Chapter 17

139 7 2
                                    

Chapter 17


Thank You

 

 

"I would like to be honest about his condition," the doctor pauses. "Mas naging komplikado ang sitwasyon nya ngayon. The walls of his arteries are becoming thicker and stiff as the time goes by. Kailangan nyong bantayan nang maigi ang kanyang mga kinakain, iwasan nyo din yung mga stressful works o kaya mga bagay bagay na makakapagpastress sa kanya. He can't handle too much stress right now." Paliwanag ng doctor sa amin. "Excuse me," then umalis na sya.

Kitang kita ko ang panlulumo sa mukha ni mom. Hindi sana ito nangyari kung hindi nanagot si Jiro kay dad. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong ma-ospital si dad. Inexamine pa kasi yung kanyang puso, at ayun na nga ang naging resulta. Tumingin ako sa aking amang nakahilata sa hospital bed habang mahimbing syang natutulog. Pinauwi ko naman muna si Hazel upang makapagpahinga muna sya. Ayaw na ayaw nyang iwan si dad, pero pagod na pagod na ang kanyang mga mata kaya naman ako na ang nag-insist na umuwi na sya doon.

Minasahe ko ang aking noo at mariing napapikit. Hindi namin kalaban ang kahirapan, kundi ang kalusugan. Lumabas muna ako ng room ni dad at nagpahangin sa terrace na malapit dito. kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan si Jiro. Ilang rings ang narinig ko, pero hindi nya ito sinasagot. Matagal tagal ang inilagi ko sa terrace na iyon nang tawagin ako ni mom.

"Gael, your dad is awake." Pumunta naman agad ako sa room at nakita si dad na nakaupo sa kanya bed. Ang hina tignan ni dad, mula sa kanyang pagod na mata, hanggang sa kanyang bagsak na katawan.

"Dad," napatingin sya sa gawi ko at ngumiti.

"Son," binuksan nya ang kanyang braso upang ako ay yapusin.

Lumapit ako sa kanya at sya'y niyapos. Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtulo ng aking luha. Kailangan kong magpakatatag sa sitwasyong ito. Nang tanggalin ni dad ang pagkakayapos nya sa akin, umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kanyang bed.

"How are you feeling?" tanong ko.

"Great," he smiled slightly.

"I'm sorry, dad." napayuko ako sa sinabi ko.

"What are you sorry for?" hindi ako sumagot, bagkus, naramdaman ko ang kamay nya sa aking ulo, "look at me, son," I looked up to him. "There's nothing you have to be sorry for."

Kahit na ganito na ang mukha ni dad, kahit mahina sya ngayon, ramdam ko ang lakas ng dugong dumadaloy sa kanya, ang dugo ng isang Shiratori, dugo ng isang tunay na leader, ng isang mapagkawang-gawang tao, ng isang mabuting ama.

"The thing is, you might get the company as early as it is expected,"

Napantig ang tainga ko sa sinabi ni dad, "What?"

"Son, I know my condition. And I won't risk my life, not seeing you as you lead my company."

"But... I haven't been married yet,"

"Married or not, the company is still yours," he said in assurance. "The choice is in your hands, to be a bachelor president, or not. I won't intervene to any of your plans. I believe in you, my blood is running through your veins."

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon