XIV - The Cold Darkness

283 31 5
                                    

TW: Emotional Abuse

Hello po. Please proceed with caution and beware while reading this chapter, for it contains scenes that shows the tag above.

- - -

       Nagising ako kanina na sobrang sakit ng ulo ko. Hindi pa nakatulong na tumatama iyong sinag ng araw sa mukha ko, kaya sa huli ay hindi rin ako nakabangon agad.

       Kinailangan pa akong puntahan ni Kuya Hendrix para tingnan kung gising na ako. Nagulat pa nga siya nang malamang kanina pa ako gising, kaya ginamit niya rin sa akin ang Ability niya para nawala ang pagkirot ng ulo ko.

       Pagkatapos ay agad na niya akong niyayang mag-almusal. Syempre hindi niya pinalampas ang pagkakataong iyon para asarin ako. Sa buong oras ng pagkain namin ay tawa lang siya ng tawa, kaya napanguso lang ako. Hindi ko naman siya masisisi, malay ko bang alak pala yung dala dala ni Melissa? Sabi niya kasi juice lang!

       Sa huli, tinigilan niya rin naman ako. Tinanong niya rin ako kung ayos na ba ako, o kung may iba pa akong nararamdaman... na agad ko namang sinagot ng "ayos lang ako". Pinagsabihan niya lang rin akong mag-iingat sa mga iniinom ko sa susunod. At nang matapos ang kaonting panenermon niya, inutusan na niya akong maghanda na, para makapunta na kami ng Academy.

        Kay Kuya Hendrix ko rin nalaman na maaga palang umalis sila Mommy at ang mga kapatid namin. Nagpa-iwan lang siya para may makasama ako. Lunes na pala ngayon, kaya nagpunta na sila sa Academy. Si Mommy naman, ayon kay Kuya, ay may dinaluhang meeting. Mas doble ang pagiging abala niya ngayon, at sa mga susunod na araw, dahil ayaw niyang may maiwang trabaho pag pumunta kami ng Central sa susunod na linggo.

       Tanghali na kami naka-alis ng mansion, at sa buong oras ng byahe ay tulog lang ako sa sasakyan. Hindi rin ako ginising ni kuya Hendrix, kaya hindi ko napansin na ang haba pala ng naging tulog ko. Naalimpungatan lang ako noong malapit na kami sa Academy.

       Pagdating naman namin dito sa dorm nila, wala rin sila Kuya Jarvis. Mukhang pare-pareho silang abala sa kani-kanilang mga klase. Kaya naisipan ko nalang manood ng movies. Si kuya Hendrix naman ay dumiretso sa kwarto niya.

       "Hey Sunshine, will you be fine here alone? I need to attend my Ability Training this afternoon." Napalingon ako sa kapatid kong kakalabas lang ng kwarto, at nakasuot ng PE shirt. Agad ko rin siyang tinanguan bago ko muling ibinalik sa TV ang atensyon ko.

       "I think kuya Yohan will be here soon. Maagang matatapos ang klase niya ngayong araw." Rinig kong sabi pa niya kaya tinawanan ko siya ng mahina. "Kuya, relax ka lang. Ayos lang ako. Kapag na-bored ako pwede naman akong pumunta sa dorm ko, o kaya bumaba sa cafeteria. Kaya sige na, mag-training ka na."

       Bumuntong hininga naman siya, at napakamot sa likuran ng ulo niya. Napa-iling nalang ako at napangiti.

       "Fine, but please, no drinking. Especially because Xenon's in the campus, too." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni kuya Hendrix. Naramdaman ko rin ang pag-init ng mukha ko, lalo pa't naalala ko rin ang mga pinaggagawa ko kahapon. Agad ko siyang nilingon at nakita kong naglalakad na siya palabas nitong dorm.

       "Kuya naman!" Sigaw ko pero isang malakas na tawa lang ang isinagot niya bago siya tuluyang makaalis. Napabuntong-hininga nalang tuloy ako.

       Mukhang mali ako nang inisip kong titigil na sila sa pang-aasar. Hindi muna ata nila ako papatahimikin sa mga susunod pang araw.

       Tinapos ko na lang ang panonood ko at agad na tumayo para mag-stretching ng kaonti. Naisipan ko ring mag-ayos sa dorm nila, at nang matapos ako ay sinimulan ko na ring ihanda ang mga ingredients na kakailangan ko. Naisipan ko rin kasing magluto ng hapunan nila, panigurado kasing makakalimutan nanaman nilang kumain dahil sa sobrang pagod.

Alexandria Montecillo: The DefenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon