Simula

671 11 0
                                    

Ang aga aga ang ingay ingay sa baba. Hindi na nga ako nakatulog kagabi! Kilig overload kami, haha. Everyday akong maingay kaya please lang masanay na kayo

"Paalis napo!"

Paalam ko sa kanila, hindi na ako pumunta sa kusina dahil kakausapin na naman ako kung saan ako galing. Aba, edi sa tyan ni Mommy!

We're on the way to our school. Kasama ko si Grace na wala namang jowa, hehe pati pala ako. Kasura naman eh. Si Chelsea lang may labidabs sa amin. Hays, kainggit. Gusto ko din sana pero wag naman yung sa ibibigay ni Daddy. Ew! Nakakailang takas na kaya ako tuwing may ipapakilala siya sa akin

Tsk! Paano na lang kung maging battered wife ako!? Joke! Hindi yung batter na kasama sa baking ha. Suntukin ko kayo eh.

Nung makalabas kami sa kotse ay sabay sabay kaming pumasok sa school. Ganado ang lola chelsea niyo dahil ngayon lang siya nagkajowa, ew! Masaya naman ako sa takas routine ko hehe. Magaling ako tumakas! Si Grace naman, libro na lang yata ang asawa niya.

Hindi siya tumulad sa amin na maganda.

Ngayon lang uli kami nagkasabay sabay pumasok dahil alam niyo naman na laging late ang malditang kasama namin. Sasalubungin kase siya ng jowa niya. Edi wow, sana all!

"Love!"

Napaismid na lang ako ng magyakapan sila.

Lumingkis ako kay Grace at bumulong, "Kadiri ano?"

"Para ka namang ahas"

"Maganda naman"

Hinayaan na namin ang dalawang iyon dahil masaya na sila sa couple days nila. Nahiya naman ako na umiiwas sa mga jowa jowa!

Pagkaupo namin ay wala pa yung dalawa, dapat hindi ko na sinabay eh. Kadiri kaya. Alam niyo yung feeling na sila na yung lumalapit sayo pero pag nandyan tinatakasan mo? Well, That's me.

The takas girl, aryt.

"Musta naman ang mga libro mo?" Tanong ko kay Grace

Alam niyo ba na mas may pake pa siya sa libro niya kesa sa aming mga kaibigan niya? Minsan gusto ko siyang maka away tapos sisirain ko lahat ng libro niya.

"Ayos lang, eh paano naman yung pagiging takas mo?"

Napahagikhik naman ako sa tanong niya. Alam naman niya na isa lang lagi ang sagot ko.

"Ayon, hindi nahuhuli"

Sandali lamang ay dumating na si Chelsea at Damon. Saktong dumating na ang prof namin kaya nagsulat na kami, malapit na talaga yung exam. Tapos sasabay pa si Daddy sa mga blind-blind date niya! So ew.

"Oh bakit nakabusangot kayong dalawa?" Takang tanong ni Chelsea sa amin

Nakabusangot pala ako? Aba, nakakapagod din kaya yung gabi gabi akong tumatakas. Kung hindi naman ako tumatakas ay madami akong alibi. Meron kaming project, may overnight, may boyfriend ako na hindi naman napapakilala sa bahay dahil imagination lang naman iyon.

"Daddy." Sagot ko

Tumahimik naman siya, ano ba yan!?

"Books." Napabusangot lalo ako sa sagot ni Grace. Muka talaga siyang libro!

Mamaya na nga lang akong lunch dadaldal, mas gusto ko pa kausap si Lance dahil ang lalaking iyon ay puro tanong. Kapag may tanong, may sagot. Sa kaniya ko nilababas lahat ng kadaldalan ko, sa calls, sa texts at sa personal.

Buti nga hindi siya nagsasawa eh.

"Class dismiss."

Ay? Wala naman akong naintindihan eh! Tatawagin ko pa sana yung teacher at ipapaulit ko kaso nawala na siya ng parang bula. Disappeared like a bubble. Oha oha, daig!

