Kabanata 19

63 6 0
                                    


Kaunti lang update hehez.

Kabanata 19

Kagaguhan

Isang katahimikan ang bumalot sa aming apat sa isang restaurant na napag pasyahan kong puntahan namin. Kung hindi ko pa napigilan ang dalawa ay susuntukin na nila si Alden.

"Ahem." Tumikhim ako para naman wala ang tensyon na namamagitan sa tatlo. Well, kanina pa sila nag titingina sa isa't isa at kung aalisin ko ang tingin sa kanilang tatlo ay baka makarinig sila sa akin ng


'Lets get ready to rumble!'

Pero char char lang, mamaya sabihin nila ang haba ng hair ko. Mahaba naman talaga eh, kaso yuck! Hmp, nevermind.


"Kain na." Alok ko sa kanila saka ngumiti ng pilit, hindi ko kase alam ang sasabihin ko kapag napapatingin ako kay Alden. Galit ako sa kaniya, hindi niya ako madadaan sa bestfriend bestfriend niya, meron bang bestfriend na nang iiwan?

"Ayaw niyo? Aalis na ako." Tatayo na sana ako ng nagkandarapa silang kumain, rinig ko pa ang mga tama ng kutsara at tinidor sa plato. Muntik na akong mapangiti nung nag uunahan silang kumain, mas isip bata pa sila, eh!


"Bestfriend.." pinigilan ko na hindi itirik ang mata ko. Lumihis lamang ako ng tingin at doon na itinuon ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Bestfriend?" Boses ni Yelo iyon.

"Yes.."


Hmp, nagtatampo lang naman-- hindi, galit pala ako!


Nung matapos ako ay saka ko lang napansin na kanina pa pala sila nakatingin sa aking tatlo.

"Ano?" Saad ko.

"Date ba 'to?" Tanong ni Gian.


"Oo." Sabay na sagot nung dalawa na parehos napasimangot.


"Tatlo?" Tanong ni Gian.

"Bakit makikijoin ka ba?" Balik kong tanong sa kaniya. Napatayo ang dalawa sa tanong ko kaya naman napailing ako. Pareho nilang sinamaan ng tingin si Gian ng bigla itong sumagot.

"Oo."

--

Tulad nga ng inaasahan ay puro kagaguhan lamang ang nangyari sa date naming apat. Pabagsak akong humiga sa kama saka napailing na ito na ang pinaka nakakalukang date namin.


Nung pumayag si Gian ay nagsimula na namang mag away sila Martinez at Yelo. Bumalik kami sa play ground at kaming mga isip bata ay nag laro nga naman. Pumunta din kami sa resto hanggang sa ako na naman ang nagbayad. Kung kanina ay dalawa lang ang nag aaway ngayon naman ay tatlo na.


Pati sa paghahatid ay nag aaway sila kaya naman nung may dumaan na taxi ay sumakay na agad ako. Masisiraan yata ako ng ulo, dumagdag pa si Gian. Hindi pa kami bati, hmp.

"Leira!"


"Opo! Ito naaa." Dali dali akong bumaba para kumain sa hapag. Nagugutom uli ako eh.

"Kain na." Yaya nila sa akin kaya umupo na agad ako at kumuha ng pagkain.

Habang kumakain ay patingin tingin ako kay kuya Cal na nakangiti.


"Bakit ka nakangiti, Kuya Cal?"

"Secret."

Ano na kayang meron sa kanila ni Grace? Agad na din akong tumayo at nagpaalam matapos kung kumain. Chineck ko ang cellphone ko ng makita ko ang mga messages nila Martinez.


From: Matinik sa babae

Dapat ako na ang nag bayad.

From: Yelo

Ako sana ang nag bayad.

From: Ex-bestfriend

Ako na dapat!

Hindi ko na lamang sila pinansin at inaccept ang request ni Gian sa facebook at agad na nahiga. Hindi ko ata matanggap na nakipag date ako sa dalawang galunggong at sa isa kong ex-bestfriend. Galit pa naman ako kaya 'ex' muna. Hmp.

Nakakapagod panoorin ang pag aaway ng tatlo kanina.

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now