Chapter 6

341 13 0
                                    

Chapter 6

Gwapo ba ako?

Pumasok ako sa school na naka-civilian dahil hindi laba ang uniform ko. OJT na rin naman yung iba, pwede namang sabihin kong OJT din ako para makapasok. Hindi pa ako makapag-OJT, namamayagpag kasi ang singko sa grades ko. Tatlong major subject ata yun, tas isang drop sa isa pang major subject. Saya no?

"Gael!" napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Mark na papalapit sa akin. Naka-corpo attire sya, mag-o-OJT na ang loko eh.

"Oh, Mark." bati ko nang makalapit sya sa akin.

"Lakas mo maka-civilian ah! Buti pinapasok ka!" sambit nya.

"Anak ata to ng may-ari ng school na inaapakan mo ngayon!" pagmamayabang ko.

"Seryoso pre, hindi ka ba makakapag-OJT?" tanong nya sa akin.

Umiling ako bilang sagot. Ayoko nang sabihin na madami akong bagsak, kasi alam nya yun. Hindi na kailangang paulit ulitin.

"May chance ka pa naman eh. Kailangan mong makagraduate men! Ayusin mo lang pag-aaral mo."

"Wow, pinangaralan ako ni Mark! Grabe!" napatawa ako sa sinabi ko, ganun din sya.

"Pero di nga pre. May binigay si sir Dimaano para sa mga babagsakin para makapag-OJT. Alam mo naman yun, ayaw nya na may maiiwan sa graduation." suhestyon nya.

"Tss, wag na. Kung hindi gagraduate, edi hindi. Problema ba yun?"

"Oo problema yun gago. Sige na. Una na ako." tinapik nya ang balikat ko at umalis na.

Sino bang may gustong bumagsak?

Hindi naman talaga ako babagsaking tao. Hindi sa pagmamayabang pero mas matalino pa ako kay Hiro. Actually, ako nakakuha ng talino ni daddy, tapos ako din nakakuha ng kalokohan nya. Si Hiro kasi mukhang disente, nagsasalita nang disente pero hanggang salita lang yan. Sya lang talaga ang napaupo sa pwesto ngayon dahil sya ang nakakatanda. Pero hindi naman talaga itong school ang gusto nyang imanage. Gusto nya yung Shiratori Kingdom, which is yung company namin.

And yun din ang rason kung bakit sobra nya akong kinamumuhian.

Why? Ako ang paborito ni daddy kaya sakin nakaplanong ipamana ang Shiratori Kingdom. Pero kailangan ko daw muna mag-asawa bago ko makuha ang company. Pero ayun nga, nagkaroon ng conflict, kaya ayan, sinasamantala ni Hiro ang pagkakataon para makuha ang loob ni daddy para sa kanya na ibigay ang Shiratori Kingdom. Pero hindi ako papayag. Alam ko ang mga bagay na deserve ko, at kung ano yun, yun na yun. Hindi pwedeng mawala, hindi pwedeng maagaw. Ang akin ay akin.

Kaya nga nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang mag-aral kung pwede namang humigit ako ng kahit sinong babae dyan para pakasalan ako at makuha ang Shiratori Kingdom. Pero mukhang hindi pa kaloob sakin kasi wala pa akong nagiging girlfriend, ni-isa. Sa tingin ko din ay hindi pa ako handa sa isang seryosong relasyon.

"Gael!" seryoso, anong trip ng mga tao ngayon? Bakit tinatawag nila ako nang tinatawag? Pagkalingon ko, nakita ko si Hazel na tumatakbo palapit sa staircase kung saan ako nakatayo.

"Hazel,"

"Akala ko hindi ka na papasok." sambit nya nang makalapit sya sa akin.

I pursed my lips and grinned, "Bakit? Miss mo ako 'no?"

"Hindi, kasi may inutos sakin si maam Gonzales."

"Ako pagagawin mo?" tanong ko.

"Hindi naman, tulungan mo na lang ako." ngumiti sya na kitang kita pa yung mapuputing ngipin nya.

Dearest HazelWhere stories live. Discover now