Chapter 20

137 8 0
                                    

Chapter 20

Faded

Minadali namin si Hazel sa ospital. Nakita ko kasing pumutok yung panubigan nya habang nagluluto sya kaya dinala agad namin sya sa ospital.

February 18, 2013, ang due date ng panganganak ni Hazel. Iwewelcome na namim ang aming baby boy.

Buti na lang pinayagan ako sa loob, pinayagan din ako magvideo. Syempre, papayagan nila ako kasi ospital namin ito. Naka-OR gown, cap at mask ako. Normal delivery si Hazel at kitang kita ko ang pagbilis ng kanyang hininga at yung pawis nya. Hawak ko lamang ang kanyang kamay habang nakahiga sya sa OR table, at the same time vinivideohan ko din sya.

"Okay, inhale, exhale," ginawa ni Hazel yung inutos ng OB. "Push!"

Binigay ni Hazel ang energy nya sa pag-ire. Kuhangnkuha sa video yung pag-ire nya, yung pawis nya nangingintab na din. Nung sumunod na pag-ire ay nailabas na ang bata. Nawalan ng malay si Hazel, magpapanic sana ako kaso sinabi ng OB na normal lang yun.

Halo halo ang aking nadama nang masilayan ko ang anak namin. Naging musika ang kanyang pag-iyak. I cherished the moment, pinagmasdan ko ang pagtulo ng luha ng aking anak. Pakiramdam ko mapapaluha din ako sa saya.

Ilang oras lang din ay nagising na si Hazel. Nandito na kami sa presidential suite, hinihintay ang pagdating ng anak namin. Nginitian nya ako as soon as nakita nya ako.

Maya maya lang di'y pumasok ang OB, dala dala ang anak naming nakabalot sa puting tela. Inilagay nya ito sa bisig ni Hazel. Napaluha si Hazel nang masilayan nya ang aming anak, hindi ko na din maitago ang sayang aking nadarama.

"Name," napatingin kami sa OB, "What's his name?"

"Ken," sabi ko. "It is a japanese name, meaning strong." Ngumiti si Hazel sa akin.

"Ken... I like it. Let's make it Ken Edward,"

Her undying love for Twilight. Kung hindi sya noon nagbubuntis, pinagselosan ko na si Edward Cullen kasi mas nasisiyahan syang makita si Edward nun kesa sakin.

"Wonderful," kumento ko.

"Ken Edward Shiratori," the OB noted. "Born on February 18, 2013, 3:38PM." Tumango kami saka umalis ang OB.

"Let me see my boy," lumapit sina dad para masilayan si baby Ken.

"Oh look! He's handsome, like me!" Tumawa si dad at pinipigilan yung panggigil nya sa anak namin.

"By the way, the hall is under construction." Oo, nagpagawa talaga si dad ng hall, malaking hall, para pagganapan ng aming kasal.

"And Hazel," napatingin si Hazel kay mom, "susukatan ka na a week after this. Ang designer ng gown mo ay si Kendrick Gill, a world-known European gown designer, sya din ang magdedesign ng dresses para sakin at sa mga bridesmaid."

Oo, talagang puspusan na ang paghahanda. Baka nga makakita ako ng celebrity sa kasal namin. Hindi ko maiwasang maexcite sa nalalapit na pag-iisang dibdin namin ni Hazel.

"And we prepared a three-day vacation nyo sa Baguio next month. But you can't go with the baby, kaya samin sya mamamalagi hangga't wala kayo," sambit ni mom nanmay ngiting tagumpay, halatang sabik na sabik sya sa kanyang apo.

"Mom, we don't want to go away from our son on his first month. And why would you want us to go out for a vacation all of a sudden?" Tanong ko.

Bumuntong hininga si mom, "you've been through a lot of stress this past few months, son. I think you two should make up those times that you've lost." Paliwanag ni mom.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon