahil ay dahil sa gulat sa kung ano man ang narinig.

       "We're on our way." Iyon lang ang narinig naming isinagot niya, bago siya bumaling sa amin ni kuya Jarvis.

       "Xenon called. The Academy is under attack."

Alexandria Montecillo: The DefenderWhere stories live. Discover now