XLI - Unlikely

237 25 13
                                    

       "Take every weapon you can get, and we'll leave in five minutes." Anunsyo ni kuya Yohan habang nangunguha rin ng mga dagdag na weapons. Kanya-kanya na ring handa ang mga naiwang security personnel dito kanina, at hindi rin sila magkamayaw sa pagsuri sa buong paligid pagdating na pagdating namin.

       Si kuya Damon naman ay dumiretso agad sa itaas para kuhanin si Xenon, at isakay sa sasakyan. Hinahanda na rin nila ang ilan pang mga sasakyang gagamitin namin paalis dito, papunta sa kung saan kami pwedeng magtago ulit.

       "This running needs to stop." Rinig kong komento ni Vivienne habang pinagmamasdan ang paligid, may kakaibang lungkot sa kanyang mata. Natigilan naman si Cass, na nasa tabi niya, at napalingon sa kanya.

        "We're not going to run forever, we're just at a disadvantage that's why we're doing this." Halos pabulong na sagot ni Cassandra na tinanguan naman ni Vivienne.

        "I know..." Sinundan ito ng pagbuntong hininga ng dalawa, tapos ay muling nagpokus sa ginagawa nila, kaya inayos ko na lang din ang knife belt na kinakabit ko sa bewang ko.

       Habang ginagawa ko ito ay hindi ko maiwasang mapaisip sa nangyari kanina. Sa kung paano nagpa-iwan sila Tito Jace roon para masigurong magkakaroon pa kami ng oras para maka-alis dito... sa kung paano tumangis si Cass habang paalis kami roon. Hanggang sa makalayo nga kami, at matigil na sila sa pagdaing sa sakit, hindi na nagsalita ang kahit sino sa kanila. Walang may balak umimik, walang may nais magsalita at bumasag ng katahimikan. Dahil sa katahimikang iyon na lang namin mahihiling na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.

        Sa gitna ng katahimikang iyon na lang namin nahanap ang panandaliang kapayaapang tuluyan ng ninakaw sa amin– kapayapaan ng isipan, at kalooban. Siguro ay kinailangan din talaga namin ang snadaling iyon upang huminga sa gitna ng katapusan ng araw, at pagsisimula ng bagong madilim na hinaharap. Sapagkat sa sunod sunod na mga nangyayari na ito, ni hindi na rin namin alam kung alin ang uunahin; ang paghahanap ba sa mga magulang namin at kay Arianne, o ang paghahanda ng sarili namin para sa labang nais isagawa ni Gabriel... at sa gitna pa ng lahat ng iyon ay ang pag-aalam at pagtutuklas namin ng mga bagay na hindi namin alam.

        "Tara na?" Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang kamay ni Melissa sa balikat ko. Nabalik din ako sa huwisyo kaya agad ko siyang nilingon, bakas ang pag-aalala sa kanyang mata.

        "Sorry, ayos ka lang ba? Nagulat ka ba masyado?" Inilingan ko siya agad bilang sagot, at umayos na lang ng tayo. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang isa-isang pagkilos nila Kuya, palabas ng bahay at paalis sa lugar na ito.

        Pinasadahan ko rin ng tingin si Melissa, nakalabas ang bow at arrow niya at nakalagay sa likod niya. Ang buhok niya'y nakatali, pero may mga hibla ng buhok na ang medyo nagulo. Nagpapakita na ang pagod at pangamba sa kanyang mukha, pero nagagawa pa rin niyang magmukhang matatag. Mayroon din siyang suot na knife holster sa kanyang balikat at dibdib, at punong puno ito
ng ilang nagkikintaban at matatalim na dagger.

        "Alam ko iniisip mo pa rin sila Tita D at iyong Daddy ni Xenon, pero kailangan na nating umalis dito." Malambing ang tono ng pananalita ni Melissa habang sinasabi iyon, at alam kong pati siya ay nalulungkot pero nag-aalala pa rin siya sakin kaya naman pinilit ko na lang na ngumiti para sa kanya. Ikinawit ko na rin ang kamay ko sa braso niya saka siya iginaya palabas, para makasunod na kami sa mga kapatid kong paniguradong nag-aantay na sa sasakyan.

        "Kahit anong mangyari, makakaligtas tayo at magiging ayos ulit ang lahat." Iyon na lang ang isinagot ko sa kanya bago muling nilingon ang kabuuhan ng bahay, at tuluyang lumabas. Iyon na lang ang pangakong iniiwan ko sa bahay na 'to, sa lugar na magpapa-alala kanila Tito Jace, Dana at Sir Saturn, dahil iyon na lang din ang tanging pangako na magagawa ko sa ngayon. Isang pangako at pag-asa na matatapos din ang lahat ng ito.

Alexandria Montecillo: The DefenderWhere stories live. Discover now