XXXVI - War Of Hearts

209 23 6
                                    

        "Aria?" Pinasingkit ko ang mata ko upang tingnan kung ang wolf ko nga ba ang nakikita ko. Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong nasa gitna ng isang gubat, at sunod kong napansin ang pagdaan ng isang wolf. Hindi ko rin mapigilang sundan ito, kaya naman takbo na lang ako ng takbo sa kung saan saang direksyon.

         "Aria!" Natigilan lang ako nang tuluyan kong makita ang wolf na hinahabol ko, at ngayon ay nakahinto rin siya. Tila ba inaantay ako.

        Agad akong napangiti nang tumakbo siya papalapit sa'kin, at sinunggaban ako dahilan para mapa-upo ako sa lupa. Pero hindi ko na ito inisip, at niyakap ko na lang ang alaga ko.

        "Akala ko kung ano na ang nangyari sayo..." Sobrang gumaan ang loob ko na kahit papaano ay hindi siya naabutan ng Council, o nakuha ng kahit sino. Sigurado kasing mapupunta lang siya sa kulungan, dahil imposibleng hahayaan nila itong maging malaya sa kagubatan.

        Naramdaman kong inilapit na lang ng wolf ang mukha niya sa akin, at idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko. Tapos ay unti-unti na itong lumayo, at tumalikod sa akin, kaya napakunot na lang ang noo ko habang tinitingnan ang ginagawa niya.

        "Aria..?" Sinubukan ko itong tawagin, pero dire-diretso lang itong naglakad palayo. Agad naman akong napatayo, at hahabulin ko na rin sana siya pero nasilaw ako bigla nang may lumitaw na sobrang liwanag na puting ilaw sa harapan namin. Para itong bumubuo ng isang pigura, pero hindi ko makita kung ano dahil sa liwanag nito. Tumakbo rin papunta sa ilaw na ito si Aria, na animo'y nakikilala niya kung ano man itong nakikita ko.

          Nanatili lang akong nakatayo roon hanggang sa tuluyang makapag-adjust ang mata ko sa liwanag. Nang kaya ko na itong matitigan ay napansin ko ring nasa tabi na nito si Aria, at tama rin ang hinala kong isa nga itong pigura.

         Isang pigura ng babaeng nakatalikod sa akin, naglalabas siya ng kakaibang liwanag na para bang nagpapahiwatig ng pagiging makapangyarihan niya. Tila lumulutang din sa hangin ang mahaba niyang buhok na nadidisenyuhan ng naggagandahang bulaklak. Ang mahaba rin niyang puting flowy gown ay umaabot sa lupa, at tila kumikinang ang mga iba't ibang uri ng bulaklak na disenyo nito.

        Para siyang pamilyar...

        "Aria..." Muling tawag ko sa wolf na naging kaibigan ko na. Isang lingon lang ang ginawa nito bago siya tuluyang naglakad paaalis at palayo, kasama iyong babaeng hindi ko kilala.

         Bago sila tuluyang makalayo ay bahagyang lumilingon sa akin ang babae...

         Mabilis akong napasinghap at napabangon nang magising ako sa panaginip na iyon. Bumungad sa akin ang kisame ng kwartong tinulugan ko. Paglingon ko rin sa aking kaliwa ay wala na si Melissa, mukhang nagising na rin siya at lumabas na ng kwarto.

          Ikinalma ko na lang ang aking sarili at inayos ang higaan bago ko napagdesisyunang lumabas din. Pagdating namin dito sa beach house ni Tito Jace kagabi ay pare-pareho kaming hindi nakatulog. Sa tingin ko'y pare-pareho kaming natatakot na anumang oras ay may makakahanap kung nasaan kami, o kaya naman ay mayroon nanamang hindi magandang mangyayari.

          Maya't maya ko ring sinisilip sila Dana, Cass at Xenon kagabi kung ayos lang ba sila. Bago ako matulog kaninang umaga ay hindi pa rin nagkakamalay si Cass at Xenon, samantalang tulala lang si Dana. Hula ni Tito Jace ay gulat ito, at baka may mga bumalik na mga alaala sa kanya. Ayoko namang pilitin siyang magsalita, dahil baka mas ikasama niya.

          Paglabas ko ng kwarto ay naririnig ko na agad ang ingay nila Raven at Melissa sa ibaba, pati na rin ang tawa ni Tito Jace na mukhang tuwang-tuwa sa dalawa. Sa labas din ng glass walls ay napansin kong gabi na, mukhang tulog na tulog talaga ako buong araw. Namataan ko ring nag-uusap si kuya Travis at Vivienne sa may dalampasigan habang naglalakad ako pababa ng hagdan.

Alexandria Montecillo: The DefenderWhere stories live. Discover now