Chapter 11

17.4K 895 484
                                    

Chapter 11

"Oh, nandito pala kayo." Ngising palakaibigan ng kuya ni Janus sa amin at uminit ang mga pisngi ko sa kahihiyan.

His name is Cairo. Hindi ko s'ya matawag na kuya dahil isang taon lang naman ang agwat nila ni Janus at sa amin. Nagkasama kami noon sa iisang club at nagka-usap na rin pero hindi naging malapit sa isa't isa. Lumipat lang s'ya ng university dahil hindi naman ino-offer ng Torrero University ang course n'ya.

He's one of the campus crushes back then at natipuhan ko rin s'ya noon pero bumabalik talaga ang loob ko kay Abe.

"Kumuha lang ng tubig." Sabi ni Abe at napatingin ako sa kan'ya.

Tumingin pabalik sa akin si Abe at napa-iwas ako ng tingin. Tumango si Cairo at binuksan ang ref.

"Boring ba ang movie na pinapanood n'yo?" Tanong ni Cairo, sa akin na nakatingin.

"Hindi naman." Nahihiyang sabi ko.

Cairo is tall. Ang alam ko ay parte s'ya ng chess team ng Torrero University noon at nanalo na rin ng maraming awards. I heard that he plays basketball and volleyball too pero mas prefer n'ya siguro ang chess. Maputi rin ang balat n'ya tulad ni Janus pero mas maamo ang features ni Cairo kumpara sa kapatid. STEM student s'ya noon.

Tumango si Cairo at kumuha ng tupperware sa ref. Strawberries at blueberries ang laman ng tupperware. Agad n'ya kaming inalok. Abe was about to decline pero nang inabot sa akin ni Cairo ang tupperware ay kumuha ako. Ngumiti si Cairo.

"HUMSS student kayo, 'di ba?" Tanong ni Cairo.

Tumango ako at nginuya ang blueberries.

"Sa college? Ano'ng kukunin mo?" Tanong n'ya pa.

"Psychology." Ngiti ko.

Inabutan n'ya ulit ako kaya kumuha ulit ako. Inabutan n'ya rin si Abe at dahan-dahan namang kumuha si Abe roon.

"Ikaw, Abe?"

"Legal Management," Sagot ni Abe at kumagat na sa strawberry.

Strawberry ang sunod kong kinuha nang mag-alok ulit si Cairo.

"Mahirap sa college kaya mag-enjoy na kayo sa senior high school." Ngisi ni Cairo.

Tumango ako at ngumiti na rin. "Nahihirapan ka ba?" Tanong ko.

Humilig si Cairo sa counter top, mukhang interesado sa usapan. Like Janus, Cairo is really friendly. Siguro ay mas extreme at pasaway lang si Janus. Isa rin ito sa mga nagugustuhan ng mga babae sa kan'ya. Palangiti kasi at mabait.

"On some subjects, yeah. Iyong majors. Engineering kasi. Maraming Math." Tawa ni Cairo.

For sure, matutuwa sina Hazel kapag naka-usap si Cairo. He looks really handsome and dreamy! Parang anghel na bumaba sa lupa.

Tumagal pa nang ilang sandali roon si Cairo. Kaming dalawa ang madalas na mag-usap. Isinasali minsan si Abe pero medyo tahimik kasi s'ya dahil siguro hindi ka-close si Cairo. Cairo left us after a while dahil may gagawin pa raw s'ya. He left the berries with me and I thanked him.

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now