Chapter 10

18K 706 94
                                    

Chapter 10

Hindi ko napansin na bumuhos nang biglaan ang mga luha ko. My cheeks heated up and my heart felt really heavy. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman. Madi-disappoint? Masasaktan? Magagalit? Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.

Kaya naman nang lumingon sa akin si Abe, nagulat s'ya dahil sa mga luha ko. Agad n'yang hinawakan ang braso ko, nag-aalala.

"Aki? Why?" Nag-aalalang tanong n'ya.

Inangat ko ang tingin ko kay Abe at nagkasalubong ang mga tingin namin. He looks really worried.

Abe pulled me outside nang mapansin n'ya na medyo nililingon na kami ng mga taong nandoon. Bumalik kami sa sasakyan at binuksan n'ya ang front seat bago ako pina-upo roon.

Napayuko ako at nagsimula nang bumuhos pa lalo ang mga luha ko.

"Aki." Nahihirapang sabi ni Abe. "Aki, what happened?" Malambot ang boses ni Abe, halatang nag-aalala para sa akin.

Naka-squat na s'ya at sinusubukang hanapin ang mga mata ko. Hawak-hawak n'ya ang magkabilang-balikat ko at hinihimas ang kanang braso para patahanin ako.

I saw my Dad inside earlier. He was laughing with that woman. Hindi ako sigurado kung 'yon nga ang babae n'ya pero may hinala na akong 'yon nga. The woman looked like his age. Ma-postura at mukhang mayaman. I wonder who that is. Katrabaho? Sana katrabaho na lang. 

But who am I kidding? Nagkagalit na sila ni Mommy. Nag-away na sila. Isn't that enough proof... that it's really happening?

Kung itinanggi ni Daddy, maniniwala naman ako, eh. Because I love him and I trust him. Pero hindi n'ya tinanggi. Tinanggap n'ya lang ang galit ni Mommy.

"Aki." Nag-aalalang tawag ni Abe pero patuloy na bumuhos ang mga luha ko.

I couldn't speak. Parang may bumara sa lalamunan ko. 

"Stay here, alright? I'll order then I'll come back." Sabi ni Abe.

Hinintay n'ya ang sagot ko pero hindi ako sumagot. Abe left me inside the car. Bumili s'ya ng mga kailangang bilhin. Patuloy ang iyak ko. Mabilis na bumalik si Abe. Hindi ko alam kung paano s'ya naka-order nang ganoong kabilis.

Pagpasok ni Abe sa kotse n'ya ay agad n'yang binuksan ang bottled water na dala at iniabot sa akin.

"Drink, Aki." He said.

Kinuha ko sa kamay n'ya ang bote ng tubig pero hindi ko ininuman. Muling bumuhos ang mga luha ko. Natahimik kaming dalawa. Ang tunog sa stereo ang naririnig sa pagitan naming dalawa at ang makina ng kotse n'ya.

Abe grabbed something from the back and gave me a box of tissue. Agad kong kinuha 'yon at pinunasan ang mga luha.

"S-Sorry." I said after a while.

Sumandal ako sa upuan at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Masakit na kaagad ang mga mata ko sa pag-iyak. Medyo tumigil na ang mga luha ko pero ang bigat pa rin ng damdamin ko dahil sa nakita. 

"What happened?" Abe carefully asked.

Nanginig ang mga labi ko. I bit my lip and tears welled up once more.

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon