Chapter 10

274 9 3
                                    

Chapter 10

 

Bonfire

 

"Dad, salamat sa pagsuporta ng club  namin. I know I can always count on you. I'll pay a visit there when I got time. Salamat ulit dad."

 

Iyon na ata ang pang-limang email na sinend ko kay daddy simula nung umalis ako sa bahay, bilang ko talaga kasi hinding hindi ako nagsusulat ng email sa kahit kanino.

It is the day before the cinemarathon day, November 18, 2008, 8 am. Gumawa ako ng excuse letter para hindi muna umattend ng klase upang asikasuhin ito. At kahit ayaw ng mga faculty na ako ay lumiban, wala silang magagawa dahil ako ang nagrequest, at kailangan nilang sundin yun. Titignan ko kasi yung venue ng cinemarathon para bukas, kasama si Hazel. Hindi makakasama si Mark dahil OJT sya, at baka mag-overtime sya kaya kaming dalawa lang ni Hazel ang makakapunta para icheck. Yung ibang miyembro, talagang nagmamatigas pang tumulong, lalo na sina Ayessa, Olivia, Patrick at Aaron. Kumbaga kasi, sila yung masugid na sunud-sunuran ni satanas dito. Wala na rin naman akong magagawa kung hindi ko sila mapapasunod. At least I got Hazel on my back.

Nagtext ako kay Hazel na pupunta na ako sa kanila para sabay na kaming umalis. Tsaka may sasakyan kasi sya—hindi ko alam na may sasakyan sya, sinabi lang nya kahapon—kaya talagang kailangang pumunta ako sa kanila. 8:24 am nakarating ako sa harap ng bahay nya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa bahay na minsang tinirhan ko. Ang puting pintura nito na narerepresenta sa pagkatao ni Hazel, pure, innocent, peaceful. Pati na rin ang mga bulaklak na pumapaligid sa harap ng bahay nya. Hindi ko alam kung ginawa ba itong bahay na ito para talaga sa kanya. Naramdaman ko ang pagdampi ng liwanag sa aking mukha. Lumingon ako at nanliit ang mata ko sa sinag ng ilaw na gawa ng araw. Minsan ko lang ma-appreciate ang araw, kaya naman napangiti ako.

"Gael," lumingon muli ako at nakita ko si Hazel, kasing liwanag ng liwanag na galing sa araw. Lumabas sya doon na sobrang ganda nya, na walang kaeffort effort. Ang ganda nya. Sya na talaga ang babaeng pinakamagandang babaeng nakita ko na naka-simpleng maong pants at t-shirt.

"Hazel," can't you just imagine how beautiful our names would be heard if it was together?

Lumabas sya ng gate, ngiting ngiti na parang ginagawa nya iyon para lalo akong ma-fall sa kanya, nagtatagumpay sya ngayon sa ginagawa nya dahil I am falling... and falling hard.

"Tara?" it is the perfect curve she make when she speaks, or smiles, that makes my heart skip a bit. The way her eyes sparkle, her perfect cheeks to compliment her smile. Her long, black hair that falls perfectly on her shoulders, she tucks some strands of her hair behind her ear and smile again. If only I had the mirror in front of me, I'll see myself smiling so stupidly in front of her and just like that.

"Tara."

Tinulungan ko syang buksan yung garahe. Nadatnan namin ang kanyang sasakyan na kulay pula, Mitsubishi sya, tamang tama lang para sa iisang babaeng madalas na nagamit ng sasakyan... or not?

"Meet ItchyMitchy," pagpapakilala nya habang nakalahad pa yung kamay nya na parang pinapakilala ako sa isang totoong tao.

"ItchyMitchy?" a weird name for a not-so-weird car.

"Mitchy kasi Mitsubishi sya, ginawa kong 'Mitchy'. Itchy kasi nung last na ginamit ko yan, nangangati ako kaya muntik na akong mabangga." Napatingin ako sa kanya, what the hell? Seryoso? Nakakangiti pa sya habang kinukwento yun? "Pero don't worry! I got it fixed already, so no need to worry. Hindi ka mangangati dyan." Ngumiti sya.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon