Chapter 4

380 11 0
                                    

Chapter 4

Angel Smile

Isang magandang umaga ang sumalubong sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng sinag ng araw na dumampi sa aking mukha. Linggo na ulit, walang klase pero may trabaho. Bumangon na ako saka naghilamos at mumog sa cr. Matapos kong maghilamos ay magbibihis na ako ng tshirt... ngunit bago pa ulit ako makabalik sa kwarto ay tumambad sa akin ang buwanang bayad sa tubig, upa, kuryente at mga kinauutangan kong matagal ko nang tinataguan na nakapatong lahat sa table.

Nabitawan ko ang sipilyong hawak ko sa nakita ko. Bakit ngayon pa nagdatingan ang mga ito? Grabe! Parang daig ko pa ang isang estudyanteng may thesis dahil sa dami ng papel na nakapatong sa table. Wala pang a-kinse kaya wala pa akong sweldo! Hassle naman!

Sa kalagitnaan pa ng aking pamomoblema'y may malakas na kumatok sa pinto. Naku, mukhang alam ko na kung sino ito. Letchugas naman akala ko naman napakaganda ng simula ng araw ko ngayon tapos ito ang sasalubong? Sunod sunod na singilan! Mabuti na lang babae ang may-ari ng apartment na ito at walang asawa, wala ring anak. At sa pagkakaramdam ko'y may crush sakin dahil madalas ako naglalive show ng abs kapag nagsasampay ako sa labas. Kaya alam ko na ang gagawin ko.

"GAEL BUKSAN MO ANG PINTO!" kumatok pa ng malakas si ate Pau ng malakas. Pauline ang pangalan nya, 28 years old. Sya ang may-ari ng apartment na ito. Okay naman sana sya kaso medyo losyang na sya.

"Saglit lang ate Pau!" sigaw ko, kunyari ay busy pero naglalakad na ako palapit sa pintuan.

"WAG KANG MAGKUNWARING BUSY DYAN! HINDI KA... p-pa..." hindi na nya naituloy ang sinasabi nya dahil sa pagbukas ko ng pinto ay abs ko na ang bumati sa kanya. Kitang kita ko ang pagbaba ng kanyang mga mata sa nag-iinit kong abs, kulang na lang lapain na nya ng tunay ang abs ko. Sanay na ako, madalas ko syang nakikitang minamanyak sa tingin ang abs ko. Well, hindi ko sya masisisi.

"Sorry talaga ate Pau! Wala pa kasi akong sweldo eh. Ang dami ko pa ngang utang oh," tinuro ko pa yung table kung saan nakapatong ang sandamakmak na bayarin pero wala syang pakelam kasi nakatitig sya sa abs ko. "bigyan mo naman sana ako ng kahit kaunting palugid lang. please?"

Wala akong natatanggap na sagot mula sa kanya dahil ang lagkit na talaga ng tingin nya sa abs ko. Alam kong mawawala na ang galit nya kasi mood maker nya ang abs ko. Sabihin na nating, hinihypnotize sya ng abs ko kaya ang magiging sagot nya ay...

"A-Ah... naku! Walang problema Gael! Alam mo naman na malakas ka sakin eh!" ako kausap nya pero sa abs pa rin sya nakatingin.

Gumana! "Salamat talaga ate--"

"Wag mo akong madaan daan sa abs mo Gael, ha? Alam kong maganda yang katawan mo pero alam ko ding hindi ka pa nakakapagbayad sa bahay kaya naman!" nilahad nya ang kamay nya sa harap ko.

What the heck? "A-ate Pau naman, wala akong mabibigay ngayon eh. Wala talaga. Zero na zero ako ngayon. Magtatrabaho pa ako mamaya para magka-pera. Sa a-kinse, babayaran kita! Promise yun!"

"Alam mo bang mapapagalitan na ako ni mama dahil dalwang buwan ka nang walang bayad sa renta ng bahay?! Baka gusto mong pulutin ka sa kalye ha!" nakakarindi lang talaga ang matinis nyang boses.

"A-ate Pau naman, parang hindi tayo friends ah? Dalwang buwan pa lang naman yun. Mababayaran ko pa yu--" sinanggahan ko ang sarili ko gamit ang aking braso dahil akmang hahampasin nya ako sa ulo.

"ANONG DALWANG BUWAN PA LANG?! PA LANG?! KUNG DALWANG BUWAN PA LANG YUN EH DI SANA MAY PAMBAYAD KA NA NGAYON HAYOP KA!" singhal nya sa akin habang hinahampas ako sa braso kong nakasangga sa aking ulo.

"A-Ate Pau! P-Promise babayaran kita! Hindi lang talaga ngayon kasi walang wala pa akong pera! A-Ate Pau naman tama na!"

Tumigil sya sa paghampas sa akin, "Hindi ko na ito papalagpasin Gael Tolentino! Kapag natapos ang araw na ito na wala ka pang binabayad sa akin, sa kalsada ka matutulog!" nag-walk out na sya sa pagkasabi nyang iyon.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon