Chapter 25

121 9 0
                                    

Chapter 25


An inch away

 

 

Kinagabihan, nandito muli ako sa aming penthouse, nakaupo sa sofa, hawak hawak ang goblet ng alak. Nasa mansion ulit si Ken, dahil bukas ay aalis kami ni detective para hanapin si Hazel. Uminom ako ng alak sa goblet. Gusto kong sumaya dahil nalaman kong buhay pa si Hazel, na makikita ko pa sya, na may chance pa. Pero may bigat pa rin akong nararamdaman sa aking dibdib. Hinding hindi titigil ang killer kung hindi nya kami napapatay.


Sa kabilang panig, ang sama sa pakiramdam na namatay ang kaibigan ko dahil sakin... samin ni Hazel. Hindi naman dapat sya yung namatay, kundi ako. At ngayong alam ng killer na buhay pa ako, at buhay pa si Hazel, paniguradong hindi nya kami titigilan.


Naisip ko din na umaayos na unti unti ang pamilya ko. Though, medyo distant pa din si dad kay kuya Jiro, ginagawa naman ni kuya Jiro ang lahat para maibalik sa dati ang pamilya namin. Nakatira na sina kuya sa mansion, kasama ang asawa nya at yung anak nya. Mabuti na lang at pinatutunguhan sila nang maayos ni mommy doon.


Inaaalala ko din ang anak ko. ayokong lumaki sya na walang kinikilalalang ina, kaya gagawin ko ang lahat para makita ko si Hazel. Kung nasan man si Hazel, sana hintayin nya ako, dahil pupuntahan ko sya, kukunin ko sya at magsisimula muli ng maganda.


Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula kay detective Sophia.


"Hello?"


"Gael, I've got some news for you,"


"Ano yun?"


"Pumunta ako sa accident area kagabi. Kasama ba si detective Nico sa paghahanap noon kay Hazel?"


"Yes,"


"I guess he was really paid to not speak anything."


Napatigil ako, "Bakit?"


"Singsing lang yung nakita nya, pero nakakita ako ng isang sim card."


"Sim card?"


"Oo. Sinalpak ko sya sa phone ko, nabigla nga ako kasi hindi sya sira, mukha ding babago lang ito naitapon dito."


"Go on,"


"Walang messages, wala din sa sent items. Pero hindi nakabura ang data ng call logs,"


Kinutuban ako sa narinig ako, "anong nakita mo?"


"Puro number lang, pero ito yung number nung huling tinawagan nya. 09479876847,"


"Saglit," tinignan ko sa contacts ko, nagbabakasakaling nakarecord ito. Maaari kasing kakilala ko ang culprit. Sa pagsscroll down ko, nabigla ako nang makita ko ang kaparehas nitong number.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon