Kabanata 3

152 7 0
                                    

Sorry sa paghihintay, chos. Sana all hinihintay

~~~\

Kabanata 3

Sundo

Nakabusangot pa din ako hanggang ngayon. Bukas friday na, hindi ako mapakali habang nasa kotse. Tuloy ang date, hindi na ako makakatakas! Sarap kutusan kung sino man ang nagsabing doon ako tumatakas. Si Lance lang ang nakakaalam ko kaya naiinis din ako

"Leira, ano matatali ka na ba?" Natatawang tanong ni Grace sa akin

"Aba'y hindi ano!"

"Sino nga pala?" Tanong ni Chelsea

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko ba na ang kasama sa date ko ay yung si Lance na kaibigan namin? Oh yung senior na nakilala ko, na kilala din ni Grace?

"Hindi ko na inalam ang pangalan"

Yan na ang naging sagot ko dahil tinatamad talaga akong magsalita. Ano na ang gagawin ko pag nakita ko si Lance? Kahit alam niyang ayaw ko ay magkikita at magkikita kami dahil isang school lang ang pinapasukan namin.

Yung Martinez naman na yun ay hindi ko alam kung makikita ko ba dahil wala naman akong pakialam sa kaniya. Ulol, bahala siya sa biyernes. Tatakas ako!

Hindi pa naman kasi ako nakikipag date kaya tatakas ako, baka mapahiya ako ih! Hehe

"Leira, uy ngiting aso?" Umusok bigla ang ilong ko ng marinig ko si Grace na natatawa sa akin

"Magandang ngiti" pagtatama ko sa kaniya

"Ew!" Sabay ni Chelsea


"Hmp!"

Nandito na kami sa school. Kating kati na ako na tumakas ngayon palang umaga, hind ako papayag na makikipag date ako sa senior na 'yon! May ugali siya at ayaw na ayaw ko noon. Maghihintay na lang ako ng saturday at kay Lance na lang ako makikipagdate!

Erase! Shoo! Shoo! Hays. Ang bagal ng oras sa akin ngayong patapos na ang klase namin bago mag lunch. Alam ko naman na may pagkakataon na pwedeng kumain ang senior sa may building namin at hindi ako payag doon.

Hanggat maaari, kailangan pareho ko silang iwasan!

Sorry nawawala pag ka ingay ko, ano ba kasing ginagawa kapag nag dedate hehe?

"Class dismiss."

Agad akong tumayo sa saya

"Una na ako!" Masaya kong sabi, shet makakatakas na ako!

"Ha bakit?" Takang tanong nito

"Hehe" tumawa lang ako ng malakas kaya napatingin sila sa akin

Tatakbo na sana ako ng may sumigaw malapit sa pintuan

"May naghahanap sayo Leira!"

Agad akong nanigas, huhu. Bakit ngayon pa!? Agad akong nagtago sa likod

"Sabihin mo walang Leira dito.." mahina kong bulong kay Grace

"Walang leira dito!" Sigaw ni Grace

Agad kong sinilip yung nasa pintuan at halos mainis ako ng makita ko ang walang ekspresyon na muka ni Cedrick na nakapamulsa sa harap ng pinto. Paano ako lalampas dito!?

"Hoy gaga, si Martinez yun ah" sambit ni Chelsea

"Huy, Leira. Bakit ka hinahanap nyan?"

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now