Chapter 33

113 10 1
                                    

Author's Note: Please expect short updates, baka no longer than 1000 words ang magawa ko sa isang chapter. Manatiling ligtas ang lahat lalo na ngayo't tagbagyuhan! 

Chapter 33


Whisper


Mabilis lumipas ang mga araw, before party na ng kasal nina Paul. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o magpanggap na lang na maging masaya para sa kanila, kahit sobrang sakit na. Ginagawa ko pa rin ang lahat, hinggil sa abot ng aking makakaya. Pero tinatanong ko sa sarili ko, ano pa bang kulang? Bakit ba hinayaan ko pang umabot sa ganito? Sa linggo na ang kasal nina Hazel, wala pa rin ba akong gagawin? 


Umaga pa lamang, mamayang gabi pa ang party. Ngunit kita ko na mula sa guest room ang paghahanda sa garden kung saan gaganapin ang party. Nagtransform ang isang garden, sa isang mala-twilight na setting ng kasal. Takte, Twilight... Edward... pinaglihian ni Hazel noon si Edward. 


Ngayong nakikita ko na ang paghahanda nila, pumapasok na naman ang pagsisisi sa aking utak. Kung di lang ako gumawa ng katarantaduhan, kung hindi ko sya pinabayaan, kung hindi ko ito pinatagal, hindi na sana ito umabot sa ganito. Naiinis na ako sa sarili ko. Napakawalang kwenta kong boyfriend, fiance, lahat na. Dapat ako na lang yung namatay. Sana ako na lang.


Napaupo na naman ako sa kama at tinaklob ang aking mga palad sa aking mukha. Maigting akong napapikit at dinama ang sakit sa dibdib ng aking pagsisisi. Kung di lang talaga ako nagpaka-gago, walang mangyayaring ganito. Napanghihinaan na ako ng loob. Sa mga araw na lumipas, ginawa ko ang lahat para maibalik ang alaala nya. Pero walang kwenta. Walang kwenta. 


Naalala ko pa noong kasal namin ni Hazel ang aming pinaghahandaan. Iba yung saya na aking nadarama, halong excitement at kaba. Yung pakiramdam na magiging isa na kayo, magiging isa na kayo sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos. Yung excitement na nararamdaman ko para marinig yung vows namin sa isa't isa. Yung pagkasabik na makita ang pinakamagandang bride na lalakad sa gitna ng simbahan upang tuluyan kaming ipagisang dibdib. Anong saya ang maparinggan ang salitang "I do" sa taong pinakamamahal mo.


Wala na akong ibang magawa upang baguhin ang takbo ng storya, pero ginagawa ko pa rin ang lahat abot sa aking makakaya. Kahit buhay ko pa ang kapalit, gagawin ko. Kaya kong isugal ang aking sariling buhay, para lang mapasakin muli ang taong pinakamamahal ko... si Hazel.


Sumapit ang gabi, lumiwanag na sa garden at dumadami na ang tao. Sinuot ko ang tux na meron ako, mula dito sa itaas ay napaparinggan ko ang tunog mula sa garden. Basically, nasa kwarto lang ako, hindi ako lumabas. Hinintay ko na lang sumapit ang gabing ito. Siguro tama na ang limang minutong pamamalagi sa party na iyon at babalik na ulit ako dito.


Nakarinig ako ng katok mula sa pinto at binuksan ito ni Sophia. Naka-long gown sya at nakataas ang kanyang buhok. 


"Tara na?" tanong nya.


"Andun na ba si Hazel?" tanong ko.


"Nasa kwarto pa sya." sagot nya.


"Pwede ko ba syang puntahan?" 

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon