Kabanata 17

72 6 0
                                    

Kabanata 17

Tayo na

 'kahit maging mag kaibigan tayo, mahigit pa doon ang mangyayari.'

'Hindi ko alam kung anong meron sayo, slow ka masyado.'

Umiling iling ako at pilit na inaalis ang mga sinabi ng dalawa kahapon sa akin. Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin ay umalis na agad siya. Naabutan ko pa na hinatid ni kuya Cal si Grace na masama pa din ang tingin kaya hindi ko na lamang sila pinansin.


Napabuntong hininga na naman ako.

"Ano na namang problema mo?" Tanong ni Chelsea sa akin na nakataas ang kilay.

Umiling ako. "Wala."


Ngumisi lamang ito sa akin. "Sabihin mo nga sa akin, naka-date mo din si Lance?"


Dahan dahan akong tumango, huhu wala na! "Oo."


"Kunwari nahihiya, eh." Rinig kong sabi ni Grace na abala sa pagbabasa ng libro. Nasa school na kami at vacant time kaya naman wala kaming ginagawa. Pwede na din kaming umuwi, pero hihintayin pa namin yung mga lalaki. Hindi din pinapansin ni  Chelsea si Damon, LQ yata sila. Buti nga hehe.


"Hindi ah." Pag tanggi ko, ayaw ko lang talagang sabihin sa kanila kase aasarin lang nila ako ng aasarin, hmp.


Bahagyang lumapit sa akin si Chelsea. "Alam mo na aasarin ka namin kaya hindi mo sinabi sa amin." Inirapan niya ako.

"Yeah, madaya." Dagdag ni Grace kaya napanguso ako.


"Love.." pinigilan kong matawa nung kinukulit na naman siya ni Damon


Inirapan lang siya. Humarap siya sa amin ni Grace. "Mauuna na kami, take care!" Pahabol niyang sabi habang hila hila si Damon.


Taas-baba ang kilay ko na nakatingin kay Grace, inirapan lang ako nito. "Wag mo akong aasarin."


"Yii." Sinundot ko ang tagiliran niya, naiinis na siya. "Close kayo ni Kuya Cal." Pang aasar ko.


Lumingon ako sa pintuan, "Speaking of the Assuming." Sabi niya at kinuha na ang bag. Agad akong humabol nung makuha ko ang bag ko. Pagkalabas namin ay naabutan ko ang dalawa na parehong nakapamulsa.

"Mauuna na ako." Paalam ni Grace sa akin.


"Ha? Aalis tayo diba!?" Tanong ko, kailangan kong takasan ang dalawang ito.


May pagtatakang tumingin sa akin si Grace. Pinanlakihan ko siya ng mata, biglang umaliwalas ang muka niya at nung lalapit na siya sa akin ay bigla na lang siyang hinila ni Cal. Nagbangayan pa ang dalawa kaya nung tinignan ko sila Martinez ay agad nagsalubong ang kilay ko.

"Ano bang ginagawa niyo?" Nakapamewang ko'ng tanong. Nagsusukatan kasi sila ng tingin, hmp.


"Wala." Sabay nilang sagot.


"Weh?"

Napabuntong hininga na lamang ako. Napatingin sila pareho sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Lets have a date." Sabay nilang sabi, nagkatinginan pa sila.


"Sabay sabay talaga?" Tanong ko na hindi makapaniwala.

"Oo." Sabay nilang sagot.


Napailing iling na lang na sumama ako sa kanila. Masama pa din ang tingin nila hanggang makarating kami dito sa ice cream parlor malapit sa school namin. Hays, iniistorbo na naman ako ng dalawang ito. Nakamasid lang ako at nag crossed arms habang pinagmamasdan ang dalawang nagtatalo

"Ako na nga." Paulit ulit na naririnig ko kay Yelo.

"Ako."


"Ako nga!"

"Akooooo!"


"Punyemas kayo! Ako na ang magbabayad!" Iritado ko'ng sabi saka padabog na nag abot ng bayad sa cashier. Hindi ko alam kung maaasar ba ako sa pagmumuka nito dahil tuwang tuwa pa na na nag aaway ang dalawa sa harapan ko.

"Sinabi na kasi na ako na." May diing sabi ni Yelo habang hawak ang isang tray.


"Ako--"


"Pwede bang tumahimik kayo?" Suway ko sa kanila. Napalabi na lang sila at dahan dahang tumango.

Napaismid na lang ako ng masama na naman ang tingin nila sa isa't isa. "Ito ba ang tinatawag niyong date?"


"Oo." Sabay nilang sagot.


"Weh?"

"Ikaw pa nga--"


"Yow!" Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa pinang galingan ng boses na iyon. Si Dylan Montemayor. Sabay napatayo ang dalawa na nakakunot ang noo na nakatingin kay Dylan.


"What are you doing here?" Sino pa ba ang magsasalita niyan? Edi si Martinez.


"Wala ba akong karapatan?" Nang aasar na tanong ni Dylan.

"Tss." Tanging sagot ni Yelo kaya napagaya din ako. Napatingin pa sa akin ang tatlo. Kumaway pa si Dylan papalayo sa akin kaya naman.


"Who's he?" Takang tanong ni Martinez.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko, hindi niya kilala pero kung makapag tanong akala mo, aish mayabang!


"What?" Balik na tanong niya sa akin.


Akmang magsasalita pa sana ako ng biglang may tumikhim. "Hehe." Tangi kong sagot ng masama na ang tingin ni Yelo.

"Tayo na." Hinila na ako ni Yelo papalayo kaya hindi na ako naka-angal.

Akala ko naman kami na, wala naman masamang maging assuming diba? Hehe.

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now