Chapter 15

157 6 0
                                    

Chapter 15

Walk away

RATED SPG.

2 weeks na ang nakalipas simula nung grumaduate kami, 3 days na din ang lumipas simula nung nakalipat kami ni Hazel sa penthouse. Sa ngayon ay nagaayos kami ng gamit. May sarili pa din naman syang kwarto, depende na lang yun sa kanya kung gusto nyang lumipat sa bed ko at tumabi sakin.

Natapos ang pag-aayos namin at pinagluluto ko ngayon sya ng pagkain. Nagpipiano lang ulit sya doon. Maya maya pa, nag-ring ang cellphone ko. Pagkatingin ko, si Jiro yung tumatawag.

Anong kailangan nya?

"Hello?"

"Are you happy?" I hear the sound of bitterness in his voice.

"What are you saying?"

"Tinatali mo na talaga si Hazel sayo, kahit paglilive in, ginawa mo. Unbelievable. Ganyan ka ba kadesperadong kuhanin ang Shiratori Kingdom?"

Bago ako magsalita ay pumasok ako sa kwarto, "Jiro ganyan ba kakitid ang utak mo para isipin yan? O dala na lang ng pagkadesperado mo?"

"Oo, Gael. I am desperate. Ang akin ay akin, hindi pwedeng maging sayo. Gagawin ko ang lahat para maagaw ang akin."

"Jiro, the thing here is nothing was yours. Akin ang sinusubukan mong kuhanin, at lalong hindi kita hahayaang makuha ang sakin." Mariin kong sambit.

He laughs, "ayan, ayan ang akala mo. Akala mo bida ka at ako ang kontrabida. No, no, 'lil brother, you are the trash. At ang mga basura ay tinatapon," he pauses. "and you, matuto kang hanapin ang ikakalugar mo. Dahil bastardo ka lang sa pamilyang ito." At doon na natapos ang tawag nyang walang kakwenta kwenta.

"Sinong kausap mo?" Lumingon ako para makita si Hazel na nakatayo sa pintuan.

"Ah, si Jiro." Sagot ko.

Naglakad sya palapit sa akin, "anong sabi nya?"

Umiling ako, "wala naman. Alam mo naman yun, habang buhay na naiinggit sakin, pero heto tumawag dahil namimiss na ako."

Hinampas nya ang dibdib ko, "ikaw talaga. Palabiro ka talaga! Tara nang kumain!"

Habang kumakain kami ay nakaisip ako ng idea.

"Tara mag-camping," aya ko.

"Why camping all of a sudden, mahal?"

"Wala lang. Experience mother nature?"

"Okay, walang problema. Girls scout ata to!"

Matapos naming kumain ay naghanda na kami ng gamit namin para sa camping. Tumawag ako kay daddy para ipahiram sakin yung camping car na madalas naming nagagamit nung nagcacamping yung pamilya ko.

3 PM kami umalis sa penthouse papunta sa camp site. Excited na excited naman ang kabuteng katabi ko ngayon habang nagdadrive ako ng camp car.

5:36 PM nakarating kami sa camp site. Tahimik at madaming pine trees ang nakatanim sa paligid. Pinili namin ni Hazel yung part na open yung kalangitan para makakita ng stars sa gabi.

Nagsimula kaming mag-alwas ng gamit. Dahil naka-camp car kami, di na namin kinailangan ng tent. Nilabas lang namin yung dalawang upuan, isang table, ihawan at yung hammock na tinali namin sa puno.

Natapos kami ng ala sais (6pm) at nagsimula na kaming mag-ihaw.

"Hazel," since naghihintay naman kami na maihaw yung barbecue, makikipagkwentuhan muna ako kay Hazel.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon