Kabanata 11

92 5 0
                                    

Kabanata 11

Mall

Friday na ngayon. Wahhhh, exam namin ngayon. Hindi kami nag review kahapon dahil iniwan namin yung tatlo sa garden at umattend na lang ng klase.

 Nasa school na ako, kasama ko si Grace. Hinihintay namin si Chelsea. Naka civillian kami, jeans nga lang ang pwede sa amin.

"Aalis ako bukas, sasama ka ba?" Tanong ni Grace sa akin

"Ha? Saan ka ba pupunta?"

"National book store"

"Pass ako, uuwi si Ate Leina eh"

Oo, napa aga ang uwi ni Ate Leina pero hindi na siya magpapaparty. Sus, gastos pa!

"Uuwi si ate Leina!?"

Napatingin kami pareho sa isang sigaw, Si Chelsea. Parehas kaming tumango sa kaniya

"Oo, bukas. Dinner daw" sabi ko

Dumiretso na din kami sa klase namin at nag exam. Half day kami ngayon kaya naman ganadao kaming tatlo. It's shopping time later! Mabilis na natatapos ang mga exam namin

Tanghali na ngayon, tapos na lahat ng exams namin. Pupunta kami ngayon sa building nina Kuya David.

"Martinez!"

Nanlaki ang mata ko sa isinigaw ni Chelsea, what the! Nandito siya!?

"Yo."

Hindi ako lumilingon pero halos manlumo ako sa tanong ni Chelsea at sagot niya

"Sama ka mag mall?"

"Okay."

Nakabusangot akong hindi sila pinansin hanggang sa makasalubong na namin sina Yelo.

"Yelo!" Sigaw ko dito

Kasama na namin si Martinez na ngayon ay nakapamulsang sumusunod sa amin

"Kulit." banggit nito.

"Oh, ano?" Tanong ni Kuya David kaya binatukan siya ni Chelsea

"Mag m-mall!"

Nasa sasakyan na kami ngayon, sasakyan ni Martinez. Oo, sana all. Inggit na naman kaming tatlo na hindi pinapayagang gumamit ng sasakyan. Pagkadating namin sa mall ay kami na naman ang magkadikit ni Grace. Si damon at Chelsea. Si Martinez, Yelo at kuya David.

"Kain muna tayo" anyaya ni Damon

"Tara" sagot namin

Katapat ko si Yelo, katabi niya si Martinez tapos si Kuya David sa dulo. Magkakatabi naman kaming mga babae.

"Libre ba 'to?" Tanong ko.

"Uso bili." banggit ni Chelsea

"My treat." sabay na sabi ni Yelo at Martinez na nagkatinginan pa

"Wag na, mag kanya kanya na" iritadong sabi ko

Sumang ayon sila lahat sa akin dahil paniguradong alam na naman nila ang mangyayari kung humaba pa ang usapan nung dalawang siraulo.

"Bagsak siguro kayo" turo sa amin ni kuya David kaya sabay sabay kaming umangal

"Hindi ano."

"Stock of knowledge."

"Baka kayo!"

Nagtawanan lang sila kaya napatingin ako kay Martinez. Close na kaya sila lahat? Mukang okay na naman sila. Napaiwas ako ng tingin ng kumindat sa akin si Martinez. Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa

"Aray."

"Anong nangyari?" Tanong ng mga kaibigan ko

"Wala, sumagi lang."

Muntik na akong matawa kaya pinigilan ko.

"Ingat ka, may mga naninipa talaga." sabi ni Chelsea

"Oo nga" dagdag ni Grace

Ilalaglag nila ako, hmp.

Nung matapos kaming kumain bigla ng tumayo si Damon. Nakalahad ang kamay nito

"Amin na bayad niyo"

Nangongolekta na ng pera si Damon, nagbigay na din naman kami. At nung dumating yung bill, ang kapal ng muka ni Damon.

"Keep the change"

"Anak ng!?"

"Sukli ko."

"Aba."

"Sayang yon."

"Kingina ka, Love."

Nasa labas na kami pero sabay sabay pa din kaming nagrereklamo kay Damon na nakakunot lang ang noo at mukang walang pakialam sa mga binabato naming mga salita.

Dederetso kami sa Bench dahil ililibre kami ni Damon, aba dapat lang ano. May tig bebente kaming sukli, hmp.

"Oo nga, libre na." iritadong sabi nito

"Heh" sagot namin

Pagkapasok namin ay nagkanya kanya kaming kuha ng mga gamit. Nakangisi kaming lahat na ipinakita kay Damon iyon.

"Bente lang ang sukli niyo pero ang dami niyan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Damon

"Well."

Nakangiti kaming lumabas habang dala dala ang isang shopping bag galing sa bench. Habang si Damon naman ay hindi maipinta ang muka na naka akbay kay Chelsea. Sana all

Dumiretso din kami sa iba't ibang botique pero hindi na ako bumili at sinamahan na lang sila. Napakadami kong damit sa bahay, uuwi pa si Ate Leina.

"Hindi pa ba kayo pagod?" Tanong ni Martinez

"Pagod na"

"Kumain na tayo para makauwi na. My treat"

Sumangayon na din naman kami at kumain na din. Nasa sasakyan na kami at hinahatid ni Martinez.

"Bye!" Paalam ko nung nasa tapat na ako ng bahay namin, "Wag niyong kakalimutan!" Dagdag ko pagkababa ko at kumaway

Umalis na din sila kaya naman bitbit ko ang isang shopping bag pagkapasok ko.

"Mommy!" Yan na lang ang sinabi ko para malaman nilang nandito na ako.

"Kain kana" anyaya nito.

Naabutan ko si Daddy na nauuna ng kumain

"Maaga kang matulog, Leira. Susunduin natin ang ate mo."

Tumango na lang ako at nag umpisang kumain. Nagpaalam na din ako na tataas na.

Dumiretso na ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Susunduin na namin bukas si Ate Leina.

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now