14th of March 2013, 11:36 PM

520 14 1
                                    

Tahimik kami sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho ako, at nasa tabi ko naman sya. Kinokontrol ko ang sarili ko sa pagsasalita dahil alam kong baka hindi nya magustuhan ang sasabihin ko, nagdadrive pa man din ako at pa-zig zag ang daan dito.

Tumama pa ang pag-ulan sa aming pag-alis, pati na rin ang kanta, On Bended Knees ng BoyzIIMen. Nakikiayon nga naman sa sitwasyon. Gusto ko syang yapusin ngayon, gusto kong magpaliwanag. Gusto kong ayusin lahat, pero hindi ko pa magawa ngayon dahil sobra ang galit nya.

"Hazel," ramdam ko ang pag-irap nya nung tinawag ko ang pangalan nya.

"Magmaneho ka na lang, Gael. Please." sabi nya pero hindi sya nakatingin sa akin.

Natahimik na lang ulit ako. Ayokong mag-away ulit kami. Nakakaasar pa ang kanta, parang dinedicate talaga para sa amin.

Ulan, tunog sa radyo at tunog ng makina ng sasakyan ang pumalibot sa amin. Wala nang ni-isa ang nagsasalita sa amin. Tinignan ko ang kumikinang na engagement ring ko, kahit hindi pa kami kasal, sinusuot ko na ito. Hanggang dito na lang ba?

"Pull it over, Gael." sabi ni Hazel.

"Huh? Naulan Hazel. Wag-"

"Just pull it over!" sigaw nya kaya naman tinigil ko ang sasakyan sa gilid ng daan. Pagkatigil na pagkatigil ko ng sasakyan ay bumaba agad sya. Hindi ko naman agad sya sinundan. Alam kong nagpipigil sya, kanina pa.

Pinatong ko ang ulo ko sa manibela. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko? Bakit ba ang gago gago ko? Kailan ba talaga ako matututo? Nakakairita! Sana hindi ko na lang yun ginawa. Sana... sana... UGH! Ang tanga tanga ko! Mawawala pa ata sya sakin.

Hindi, hindi pwede. Mahal ko sya, hindi pwedeng mawala lang nang agad agad ito.

Lumabas ako ng kotse, kahit sobrang lakas ng ulan, hindi ko na iyon inisip. Ang mahalaga ay magkaayos kami. Sobrang dilim dito, palibhasa, bukid at pababa na kami ng bundok. Nakatayo lang sya, nakatalikod sa akin. Pero ramdam kong nasasaktan sya... nang dahil sa kagaguhan ko.

"Hazel,"

"Stay away, Gael."

Naglakad ako palapit sa kanya at mahigpit syang niyakap mula sa likod nya, "I'm sorry... I'm sorry. Please..."

Pilit nyang tinatanggal ang pagkakayapos ko sa kanya pero lalo ko itong hinihigpitan. Ayoko syang i-let go, not here, not ever.

"Let go of me, Gael!"

"Please, forgive me."

Tuluyan nyang natanggal ang pagkakayapos ko sa kanya saka humarap sa akin, "Gael pagod na ako! Pagod na pagod! Mahal kita Gael pero pagod na ako! Naiiintindihan mo ba yun?!"

"Hazel naman oh. Please."

"Ang sakit Gael. Binigay ko lahat nang meron ako sayo, pinagkatiwalaan kita pero bakit kailangan mong gawin ito?! Ilang beses na kitang inintindi, ilang beses ko nang ni-let go ang issue na ito, pero Gael bakit ba binabalik yan?! Bakit mo ginagawa ulit ngayon?! Hindi pa ba ako sapat para sayo?! Hindi pa ba sapat yung lahat na binigay ko sayo?!"

"Please, just let me explain-"

"Sana yang explanation mo ay mapapanagutan yung nasa sinapupunan nung babae, ano?"

"Hazel, makinig ka. Hindi ko-"

"Gael pagod na akong makinig, pagod na akong umintindi, pagod na ako sa lahat! Bakit ba kailangang ako lahat ang magintindi?! Bakit ba kailangang ako lagi ang mag-adjust?!"

"Hazel hindi ko anak yung dinadala nung babae!"

"Malamang hindi mo anak! Sino bang aamin sa isang kasalanan, ha? Tama na Gael. Ayoko na." naglakad sya papunta sa kalsada. Lalo tuloy lumakas ang ulan, may kasamang kidlat pa. Buti nalang wala masyadong nadaan na sasakyan. Hinabol ko sya at hinawakan ko sa braso.

"Hanggang dito na lang ba? Hanggang dito nalang ba, Hazel? Hazel 6 years tayo, please naman. Ayokong mawala lang to nang ganito. Hazel mahal na mahal kita, please maniwala ka sakin." pagmamakaawa ko.

Wala syang inimik... pero maya maya pa, "Umuwi na tayo." kasing lamig ng ulan na pumapatak sa aking balat ang lamig nang pagkakasabi nya.

Nauna syang maglakad, kaya sumunod na lang ako. Basa kaming parehas pagkapasok sa sasakyan. Binuhay ko ang engine... pagkabuhay na pagkabuhay ko ng makina ay nakarinig ako nang harurot ng isang sasakyan.


Saktong tumugtog ang aming theme song, Thank God I Found You...


In an instant, sobrang bilis nang pangyayari, mula sa likod nang sasakyan namin ay may sumalpok na isa pang sasakyan. Sa dulas ng daan ay umandar pababa ang sasakyan namin. Nawalan nang malay si Hazel dahil sa pagkakasalpok nya. Sinusubukan kong linawan ang paningin ko dahil nanlabo ito. Pilit kong pinepreno ang sasakyan pero wala palang preno ito. Hindi na mapigilan ang pagbilis na pagbaba ng aming sasakyan.

"H-Hazel." tinanggal ko ang seatbelt ko at pumatong na ako ibabaw nya upang protektahan sya. Niyapos ko sya nang sobrang higpit.

Hanggang sa hindi ko na naramdaman ang lupa at naramdaman na lang ang paghulog ng sasakyan.

--

"Dalawa ang naitalang nasa loob ng sasakyang naaksidente pasado alas nuebe kagabi. Ang isa pang biktima ay hindi na matagpuan ang katawan, habang ang isang biktimang nagngangalang Gael Shiratori, anak ng president ng Shiratori Kingdom, ay nananatili sa ICU. Napagalamang fiance nya ang kasama nya sa gabi ng aksidente. Pinagiimbestigahan pa ng mga kinauukulan ang pinakadahilan ng aksidente"

~

"Please do everything para mailigtas ang anak ko."

~

"I do care about what I deserve. He doesn't deserve anything."

~

"H-Hazel..."

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon