Kabanata 6

118 6 0
                                    

Kabanata 6

Second

Simpleng white dress lang ang aking sinuot, kanina pa ako tinatawag ni Mommy na bumaba na dahil ang bagal ko daw. Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin saka bumaba

Hays, date na naman.


"Opo tita."

"Ingat kayo," tumingin ito sa akin "Goodluck!" Masayang sabi ni Mommy

Eh?


"Iingatan ko po."


Napabusangot na lang ako at hindi na pinansin ang huling sinabi ni Yelo kay Mommy dahil busy pa ako sa pag tingin sa damit ko. Pakiramdam ko hindi bagay sa akin, hays.


Nakanguso lang ako pagpasok namin sa sasakyan ni Yelo, ang ganda. Panglalaking panlalaki dahil kulay blue. Edi sana all na lang.


Nung umandar na ang sasakyan ay saka ko dinaldal si Yelo.


"Yelo, bakit sinigawan mo ako kagabi?"

"Trip ko lang."


"Trip? Sige mamaya tawagan mo ako, sisigawan din kita."

Napa ismid na lang ako ng bigla itong tumawa. Hindi naman ako tumawa sa kaniya kagabi nung sinigawan niya ako

"Kulit mo."

"Ikaw na nga lang kumakausap sa akin eh."


"Ako lang nakakatiis sayo eh."

Bigla akong napaiwas ng tingin. Totoo naman, siya lang nakakatiis sa akin! Mas gusto ko pa siyang kasama kesa kay Martinez na walang ibang ginawa kundi ang mag english ng mag english sa harapan ko. Muka ba akong hindi pilipino o pipino?

Pagkadating naman sa mall ay nakangiti lang ako. Masaya kase siya kasama kahit na hindi siya umiimik.


Nabigla ako ng bigla niya akong akbayan, para akong nanigas. Maya maya lamang ay naglalakad na kami na parang wala lang, ayaw ko naman na masira ang date namin.

Nakakapagtaka pa nga na paanong si Martinez at si Yelo ang makakadate ko? Close pa naman kami ni Yelo. Ayaw kong matali kahit sa kaniya o sa kahit kanino. Dapat talaga hindi na lang ako umuwi edi sana walang problema!


Natagpuan ko ang sarili ko na nasa tapat ng isang fast food chain! Biglang lumawak ng ngiti ko ng hinila ako papasok ni Yelo doon.

Pinaupo niya ako doon sa dulo at hintayin ko na lamang siya. Pagkaupo ko bigla na lang nag vibrate ang cellphone ko kaya naman tinignan ko iyun


From: Matinik sa babae

Ang saya mo ah

Itinago ko na lang iyun at hindi na nagreply. Saktong dumating na din si Yelo na ang daming dalang pagkain


"Bubusugin mo ba ako?" Gulat kong tanong


"Oo, payatot kang babae ka"


Napanguso na lang ako, itinikom ko agad iyon ng sumama ang tingin sa akin ni Lance.


'Tigil-tigilan mo yang ganyang gawain mo kapag kaharap mo si Martinez'


"Kumain kana."


At ayun, kumakain lang kami at kahit siya ay kinuhanan ko ng litrato habang kumakain. Hindi naman siya umangal kaya mas lalo akong natutuwa at pinicturan siya ng pinicturan


"Ayos kana?" Tanong nito pagkatago ko ng cellphone ko.

"Lalagyan ko ng apoy na background, yelo."


igla itong umismid kaya natawa ako. Alam niya nga na Yelo ang tinatawag ko pati ang name niya sa cellphone ko. Tapos kulit naman ang sa akin sa cellphone niya.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa arcade. Para din siyang si Martinez pero mas gusto ko namang kasama si Yelo sa kaniya, ano. Bakit ba iniisip ko yun, hmp.


"Saan mo pa gustong pumunta?" Tanong nito na naka akbay sa akin.

Kakatapos lang namin maglaro at nagpapahinga kami sa may bench dito. Nakatingin lang kami sa mga taong naglalakad, may mga pamilya, magjojowa, at matatanda.


"Dito muna tayo."

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ito nakatingin sa akin kaya naman tumungo na ulit ako.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo bang umuw--"


"Ayos lang." ngiti kong tugon dito.

Ayaw ko naman na baka magalit na naman siya sa akin. Siya na nga lang nakakatiis sa akin tapos maliit na bagay ipagdadamot ko sa kaniya?


"Alam ko namang ayaw mo sa ganito"

"Ikaw naman kasama ko." ngumiti ulit ako.


Sa totoo lang, kung dates lang ang pag uusapan mas gusto ko siya ang kasama ko. Komportable ako sa kaniya kahit saan, masyado siguro kaming close pero hindi umabot dati na kaming dalawa lang ang magkasama. Ngayon lang nangyari ito

Bahagya itong napangiti sa sinabi ko, nakakapagtaka at napapadalas ang pag ngit nito.

Ilang sandali lamang ay napagpasyahan namin na dumaan sa isang restaurant.

Tahimik kaming kumakain ng mairita ako dahil tuwing susubo ako ay may tumitingin sa akin.

"Bakit ka tumigil?" Tanong ni Yelo na napatigil dahil sa akin.


"Wala, kain ka na."

Tumango lang ito sa akin at hinanap ng mata ko kung sino man ang tingin ng tingin sa akin. Napasinghap na lang ako ng makita ko si Martinez na kumakain at ng tumingin ito sa akin ay ibinalik ko ang tingin ko kay Lance.

"Kanina pa siya narito, tss." Sabi ni Yelo at ibinigay sa akin yung tubig.

Tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na siya pinansin dahil pagkatapos namin ay inakbayan agad ako ni Lance. Parang pinoprotektahan ako, hmp.

"Umaaligid ang gago. Akala mo naman kaniya.."

"Ha? May sinasabi ka ba Yelo?"

"Wala, tara na."

Napanguso na lang ako at sumakay sa sasakyan niya. Nagpatugtog lamang ito kaya nakatingin ako sa labas.



"Ayos ka lang?" Tanong ni Yelo sa akin na agad ko namang sinagot.

"Oo."

Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa makadating sa bahay. Nung lumabas kami sa sasakyan ay nag usap sila sandali ni Daddy. Nag fist bomb pa sila at nung papasok na ako ay biglang may yumakap sa akin

"See you."

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now