XXXVIII - Powerful Being

259 25 28
                                    

Happy Valentine's Day, mi luvs! I hope you feel my love through this chapter haha~ Enjoy your day! ♡

~ ♡ ~

       "He's unconscious... like ten years ago... when we thought you died, Alexandria. Except this time.. he is unconscious because the bond is broken."

       "He's unconscious... like ten years ago... when we thought you died, Alexandria. Except this time.. he is unconscious because the bond is broken."

       "He's unconscious... like ten years ago... when we thought you died, Alexandria. Except this time.. he is unconscious because the bond is broken."

       "He's unconscious... like ten years ago... when we thought you died, Alexandria. Except this time.. he is unconscious because the bond is broken."

        Para akong nabibingi sa sinasabi ni Tito Jace. Hindi ko matanggap. Hindi ko maintindihan... kaya ito at tanging pag-atras lang ang magawa ko hanggang sa makalabas ako ng kwarto ni Xenon.

       Simula nang narinig nila ang sigaw ko, at pinuntahan nila kami ni Xenon sa may hammock, pakiramdam ko ay parang hangin na lang na dumaan ang bawat sandali. Parang bumilis ang takbo ng oras sa paligid ko hanggang sa napagtanto ko na lang na nasa loob na kami ng beach house, at pilit akong hinihila palayo ni kuya Travis sa pagkakayakap ko kay Xenon. Pigil pigil ako nila kuya Jarvis sa buong oras na sinusubukan ni kuya Hendrix na gamitin ang Healing Ability niya kay Xenon, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay wala itong nagagawa. Hindi siya gumigising at walang nangyayari sa kanyang kahit anong gawin nila.

         Hanggang sa dumating si Dana at sinabi niya sa'ming nakita niyang mangyayari 'to kani-kanina lang, isang desisyong matagal ng pinag-isipan ni Xenon– ang ibalik sa akin ang lakas na ibinigay ko sa kanya bilang proteksyon niya noon. Ang putulin ang bond na nagkokonekta sa aming dalawa.

       At ngayon... Ang marinig ito mula kay Tito Jace...

       Hindi ko alam ang gagawin ko.

       Para akong hindi makahinga at naninikip ang dibdib ko. Imposibleng mangyari 'yon, hindi pwedeng masira ang bond kasi kapag nangyari iyon... mawawala siya. Hindi pwede.

        "Hindi pwede..." Nasabi ko na lang nang makalapit sa'kin si kuya Hendrix, at kinulong niya ako sa isang yakap. Napa-upo na lang din ako sa sahig dahil hindi ko na kayang tumayo, nanlalambot na masyado ang paa ko.

        "Hindi pwede, Kuya. Hindi ko kailangan ng proteksyon, tumayo lang siya ulit dyan." Paulit-ulit kong inihahampas ang kamay ko sa sahig, umaasang aalis ulit sa katawan ko iyong simbolo ng bond namin ni Xenon at babalik ulit sa kanya. Pero tanging pananakit ng kamay lang ang nakuha ko, at ang mahigpit na paghawak sakin ni kuya Hendrix, pati na rin ni kuya Yohan na ayaw ng bitawan ang kamay ko para siguro hindi ko na ito maihampas.

         "Sunshine, please stop doing that." Naririnig ko ang pagsusumamo sa boses ni kuya Hendrix, pero hindi ko kayang sundin ito. Lalo na kung alam kong may isang buhay nanaman na nanganib dahil sa akin.

         "Hindi ko na kaya, ayoko na. Ayoko ng maging si Alexandria. Ayoko na Kuya, ibalik niyo na lang ako sa dati kong buhay. Ayoko na ayoko na ng lahat ng 'to, hindi ko na kaya!" Para na siguro akong baliw dito na umiiyak habang sumisigaw, pero wala akong pakialam.

         Ayoko na. Pagod na ako sa kapalarang nag-aantay sa akin. Hindi ko ito ginusto.

        "Hindi ko naman ito hiniling, Kuya. Gusto ko lang maging masaya, bakit kailangan mangyari 'to? Masyado bang malaki ang kabayaran sa bagay na hinihingi ko? Ayoko na, Kuya, pagod na pagod na ako." Nawalan na lang din ako ng lakas na magpumiglas at hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak sa yakap nila kuya Hendrix at kuya Yohan. Hinayaan ko na lang silang maging suporta ko ngayong hinding hindi ko kaya ang pagguho ng mundo ko.

Alexandria Montecillo: The DefenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon