Kabanata 30

95 5 0
                                    

Kabanata 30

Sigurado na ako

"Mama naman!" Kauuwi ko lang galing kina Lance. Dalawang linggo siya doon so makikita ko na naman ang pagmumuka niya bukas. Nangako kasi ako kay Lance na dalawang linggo din ako doon tapos nagkataon na pumunta din si Iris.

"Nak, graduate ka na!" Suway ni mama pero agad kong inilingan iyon.

Gusto na nila na sagutin ko na si Lance pero pakiramdam ko ay wag muna. Hindi pa dapat o ayaw ko lang.

"Ito na ang panahon."

"Papa, hindi pa nga po ako senior!"

"Bakit patatagalin pa kung pwede namang agahan na?"

"Mama naman eh!"

"Biro lang. Basta sasagutin mo ha?"

"Ano palang balita kay Cedrick?"

"Ayos lang papa."

Nagbakasyon kasi si Martinez kaya wala siya ngayon. Si Chelsea ay ganun din kahit si Grace.

Hindi ko pa din nakakausap sila ate pero saka na lang siguro.

"Ang bait bait ni Lance--"

"Ako'y tigilan mo Levi ha! Hayaan mo ang anak mo." Suway ni mama

"Sus ikaw nga din--"

Tumaas na ako sa kwarto at nagbukas ng facebook. Dumaan ang post ni Grace na siyang ikinagulat ko.

Happy. 1 hour ago.

Chelsea: who the fuck is that?

Puro pagtatanong ang comment ay nakisali na din ako. May kaholding hands siya na hindi ko kilala kung sino. Anak ng teteng, paano na si kuya cal?!

Nagring ang cellphone ko kaya sinarado ko muna ang laptop.

[Kumain ka na?]

"Yep!"

[*darling* good then. Pupunta ka bukas?]

Napairap na lang ako nung marinig ko ang boses ni Iris sa background.

"Sunduin mo ako ha?"

[Sige ba.]

"Kumain ka na ba?"

[Yep.]

"Bakit ka tumatawag?"

[Masama bang ma-miss ko ang future misis ko?]

Sa pagkabigla ko ay nabitawan ko ang cellphone ko at napindot ko ang end call. Nanginginig ang mga kamay ko na inabot ang phone ko nung may twxt na siya.

From: Yelo

Calm down, Mrs. Fernandez.

--

"Antagal mo!" Reklamo ko sa kaniya. Kadarating niya lang. Nagmamadali ako kasi magkwekwentuhan kami ng mama niya ngayon.

"Dati nga kahit ma late ako ay ayos--"

"Dati yun. Busy ako, wag mo ako kausapin."

"May dalaw ka ba?"

"Gusto mo ng suntok?"

"Kiss na lang."

Namula agad ako nung maalala ko na kinagat niya ang labi ko--

"Bakit kinakagat mo labi mo? Gusto mo tulungan kita?"

"Manyak!" Tinakpan ko ang tenga ko nung humagalpak siya ng tawa.

--

"Si Iris po?" Tanong ko nung makapasok ako sa bahay nila Lance.

"Natutulog." Tinawanan ako ng mama niya saka sumunod sa kanya para samahan sa kusina.

"Nasaan po yung boyfriend niya?"

"Nasa ibang bansa."

Tumango tango lang ako at tinulungan siya magluto.

"Naks. Nagluluto na ang future misis ko." Nagtayuan ang balahibo ko nung may yumakap sa likod ko. Napapadalas na ang pagyakap niya sa akin ah!

"Huy! Nakakahiya ka--"

"Okay lang naman mom diba? Ang ganda ganda ng magiging asawa ko." Napasinghap ako ng amuyin niya ang leeg ko kaya pinalo ko siya kamay at lumayo.

Idinuro ko sa kaniya ang sandok.

"Ikaw, tigil tigilan mo ako!"

"Mom oh."

"Lance, wag kang makulit."

"Siya na kinakampihan mo mom?!"

"Mas mabait naman yan."

Binelatan ko ang nagmamaktol na lalaki na 'to.

--

"Goodmorninggggg!" Napaismid na lang ako nung marinig ko ang boses ni Iris. Anong good morning? Hapon na kaya, pauwi na nga ako eh. "Darling, where are you going?!"

Hindi siya pinansin ni Lance at pinaandar na ang makina.

"Masaya ka ba?" Tanong nito.

"Oo naman."

"Yeah. Gusto mo puntahan ulit natin yung sa tabing dagat?"

Agad akong napangiti at tumango.

"Sige. Agahan natin."

"Anong oras?"

"4 A.M"

Nakangiti ako nung umuwi at hinalikan sa pisngi si Lance na siyang ikinatigil nito. Sigurado na ako.

Let me down slowly (Chasing series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon