Kabanata 20

77 6 0
                                    

Kabanata 20

Weird people.

Mabilis lang ang naging klase namin ngayong araw. Uwian na nga, eh. Si Chelsea ay laging kasama si Damon. Malapit na kasing matapos ang school year at isang buwan na lamang ay graduate na kami. Isa rin sa kinatatakutan ko dahil wala na akong gagawin. Si Grace naman, ayun kakasundo lang sa kaniya ni Kuya Cal.


Tamad akong nakatingin sa tatlo na masama ang tinginan sa isa't isa.


"Ano na naman bang problema niyo?" Tanong ko.


"Wala." Chorus na sagot nila


Hindi pa man ako nakakapikit ay nagsimula na naman silang nag away kaya binato ko si Martinez na siyang nagsisimula ng away.


Inis lamang akong bumaling sa kaniya. "Ikaw, nagsisimula ka ng away."


"Nakakainis, dito na nga lang"


"Alin ba?"


"Kakain."

"Oo nga!"

Hindi ko na lamang sila pinansin at tinignan ang phone ko. Bigla akong humikab at ipinatong ang ulo ko sa mesa.

--

"You're finally awake!"


Isang boses ang naging dahilan kung bakit tila nanlaki ang mata ko at dali daling tinignan kung nasaan ako. Nasa bahay na ako, sa kwarto ko tapos... tapos..


"Anong ginagawa niyo rito!?"

Nasa kwarto ko sila!

"Binabantayan ka?"

Wala na si Gian pero hetong dalawa ay narito pa din. Hindi ako makapaniwalang pinayagan sila pumasok dito. In my own room, duh!

"Nakatulog ka, okay?" Paliwanag ni Yelo kaya tumango ako kahit masama pa din ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Sleepy head." Dagdag ni Martinez kaya mas lalong sumama ang tingin ko.


"Tara na sa baba."


"Okay."


Pagkasagot ko ay wala na sila pareho sa paningin ko, pagsarado lamang ng pinto ang narinig ko saka ako tumayo. Naka school uniform pa din ako kaya naman nagpalit na ako. Wala man lang pag ka gentle man ang meron sa katawan ng dalawa at iniwan akong mag isa.


Kaya ko naman mag isa, ah?

Pagbukas ko ng pintuan ay halos mapatalon ako ng may dalawang nakasandal sa gilid ng pader malapit sa pintuan. Parehas pa itong nakapamulsa kaya hindi ko maiwasang magpapalit palit ng tingin.


Nagmumuka silang gwapo kapag bagong gising ako.

"Bakit nandito kayo?" Akala ko naman iniwan na ako ng dalawang ito. Hindi naman ako maliligaw sa sariling bahay namin.

Diba?


"Ladies first." Sabay nilang sabi na ikinatirik lamang ng mata ko.


"Ladies first, eh. Inunahan na nga ako..." mahina ko'ng bulong na sapat lamang na ako ang makarinig.

Pinauna nila akong pumunta sa kusina at naabutan ko sila na nakaupo na sa hapag. Hindi pa man ako nakakaupo ay sabay akong pinag hila ng upuan nina Martinez na siyang ikinasama ng tingin nila sa isa't isa.


Talaga ba na manliligaw ko sila?


"Naku, ang swi-sweet naman ng dalawang ito." Puna ni mommy.

"Oo nga po." Dagdag ni Ate.

"Kaso maiiwang luhaan ang isa." Sabi ni Daddy.


Ganon?


"Edi hindi ko na lang po sasagutin." Nakangiti ko na sagot, kung maiiwan ang isa edi kawawa naman. Hindi naman ako selfish ano.


"Leira!" Sita nilang lahat sa akin kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanilang lahat. Iisang ekspresyon lamang ang nakikita ko, ang hindi sila makapaniwala.

"Bakit po?" Tanong ko.


"Kailangan may sagutin ka." Payo ni ate sa akin na siyang ikinanganga ko, paano kung hindi ko gusto? Diba?


"Paano yung isa?"


"Hindi naman pwedeng pagsabayin ang dalawa." Pangangatwiran ni Mommy kaya agad kong itinikom ang bibig ko.


Magsasalita pa sana si kuya Cal ng biglang may tumawag dito. Napangisi na lamang ako ng tumaas ang sulok ng labi nito, may ikwekwento pa siya sa akin later!


"Edi hindi ko na nga po sasagutin." Dagdag ko.

"Naku. Ikaw naman kasi Levi!" Biglang hinampas ni Mommy si Daddy kaya napangiwi na lamang ako. Napakalakas kaya mamalo ni mommy, juice colored!


"Kailangan mag boyfriend na iyan!" Sagot ni Daddy na nakangiwi pa din.


"Bakit si Ate?"


"No thanks." Saad ni ate na uminom na lamang ng tubig.


"Kawawa naman yung isa at lalong swerte naman ang sasagutin ko. Sa ganda kong ito, naku. Talagang--" napatigil ako ng magsimula na silang kumain at hindi na ako pinansin.


Ano ba naman itong mga tao na'to?

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now