Kabanata 29

70 3 0
                                    

Kabanata 29

Will you marry me?

"Darlinggggg!" Hindi ko napigilang hindi siya tirikan ng mata. Pangalawang araw ko ngayon sa bahay nila Yelo at ang ipinagtataka ko ay nandito pa din ang conyo na kulang sa tela na babaeng ito.

"Ganyan talaga 'yan, Hija." Kuha ng atensyon sa akin ni Tita.

"Paanong ganyan po?"

"Dati kasi nung mga bata pa ang dalawang iyan ay ship namin ang dalawang iyan. Habang nagtatagal, nagiging clingy si Iris kay Lance ba ayaw niya."

"Nung nag elementary, simulang lumayo si Lance kay Iris kase nga madaming nagkakagusto dyan--"

"Mom! Tawag ka ni Dad!"

"Oh, saka na lang Hija." Umalis na ito kaya nginitan ko siya.

Ship? Ibigsabihin ipinag kasundo sila..

Napatingin ako sa damuhan dito. Nakatayo kasi ako dito sa may tabi ng puno. Siguro gusto pa din ni Iris si Lance?

"Ano na namang iniisip mo?"

"Anak ng teteng!" Nagulat ako nang may yumakap sa mga bewang ko at isinandal ang baba sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya.

"Ikaw l-lagi mo na lang akong niyayakap!" Sinubukan ko na kumalas pero mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Tss. Eh ano naman?"

"Anong ano na naman?!"

"Psh. Gusto--"

"Are you two uhm.." biglang sumulpot sa harapan namin si Iris kaya pareho kaming napalyo sa isa't isa.

"No!" Agad akong sumagot. Akala ko ay titigil na siya pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"So I can hiram him? Bye!" Hila hila niya si Lance.

Napasapo na lang ako sa noo.

--

Pangatlong araw kina Lance ay narito pa din si Iris.

#tIRISin

"Leira! Come here!"

Sumunod ako doon kahit nakasimangot ako.

"Bakit?"

"Selfie!" Nagulat ako nung may nag flash.

"Ano ba yan?!" Reklamo ko nung makita akong epic doon.

Tinalikuran ko na sila at hindi sila pinansin.

"Leira! Come back here!" Pahabol ni Yelo.

--

Pang apat na araw ay inis na inis na talaga ako. As in super! Ang hiling niyang makisawsaw like ew!!!

"Leira.." tawag sa akin ni Lance pero hindi ko pa din siya pinapansin.

Araw araw nga niya akong sinusundo pero laging na kay Iris naman ang atensyon niya. Mas maganda pang umuwi ako sa bahay!

"Oh? Bakit ayaw mo bumalik doon--"

"Kapag nandoon ako nagagalit ka, kapag nandito ako pinapaalis mo ako."

"K-kase--"

"Nagseselos ka?"

"Iw, no way!"

"Yes way." Kinindatan ako nito kaya pinalo ko siya sa braso.

"Bwisit!"

"Darlinggg!"

--

Ika limang araw.

"Ako na." Pigil ko kay Lance. Pilit kong kinukuha yung unan nung biglang may mag flash.

"You guys look cute together." Matutuwa na sana ako sa sinabi ni Iris. "But Lance and 1 are much cuter together."

--

Ika anim na araw.

Isa lang ang masasabi ko. Si Iris Gillian Quenca ay isang dakilang epal sa magiging buong linggo kasama si Lance.

"Leiraaa!" Natuto na akong umirap sa kaniya bago lumapit. "Look! I saw an engagemenr ring in there!"

Akala ko naman totoo pero nasa magazine naman.

"I think he will marry me." Siraulong sabi ni Iris.

--

Ika pitong araw kasama ang epal at at si Lance.

"Iris, stop being clingy to me." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Lance.

"I don't!"

"Really? Just stop."

"Eww? I have a boyfriend!"

"So why don't you act like one?"

"Because I think--"

Lumayo na ako doon. Boyfriend pala ha?!

Ilang minuto ang lumipas ng nakangising lumapit sa akin si Lance.

"Leira, will you marry me?" Nagulat ako ng bigla itong lumuhod.

"A-anong ginagawa mo?"

"Nag prapractice." Tumawa ito at iniwan ako doon.

Eh?

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now