Chapter 8

333 12 4
                                    

Chapter 8

True Shiratori Blood

Dearest Hazel,
Habang binabasa mo ito, sigurado akong wala na ako sa guest room mo. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam ha? Hindi talaga ako nagpaalam kasi mas mahirap. Salamat sa lahat lahat na ginawa mo para sa akin. Simula palang nung magkakilala tayo, laki na ng naitulong mo sa akin kaya sobrang thankful ako sayo. Hindi mo alam kung gaano mo binago ang perspective ko sa buhay. Ikaw yung nagbigay sa akin ng rason para mabuhay pa nang mas mahaba. Yung binanggit ko sayo kagabi, totoo yun. Gusto kita Hazel, gustong gusto. Pero kailangan kong lumayo kasi komplikado ang sitwasyon. Okay lang naman sayo na gustuhin kita mula sa malayo diba? Hahayaan mo naman siguro ako. Hazel, sayo lang ako nakaramdam nang ganito. Sayo ko naramdaman yung pakiramdam na masaya, kumpleto at responsibilidad. Hazel, sana wag kang mailang. Kaibigan mo pa rin naman ako, diba? By the way, salamat talaga sa lahat lahat. Nakalipat na ako sa isang apartment, kaya wag ka nang mag-alala. Magkikita pa rin naman tayo sa school kaya wag mo ako iisnobin ha? Sige Hazel. Alagaan mo sarili mo pati si Fara! Thank you ulit!

Sincerely,
Gael

PS. Buntis ata si Fara. Check mo. :-)

Iyan ang nilalaman ng sulat na iniwan ko para kay Hazel, madaling araw ng lunes. Iniwan ko itong nakapatong sa taas ng piano nya. Hindi nya alam yung pag-alis ko at hindi ko talaga pinaalam dahil katulad nga doon sa sinabi ko sa sulat, mas mahihirapan lang ako.

Okay na rin siguro na ako yung dumistansya kasi ako din yung may pagkakamali. Ginusto ko yung taong hindi ko dapat magustuhan.

Atsaka hindi pa talaga siguro ako handa sa seryosong relasyon. Maliban sa posibilidad na maseryoso ko si Hazel, andun din yung fact na hindi talaga sya karapat dapat lokohin. Parang kung may manloloko kay Hazel, ako talaga ang makakaharap nung taong yun. Tipong ganoong sitwasyon.

Isa pa nga, si Mark. Matagal na nyang gusto si Hazel, at ayokong masira ang friendship namin dahil dito. Pero rejected na sya, ibigsabihin, dapat matanggap na nya, di ba?

Tama na nga muna ang pagiisip ng mga ganitong bagay!

Nakalipat na ako sa bagong apartment. Medyo malayo sya sa school pati na rin sa dati kong bahay at kina Hazel kaya medyo hassle. Isang byahe ng jeep ang masasakyan ko bago ako makarating ng school. Buti na lang at hindi uso ang traffic dito

Pinasok ko ang apartment na bago kong titirhan. Hindi nga naman talaga ako pinabayaan ni daddy. Nalaman nya siguro agad na lilipat ako kaya pati yung furnitures at appliances ay nandito na.

Back to normal apartment life. Umupo ako sa puting leather couch na nakalagay sa living room. Parang ganito lang din yung dati kong inuupahan. Yun nga lang, may second floor ang apartment na ito kaya doon ang kwarto ko.

Nasa kaliwa ko naman ang kitchen, ganun din ang hagdanan pataas sa ikalawang palapag. Tumayo muna ako upang tignan kung may laman ang simpleng ref dito sa kitchen.

Hindi nga naman ako binigo ng aking expectations dahil may laman na ang ref. May gulay, meat tsaka iba pang pagkain na kakailanganin ko.

Nabigla lang ako nung makita ko sa ref nang makakita ako ng red velvet cake sa ref. Nakalagay ito sa box na kulay pula.

Kinuha ko ito at pinatong sa table. Isang tao lang anf nakakaalam na favorite ko ang red velvet cake, at iyon ay si mommy. Teka, alam din nya na nakalipat na ako? Magkasama na kaya sila sa bahay?

Kumuha ako ng kutsilyo at humati sa cake na iyon. Matapos kong mailagay sa platito ang cake ay binalik ko ito sa ref. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv para manood. Habang nagtitingin ako ng channel, napatigil ako sa Cinema one dahil One More Chance ang palabas.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon