Chapter 14

140 7 2
                                    

Chapter 14

I found you

Ang unang buwan ng aming relasyon ay okay naman. Nagpapakiramdaman pa kaming dalawa sa isa't isa. Pero dahil lalaki ako, kailangan kong alalayan si Hazel. Hindi makapaniwala yung mga tao sa school na girlfriend ko si Hazel.

February 14 na ngayon, 1st monthsary din namin ngayon. Dahil 1st monthsary namin ito, kailangan kong gumawa ng something. Kaya naman a week before ng monthsary namin ay hinanda ko ang sarili ko sa paghaharana ko sa kanya sa school. Inaral ko din ng sobra yung kantang kakantahin ko. Buti nalang maalam maggitara si Yuki kaya sya yung inusap ko para tugtugan ako ng gitara.

Balak ko syang kantahan sa first floor ng engineering building dahil dun ang department nya. May inusap din akong ibang estudyante para maging kakuntyaba ko sa pagpapapunta kay Hazel.

Naaalala ko yung time na tinanong ko si daddy a week before our monthsary,

"Dad, how did you court mom?" Tanong ko, one time nung bumisita ako sa bahay.

"You know what, courting has never been my thing, but I did court your mom," he sighed. "Your mom is very particular with guys who can sing. And I can sing! So I sang for her."

Yeah, kay daddy ko nakuha ang idea na ito. Ramdam ko naman na mahal na mahal ni daddy si mommy. Siguro kung hindi naging adik si daddy, baka walang divorce na nangyari. Pero mabuti na rin naman na nagsasama na ulit sila ngayon. Pakiramdam ko may kasalang magaganap ulit. Tuwang tuwa nga si dad kasi may nililigawan na daw ako. Nagtagumpay daw sya kasi hindi daw ako bakla.

Nagdamit ako ng pinakagwapo kong damit. Sobrang nagpagwapo pa ako. Nagpabango, tapos nagmouthwash na din. Hindi naman natin alam ang circumstances baka sa sobrang saya ni Hazel ay mahalikan nya ako, di ba? Hehe.

Hinintay ko ang labasan nila. Hanggang sa sumapit ang 5:30 at nagsisilabasan na ang mga estudyante. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko aalis ang kaluluwa ko sa katawan ko. Nanginginig ang kamay ko, hindi na ako mapakali sa aking kinakatayuan. Nakakapraning, yung mga babaeng nadaan akala ko palagi si Hazel.

Maya maya pa, nakita ko na sya, nababa habang inaalalayan sya ng ibang estudyanteng kinuntyaba ko, nakapiring sya. Hayan na sya. Puta pakiramdam ko ikakasal ako sa sobrang kaba! Tumigil na sya sa harap ko. Nakatayo lang sya doon, nakapiring. Dinumog ng mga estudyante ang lounge. May mga taong nanonood sa staircase, sa palibot, at sobrang dami pa.

Nag-intro na si Yuki. Hindi pa tinatanggal ang piring ni Hazel, dahil ako mismo ang magtatanggal nun. Nag-iritan yung mga babae sa ginagawa ko.

"Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy who's so in love with you
I may not havr much to show
No diamonds that glow
No limousines to take you where you go.
But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
Ahen the world seems so unfair
You can count on me to stay.
Just take some time to lend an ear
To this ordinary song."

Lumapit ako sa kanya at tinanggal yung piring nya. Ningitian ko sya at inabot yung buoquet of roses sa kanya, bahagyang nagkahawak ang aming kamay nang kuhanin nya iyon.

"Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy who's so in love with you
I don't even have the looks
To make you glance my way
The clothes i wear may just seem so absurd
But deep inside of me is you.
You give life to what I do
All those may see you through
Still I'll be here waiting for you.
If you have time
To lend an ear to this ordinary song."

Galing sa puso ang bawat lyrics na lumalabas sa bibig ko. Nakangiti na din si Hazel sa akin, yung napakagandang ngiti nyang ako lang ang nakakakita. Iba yung ngiti nyang iyon, iba sa ngiti nyang binibigay sa mga kaibigan nya.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon