PROLOGUE

467 9 2
                                    

**IMPORTANT!** PLAY THE MEDIA WHILE READING!

--------------------------------------

Dearest Hazel,

As soon as you are reading this, I know that for in a moment, you remember me. Of all the things I want you to remember is my love for you. I will never change my love for you, kung ano yun noon, ganun pa rin ngayon, mas lumalim lang.

After the incident, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako dapat tumakbo. But then I found myself walking towards you, it has always been you, Hazel. No one could ever make me feel this but you.

Nasasaktan ako ngayon dahil hindi kita kapiling. Nasasaktan ako ngayon dahil wala akong magawa upang makasama ka. At lalo akong nasasaktan na sa piling ng iba ka masaya. Masakit makita ang mga ngiting dati mong ibinigay sakin, na ngayon ay nasisilayan kong ipinapamahagi mo na rin sa iba dahil sakin mo lang binibigay ang mga ngiting ganyan noon. Masyado nga ata akong madamot. Kahit ngiti mo, pinagdadamot ko.

Kasama kitang nagplano ng ating kinabukasan diba? Hindi ba ang hiling mo pa noon ay magkaroon tayo ng tatlong anak, isang babae at isang lalaki. Tapos nagkasundo tayo nung sinabi kong bunso dapat yung babae. Ikaw ang bumubuo sa aking hinaharap, Hazel. Ikaw lang. Sayo nakasalalay ang aking buhay dahil kasama na ito sa aking paubaya sayo.

Am I at fault? Mali ba na mahalin kita kahit hindi mo ako minamahal? Naasa pa rin kasi ako na maibabalik natin yung dati. Masakit umasa pero hindi ko mapigilan. We were almost there, ikakasal na tayo eh. Everything was ready. Pero bakit biglang naglaho ng parang bula lahat? Unti-unting ginuho ng insidenteng iyon ang pangarap natin sa isa't isa.

Iniintay kita kahit alam kong hindi ka na babalik, iniiyakan kita kahit alam kong suot suot mo ang magaganda mong ngiti, minamahal kita kahit ang sakit sakit. Gusto kong mainis sayo dahil ikaw lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na pasayahin ako at saktan din ako at the same time. Pero okay lang, basta ikaw, walang problema.

Maibabalik ko pa rin ba yung dati? Hahayaan mo ba akong ibalik yung nawala sa atin? Hazel kilala mo ako, hindi ako basta bastang sumusuko kapag alam kong may pag-asa pa. Alam kong may pag-asa pa tayo kaya hindi ako sumusuko. Kahit sabihan nila ako ng kung ano ano, wala akong pakelam. Sayo lang umiikot ang mundo ko. Mali, ikaw ang mundo ko, Hazel.

Kung maibabalik ko lang ang panahon mula sa gabing pinagtagpo tayo, gagawin ko. Itatama ko lahat ng pagkakamali ko, pupunan ko lahat ng pagkukulang ko, manatili ka lang sa tabi ko. Gagawin ko kahit lumuhod pa ako sa harap mo ngayon, wag ka lang mawala sa piling ko. Okay lang kahit mahalin mo sya, basta sakin ka uuwi. Kahit iparamdam mo saking hindi mo ako mahal, walang problema sakin dahil mahal kita, okay lang kahit ako yung nagpaparamdam.

Simula palang alam ko nang ikaw na kaya hindi agad kita papakawalan. Pinaghirapan ko ang panliligaw ko sayo, at hindi ko hahayaang mauwi lang iyon sa wala. Walang problema ang kayang makapagpabuwag ng pagmamahal ko sayo.

Manatili kang malusog at sundin mo ang pinapagawa sayo sa mga treatments mo para matandaan mo na ulit ako. Mahal na mahal kita, Hazel. Mahal na mahal kita sa bawat kinse minutos ng buhay mo.

Sincerely,

Gael

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon