Kabanata 1

271 7 0
                                    

It's my birthday! Luya is still alive, haha. Here's a gift! Enjoy reading! 😗

~~~~

Kabanata 1

Hindi ako nakatakas


Nakabusangot pa din ako dahil kanina pa nila ako inaasar. Sus, kaibigan ko lang naman 'yon. Wala ng iba, yelo yun noh! Ako apoy, rawr.

Naglalakad na kami pabalik sa room, syempre nakadikit lang ako kay Grace wala kasi siyang jowa kaya pwede pa ako sumama sa kaniya. Hindi na ako makalingkis kay Chelsea kase lagi siyang inaagaw ng pangit na foncio na 'yon!

"Grabe, gigil ka Leira?" Natatawang tanong ni Grace kaya medyo niluwagan ko

Malapit na kami sa room pero parang ang bagal ng lakad naming dalawa dahil nasa unahan ang love birds. Sila pa din ang seafon na galing sa ilong. Magaling kaya ako gumawa ng names, hmp.

"Hindi ah, ang bagal kasi nung dalawa" sabi ko sa kaniya

"Hanap tayo ng crush mamaya! Dagdagan na natin yung 98 crushes natin" dagdag ko para naman may magawa ako mamayang hapon

"Sige sige, wag mo 'ko iiwan" sabi niya kaya natawa lalo ako

"Hindi kita iiwan babe"

Bigla niya akong hinampas kaya tumawa lalo ako

"Kadiri ka talaga!"

Binelatan ko na lang siya at hinila papasok. Tinignan ko naman yung crush's list ko sa phone ko.

91. Marco Gaizer
92. Enrick Fuente
93. Dylan Montemayor
94. John Angelo Marcuz
95. Sevi Marcuz

Syempre, kailangan pati kapatid ng Jolo na yan ano! Chos, crush lang naman eh.

96. Hans illejo
97. Drake Sivesta

Hays, kailangan maka one hundred ako, may deal kase kami ni Grace. Saka nag iisip pa talaga ako kung paano ako tatakas mamaya, hays si Daddy naman kase lahat na lang inirereto hmp.

"Busangot ka na naman?"

"Oo" sagot ko kay Grace na nakatingin din sa Cellphone niya

Wala pa kasi yung prof namin, nagpalit na din kami ng pwesto ni Chelsea kase ayaw niya na makipagkwentuhan, hmp. Porket may jowa,na forget na kami. Kalimot limot ba kami?

"96 palang meron ako" nanghihinayang na sabi niya

"97 akin!" Pagmamalaki ko sa kaniya

"Ano yan, crush list?"

Sabay kaming tumango sa kaniya at ipinakita namin pareho ang screen ng cellphone namin.

"Nandyan si Marco ah!"

"Oo nga, bakit?"

"Haha, pangit non!"

"Eh ano naman?"

Umirap lang siya sa tanong ko, napakamaldita talaga! Hinarap ko na lang si Grace at kinulit ng kinulit. Kaya mahal na mahal ko 'to eh, kapag si Chelsea mapapatigil ako sa irap niya, hmp.

Let me down slowly (Chasing series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon