Not Your Typical Heartbreaker

17.6K 464 72
                                    

Not Your Typical Heartbreaker

Hey, it's Hannah!

Maraming salamat po sa pagabasa ng story ni Abe at Aki!

Habang sinusulat ko ang NYTH, medyo nakakaramdam ako ng takot. Kasi ang dami n'yo nang nagbabasa. :(( Obvious naman sa penname ko na overthinker aq. HAHAHA. Pakiramdam ko kasi, the standard nowadays is complicated and intricate plots which are not really my forte. I wanted to focus on personal struggles. Iyong relatable sa iba, (I think???) in terms of how we feel and how we decide on things. And at the same time, maging way 'yung pagsusulat ko na ma-comfort 'yung ibang tao. 

Kasi I, myself, needed comfort when I was in my darkest times. 'Yung iba sa'tin, hindi nagku-kuwento sa iba kaya wala tayong natatanggap na comfort. Kaya sana, my stories have comforted you in a way. Sana, napasaya ka ng mga characters ko at na-comfort ang lungkot at sakit na nararamdaman mo. :))

May mga parte sa story na 'to na puwede ko pang mas maisulat nang mas maayos. Puwede pang i-improve. Pero despite the flaws, you still read it and you still loved it kaya maraming salamat. :((

Marami akong natutunan kay Aki.

Aki, personally I think, is almost like Lilian of Captivated (shameless plug). Ang pinagka-iba lang nila, Aki is more decisive. Si Lia kasi, ang kalat magdesisyon (like me). Nakaka-relate ako sa kan'ya in terms of being insecure about myself.

Marami sa atin ang nakakaranas ng insecurity. Kasi hindi natin makita kung ano 'yung meron talaga tayo. Like Aki, we lack self-love. Self-esteem. I believe that the battle against insecurity is a never-ending battle. You battle with it every day. Hindi natin maaalis completely. Pero I think, the greatest cure for insecurity is: to love yourself and accept your flaws. 

Kaya tayo nai-insecure kasi nakatingin tayo sa kung ano ang meron sa iba. For example, Aki is such a great person. Mabait s'ya, mapagpatawad, at maintindihin sa iba. But she can't see that. Kasi nakatingin s'ya sa kung anong meron ang iba. Sa first part ng story, we can read that she's always pointing out what Tamaryn had. Unang-una, may Abe si Tamaryn. HAHAHAHA char. Pangalawa, Tamaryn is very studious, (hindi gano'n si Aki, slight lang). Maganda si Tamaryn. Mabait si Tamaryn. Perfect si Tamaryn.

Pero bakit nga ba tayo ganito?

I believe na ganito tayo kasi kilala na natin nang buo ang sarili natin kaya alam natin na hindi tayo perpekto. Alam kasi natin ang mga pangit sa atin. 

Halimbawa, people always say that I have beautiful eyebrows. PERO dahil kilala ko ang sarili kong kilay, alam ko na may mga mali ang kilay ko. May mga spaces pa at hindi naman talaga makapal tulad ng sa iba. Hindi nga pantay eh. See? We know our own flaws kaya tingin natin sa sarili natin, nagkukulang tayo. BUT, alam ba ni Aki lahat ng tungkol kay Tamaryn? NO. Kaya hindi alam ni Aki kung ano ang talagang flaws ni Tamaryn. Thus, making Tamaryn look perfect in her eyes. I think this is why we compare ourselves to other people too.

Aki failed to see her unique traits. Sabi nga ni Maricar Reyes, may mga sari-sarili tayong set ng traits na tayo lang ang mayroon. (Sana mapanuod n'yo 'yon, sobrang relatable and pasok sa banga. Watch it!!!) Dapat na makita natin ang sarili nating ganda at maging proud dito. We should see that we have things and traits that other people don't. Hindi para maisip natin na superior tayo sa iba pero para makita natin na may mga katangian tayo na dapat nating bigyan ng importansya.

As per usual, it is tackled in NYTH na mayroon tayong right timing. We should be patient for the things na gusto nating makuha. (I won't expound on this anymore because I think, Aki has elaborated this enough hihihi). NYTH also tackled forgiveness and love for other people. It also tackled growth and acceptance.

Tingin ko, ipinakita rin sa NYTH na hindi dapat tayo nagpapadala sa emosyon natin. I think, kung pumayag si Aki na ituloy ang relasyon nila ni Abe, mas gugulo lang ang lahat. NYTH also tackled respect for other people. I admire Abe for respecting Tamaryn. 

Marami rin akong natutunan kay Abe. He made me realize that we should be careful of our choices.

Natutunan ko rin sa kan'ya na dapat na aminin na nagkamali tayo kung meron nga tayong nagawang mali. Hindi n'ya masabi kay Aki na s'ya ang nagkamali kasi natatakot s'yang ma-disappoint si Ki sa kan'ya.

Gano'n din sa'tin, sa tingin ko. Kung nagkamali tayo, akuin natin 'yon. Mag-sorry tayo. At 'wag na nating uulitin.

Parte ng buhay na nagkakamali tayo. Kaya kung nagkamali tayo, 'wag nating takbuhan. 'Wag nating itanggi. It's part of growing.

Abe's almost the ideal guy. Pero, sa epilogue, mapapansin natin how flawed he was. BUT I hope we did learn something from him. Don't conceal your flaws. Accept them. Don't hide your mistakes, own it and apologize for it.

I hope you got something out of this! Marami pa tayong puwedeng nakita at natutunan sa NYTH dahil may iba't iba tayong pananaw. ❤️

Maraming salamat!

Thank you for reading! Follow me on Twitter: @overthingkingpen

God bless you and may the love of God overflow in your heart. ♥️

Not Your Typical Heartbreaker
by overthinkingpen

Year ended: 2020 June
06/20

I dedicate this book to those who are
battling against insecurity. You
are beautiful. You are unique.
You are loved.

WHAT'S NEXT?

Cold Heartbreaker
(Heartbreakers Series #4)


Follow me on Twitter: @overthingkingpen

SEE YOU THERE!

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now