Kabanata 10

99 6 0
                                    

Kabanata 10

Dyan nagsimula

Nasa bahay na ako at kanina ko pa kinukulit si Yelo na sabihin niya sa akin kung sinong nagugustuhan niya. Pati si Martinez ay kinulit ko na din, aba kailangan malaman na nila para naman maitigil na yung date date na 'yon!


From: Yelo

Hindi nga pwede.

From: Martinez

Secret.


Napanguso na lang ako saka pinatay ang cellphone ko dahil hindi ko din sila mapapaamin. Bukas na lang siguro, thursday na din naman! Tapos friday, tapos sabado, tapos linggo hehe

Bumaba na din ako at pumunta ng kusina. Isusumbong ko kayo!

"Daddy, sabi po ni Lance at Cedrick may nagugustuhan na daw po sila. Pwede napo siguro itigil" abot tenga ang ngiti ko pagkatapos kong sabihin iyon

Nagkatinginan si Mommy at Daddy na nagtataka sa sinabi ko.

"Sino?" Parehas nilang tanong

"Ewan ko po" sagot ko


Kinuha ni Daddy ang cellphone niya at sandaling lumabas, tinignan ko lang si Mommy na nakangiti


"Malapit na umuwi si Ate Leina mo" sambit ni Mommy kaya mas lalo akong napangiti


Miss na miss ko na talaga si Ate! Sasabihin ko lahat ng nangyari nung wala siya, hays lagi kasi siyang wala pero okay lang iyon. Inuuwian niya ako lagi ng dress na gawa niya pero mas gusto ko siyang kasama

"Miss ko na po si Ate"


"Miss niya na din tayo" sabi ni Mommy

Pumasok na din si Daddy na nakangisi. Eh? Sino ba yung kinausap niya?

Kumain na din kami at nung matapos ay dumiretso ako sa taas para kuhanin yung cellphone ko at dumiretso sa sala.

From: Yelo

Kumain ka na ba?

Ay, pafall! Chos.

To: Yelo

Oo, ikaw?

Nanood lang ako ng mag vibrate na naman ang cellphone ko.


From: Yelo

Oo

Hindi ko na siya pinansin dahil hindi niya din naman sasabihin sa akin kung sino ang nagugustuhan niya. Karapatan kong malaman dahil kaibigan niya ako!

Hmp, o sadyang madamot lang siya. Akala mo naman aagawin ko yun sa kaniya? Ano kami magiging GL, hmp utot niya!


Si Martinez, isa ring madamot. May secret bang pangalan?

Alam ko na, gusto nila ang isa't isa!

Nanood lang ako ng nanood ng maisipan ko na tumaas na lang at pumunta sa taas. Matutulog na ako!

--


"Goodmorning." Sambit ni Martinez na ngayon ay Prof namin, asan ba kase yung prof namin?


"Ang gwapo!"

"Laglag panty!"

"Accckkkkk!"

"Sus, akala mo naman gwapo" bulong ko na ako lang ang nakakarinig.


"Let's have a review."

Nakinig lang kami sa mga sinasabi niya kahit ang totoo ay naiinis ako sa kaniya. Ayaw niya talaga sabihin sa akin, si Yelo na lang kukulitin ko!


Natapos yung klase namin na nakikinig lang ako ng hindi tumitingin sa nagtuturo. Bakit ako titingin sa madamot? Baka mahawa ako hihi.


"Class dismiss."


Masaya akong tumayo at dederetso na sana sa paglabas. Oo inunahan ko yung dalawa hehe, naabutan ko si Martinez na nasa labas ng pintuan pero hindi ko siya pinansin dahil naglakad na ako


"Leira!" Tawag nito

Hindi ko pa din siya papansinin, sayang mga pantext ko!


"Mendez."


Sayang ang pagtingin ko sa cellphone ko tapos ang reply niya lang "Secret"


"Leira Mendez!"


Napatigil na ako sa paglalakad at bahagyang ngumuso. Sisigawan na naman ako? Kupal talaga ito! Haharap na sana ako ng biglang lumitaw sa harapan ko si Yelo


"Tara." hinila nito ang kamay ko


Nagpakaladkad na ako at nung tinignan ko si Martinez ay nakataas ang gitnang daliri nito at nung tinignan ko naman ang kamay ni Yelo ay nakataas din. Sana all, dito pa nagpakyuhan sa likuran ko eh


"Hindi na kayo nahiya." sabi ko pagkaupo


"Saan?" Naguguluhang tanong nito


"Nagpakyuhan pa kayo sa likod ko." angal ko


Bigla siyang natahimik at maya maya lamang ay tumawa na ito.


"Anong nakakatawa?" Kumunot ang noo ko

"Ikaw."


Bumusangot lang ako at humalukipkip, hmp!


"Hoy nandyan lang pala kayo!"


Parehas kaming napalingon ni Yelo kung saan nanggaling ang tawag ng makita namin ang Tatlo na naglalakad.


"Oo." sagot ko pagkaupo nila.

"Nagsosolo"

"Yiiiieeee!"

"Aruy"

Napaismid na lang ako sa pang aasar nila, kahit kailan talaga sila!


"Mag kaibigan lang kami." sabi ko


"Dyan nagsimula ang lola at lolo ko" nakangising sagot ni Grace


Hindi ko na napigilang hindi umirap. Dahil siguro iyon sa pagbabasa niya ng books? Na pati lola at lolo niya ay idinadamay niya sa pinag uusapan namin?


"Heh" inis na sabi ko


"Wag niyo ng asarin" sabi ni Yelo kaya napangiti ako

"Tama!" Sabat ko

"Sus" tanging sabi ni Chelsea na nakasandal kay Damon, Iw!


"Mag review na tayo" sabi ni Yelo


Nagkatinginan naman kaming tatlo at parehas tumango. Ibigsabihin, hindi kami magrereview! Hahahaha, nakakatamad


"No thanks." sabay sabay naming sagot.

Let me down slowly (Chasing series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon