Chapter 4

18.9K 705 164
                                    

Chapter 4

I spent my days focusing on Ishmael. He's really a good person. Hindi n'ya pa rin naman sinasabi sa akin na nililigawan n'ya ako pero base sa mga ikinikilos n'ya, parang gano'n na nga ang ginagawa n'ya.

Sinusundo n'ya ako tuwing uwian at lagi kaming magka-usap, sa chat man o sa text. Minsan nga ay video call pa. I always have a good time when I'm with him and when I talk to him.

Pero kung nababawasan noon ang nararamdaman ko para kay Abe? Hindi ko alam. Whenever Abe's around, hindi talaga kumakalma ang sistema ko. My heart always flutters. I always feel nervous and uncomfortable.

"Aki." Abe called.

Napalingon ako sa kan'ya. Katatapos lang ng lunch at maaga s'yang bumalik sa klase. Magre-report kasi s'ya mamaya at mukhang magpapaturo ng ilan sa mga hindi n'ya naiintindihan sa topic n'ya. Tapos na ang turn ko sa reporting na 'yon kaya hindi na ako abala.

"I don't get this." Nakakunot ang noong sabi ni Abe habang nakatitig sa librong hawak n'ya at unti-unting umupo sa katabi kong upuan.

Tumibok na naman nang malakas ang puso ko. How irritating. Kailan ba ito kakalma kapag nand'yan si Abe?

Tiningnan ko ang itinuturo ni Abe at binasa 'yon, but I can't help but notice how close we are. Hindi naman gaanong kalapit pero this is too close for me. Lalo lang akong kinakabahan.

Ilang pulgada lang ang layo ng mga braso at balikat namin. I can smell his perfume too. It smells manly and addicting. I sighed. Calm down, Aki. Ano ba 'yang iniisip mo?

I tried to explain the terms in the best way I can. Abe stared at me while I was explaining, seryosong nakikinig kaya lalo lang akong naging hindi kumportable. Sa libro ko na lang itinutuon ang atensyon ko habang nagsasalita.

"That sounds easier to comprehend." May maliit na ngiting sabi ni Abe, tinitingnan na ulit ang libro. He looked at me and smiled. "Thanks, Aki." 

Tumango ako at tumayo na si Abe para bumalik na sa upuan n'ya. I sighed and tried to calm down. Nilingon ko ulit si Abe at nakita kong nagsusulat na s'ya sa isang index card, mukhang isinusulat ang important points ng report n'ya.

He looked cute while doing that. My face heated up. 

I sighed. I should really move on already. Nakakakonsensya na nagiging malapit na kami ni Ishmael pero si Abe pa rin ang nasa isip ko.

Mabuti na lang at inabala na ulit ni Lexie ang isipan ko. Excited n'yang sinabi sa akin na si Eli Dasilva na raw at Cyra Lim. Ibinalita ulit sa paper. Iyon nga lang, kahit nagku-kuwentuhan na kami, hindi ko pa rin mapigilang lingunin ang puwesto ni Abe. 

"Hey." Nakangiting bati ni Ishmael nang sunduin n'ya ako ulit, isang hapon. 

Kasama ko na si Lexie na mabilis na pumasok sa backseat ng sasakyan ni Ishmael. Napansin ko na may ilang napapalingon sa amin. Paano ay bukod sa iba ang uniform ni Ishmael dahil sa St. Agatha University s'ya nag-aaral, matangkad din kasi at guwapo.

Makakapal ang mga kilay ni Ishmael and it framed his almond eyes really well. He looks snobbish because of his eyes and sharp jaw. Matangos din ang ilong n'ya at mukhang malalambot ang mga labi. Mestizo s'ya pero mas maputi ang balat ko kaysa sa kan'ya.

"Hi." Bati ko sa kan'ya at ngumiti. 

Pinagbuksan ako ni Ishmael ng pintuan ng sasakyan n'ya at inulan na naman kami ni Lexie ng kantiyaw.

"Sweet naman!" She shouted and I saw Ishmael roll his eyes.

Isinara n'ya rin agad ang pinto nang makasakay ako at sumakay na rin pagkatapos. Nilingon n'ya si Lexie sa rearview mirror nang magsimula na s'yang magmaneho.

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now