"Baliw"

Sinamaan ko ng tingin yung pumitik sa akin, "Bakit ka namimitik ha?"

"Ngiting aso ka na naman eh" nag kibit balikat pa si Chels kaya naman binatukan ko siya.

Agad akong sinamaan ng tingin nito nang batukan din siya ni Grace. Natawa ako bigla

"Hehe, ngayon lang naman eh!" Ngumuso pa ako, "Si Marize nga naka dalawa na, tapos kaming kaibigan mo ay bawal bumatok sa'yo?"

"Oo nga" sang ayon ni Grace

"Mga isip bata"

Sabay sabay naming sinamaan ng tingin si Damon na nakakunot ang noo ang ngayon. Sumimangot lang ako at hindi na siya tinignan, kill joy ang lolo niyo!

Pagkatapos nilang magturo ay nag intindi naman ako. Aba syempre, sabi ni Kuya Kim. Ligtas ang may alam. Naglalakad kami ng Sabay ni Grace ngayon papunta sa canteen, nasa likod yung Lola at lolo namin. Hinahabol na sila ng langgam, siguro nandito lang sa tabi namin si Kapitan Langgam.

"Yo!" Bati ko sa kanila pag kaupo ko

Ganoon din naman ang tatlo pero hindi ko na sila pinansin.

Agad akong humarap kay Lance na naka fierce look lang. Ang cold cold niya, akala mo pinaglihi siya sa mga yelo. Feeling naman 'to!

"Hoy Lance" kumaway pa ako sa harap niya

Wala dito yung iba dahil umoorder. Nagpaorder na lang ako dahil gusto ko pang daldalin ang yelo na ito. Muka namang wala siyang magawa kaya kwekwentuhan ko na lang siya. Hindi naman siya mukang nagsasawa kung paano ko ikwento sa kaniya ang mga pagtakas ko sa gabi

"Bakit?"

"Hoo! Ang lamig" biniro ko po siya pero tumaas lang ang kilay nito

Dinaig pa ako. Iisipin ko ng bakla ito!

"Ano namang sasabihin mo?"

Ramdam ko ang pagkairita niya sa boses niya pero hindi ko pinansin iyon. Wala akong pakialam dahil gusto ko talagang magkwento.

"Alam mo ba kagabi, tumakas uli ako!" Masaya kong sabi sa kaniya

Napasimangot lang ako ng tamad na itong nakatingin sa akin. Bwisit naman kausap 'tong isa nato

"Pms ka ghorl?" Tanong ko sa kaniya saka humagalpak ng tawa

Kumunot lang ano noo niya. Akala ko pa naman matalino siya pero hindi niya alam ang ibigsabihin noon

"Hoy yelo, wala ka bang itata--"

"Yo, Leira!"

"Yo!"

Nginitian ko lang ang kadarating na kuya ni Chelsea. Galit na galit siya kagabi dahil nakahalik si Damon kay Chelsea. Ew!

"Dinadaldal mo na naman ang isang yan?"

Tumango lang ako sa kaniya. Kahapon kausap niya ako, madami siyang tinanong sa akin tapos ngayon wala na ulit. Masungit na naman siya sa akin, moody ang yelo na ito. Nakakasura! Agad akong tumagilid

"Leira"

Biglang tumaas ang tenga ko nung marinig ko ang boses niya. Yehey, nasa mood na ulit siya! Agad akong humarap sa kaniya na ang laki ng ngiti.

"Napakaingay mo"

Agad ko siyang binatukan sa sinabi niya, "Kupal ka ah!"

Tumawa lang ito kaya bumusangot ako. Lakas talaga ng tama ng isa na ito, siya ba yung yelo na ipinupukpok sa pader? Parang siya eh, siraulo!

"Sweet naman"

"May sariling mundo"

"Solo"

"Hindi noh!" Sabay naming sigaw kaya nagtawanan kami nung magkatinginan kami.

"Partner kami, hmp." Tanggol ko sa sarili ko ng makita ko ang panunukso sa mata nila.

Mga manunukso!

Let me down slowly (Chasing series #2)Where stories live. Discover now