Kabanata 28

72 3 0
                                    

Kabanata 28

Corny

Nakangiti akong bumangon. It's another day! Dali dali akong nag ayos, sabi kasi ni Yelo ay pupunta kami sa bahay nila. Ipapakilala niya daw ako sa magulang niya, syempre sasama ako.

"Saan ka pupunta?" Hindi ko namalayan na nagbukas na pala ang pintuan. Ngumiti ako kay Mama.

"Aalis po kami ni Lance."

Pagkababa ko ay nakangisi si Daddy sa akin.

"Nagkakamabutihan kayo?" Agad akong umiling. Aasarin na naman nila ako kaya nagpaalam na ako at lumabas.

*beep beep*

"Ito na!" Sigaw ko bago pumasok sa sasakyan niya.

"Goodmorning." Bati nito.

"Anong slow ako?!"

"Totoo naman- aray!"

"Hmp."

Nung makarating kami sa bahay nila ay bigla akong nahiya. Kung hindi pa ako hinila ni Yelo ay hindi na ako gumalaw sa tapat ng gate nila.

"Wag ka nang mahiya, alam ko naman na walang--"

"Sinong nahihiya?!" Inunahan ko siya sa pagbubukas ng pinto at sandali akong napatigil nung biglang tumahimik sa loob ng bahay.

"Mom, and Dad. Si Leira."

"I know her!" Yumakap ang mama niya sa akin kaya gumanti ako ng yakap.

Nagmano lang ako sa papa niya.

Magkatabi kami ni Lance nung biglang may pumasok.

"Darlingggggggg!"

Ang alam ko na lang ay wala na sa tabi ko si Yelo. Agad nag init ang ulo ko nung makita ko ang babae na nakasuot na-- kinulang yata siya sa tela guys.

"Oh.." kumalas ito sa yakap niya kay Yelo at tumingin sa akin. "Who are you pala?"

"I'm Leira--"

"I'm Iris Gillian Quenca." Inilahad nito ang kamay niya. "Is there something wrong in my hand?"

"Wala, eh. Sa muka meron." Turo ko sa pagmumuka niya.

"Where?" Kinapa kapa nito ang muka niya. Nakarinig ako ng tawa sa magulang ni Lance.

"Here." Tinapik ko ang pisngi niya. Hehe? "Nice to meet you pala."

--

"Darling! Come here!" Narinig ko ang matinis na boses nung Iris na yun. Sarap tIRISin.

#tIRISin

"Wait lang ha?" Paalam ni Yelo sa akin.

"Kahit wag ka na bumalik." Nagtatampo ako, bisita niya din naman ako pero hindi niya ako iniintindi.

"Iris! Ikaw na!" Nagulat ako nung hindi umalis si Yelo sa tabi ko imbis ay inakbayan ako nito. "Nagseselos ka naman agad."

"Sino may sabi?!"

Tinawanan lang ako nito at inaya papuntang lamesa nung makita ko si Iris na pawisan.

"Darling! Can you punas my pawis here at my back?!"

Ang conyo niya masyado. Ang sakit pakinggan sa tenga.

Spread hate. #tIRISin

"Hija, ikaw na." Suway ni Tita kaya padabog itong umalis sa kusina. "Pagpasensyahan mo na, Leira."

"Naku, okay lang po."

#pLaStIk

"Kain na." Nakaupo na din si Iris. Pinag gigitnaan namin ni Iris si Yelo at kanina pa ako naiirita nung naririnig ko ang boses ni Iris.

"Come on! Eat more darling so you will gain--"

"Iris, enough." Suway ni Yelo sa kaniya kaso hindi ko napigilang hindi mapatawa.

"A-ah kasi ano.. may naalala lang ako.." palusot ko pero tinawanan ako ng mga magulang niya.

--

"Darlingggggg!"

Nyenyenye. Darling mo muka mo, nakakairita na siya.

"Oh.. Leira? Can you put that?" Turo nito sa pouch niya na malapit sa akin.

"Wala ka bang kamay?" Tanong ko.

"It's just I can't go there kase i'm waiting--"

"Aba ikaw na kumuha."

"You're so arte ha!"

"Sino kaya?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tama na yan." Suway sa amin ni Lance.

"Uuwi na ako!" Padabog akong tumayo.

Pagkalabas ko ay nagulat ako nung biglang may humigit sa akin.

"Leira, mamaya ka na umuwi."

"Ayoko!" Hinablot ko ang braso ko sa kaniya, malalaki ang hakbang ng mga paa ko nung biglang may yumakap sa likod ko para mapatigil ako.

"Nagseselos ka ba?"

"No!"

"Bakit mo ako sinisigawan?"

"Hindi naman!"

"Pft. Stop being a child, Mendez. I'm all yours."

"Corny!" Lumayo na ako sa kaniya.

Let me down slowly (Chasing series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon