Chapter 18

16.4K 594 98
                                    

Chapter 18

Kinabukasan, pumasok ako nang medyo may bigat pa rin sa dibdib. I feel hollow inside. Kahit nang makita ko si Abe sa labas ng room namin no'ng umaga, nakasandal sa pader at nakatitig sa phone, mukhang may hinihintay, hindi pa rin mapawi ang bigat sa puso ko.

Was he waiting for me?

"Pasok ka na." I told him when I neared him.

Napa-angat sa akin ang tingin ni Abe at napatitig s'ya sa akin. Tumayo s'ya nang maayos.

"Are you alright?" He asked.

Tumango ako at ngumiti. Kahit na mukhang hindi naniniwala si Abe sa sagot ko, hindi na lang n'ya ako pinilit na magsalita pa.

Hindi ko na kasi s'ya na-reply-an pa kagabi. I just stared at his text then I went back to bed. Paggising ko, hindi ko na ulit tiningnan pa ang phone kung may bago pa s'yang text.

Binuksan ni Abe ang pinto ng room para sa akin at nauna na akong pumasok. Maingay ang klase dahil halos lahat ay nandito na. Hinanap ng mga mata ko si Lexie at nakita ko s'yang naka-upo sa upuan n'ya.

Bumuga ako ng hangin at inisip kung lalapitan ko ba s'ya. Malapit nang magsimula ang klase. Baka maputol lang din kung bigla ko s'yang kaka-usapin. Kaya naman kahit na gusto ko pang maka-usap si Lexie, na-upo na lang ako kaagad sa upuan ko.

Nilingon ko ang puwesto ni Abe at nakita kong ka-usap na n'ya ang isang kaklaseng lalaki at ngumisi s'ya nang kaunti.

Nang lilingunin na ako ni Abe ay nag-iwas na ako ng tingin.

Matapos ang first period, I immediately went to Lexie bago pa man s'ya tuluyang tumayo mula sa upuan n'ya. Pakiramdam ko kasi ay iiwasan na naman n'ya ako.

"Lexie..." Naiiyak na tawag ko sa pangalan n'ya.

Bumigat ang sakit sa dibdib ko at parang gusto ko na lang na umiyak kaysa magsalita. Gulat na napatingin sa akin si Lexie.

"Aki."

"Please talk to me." I bit my lip.

Kumalat ang pag-aalala sa mukha ni Lexie at hinila na ako para sumama sa kan'ya. We went to the farthest staircase kung saan hindi halos dinadaanan ng mga estudyante.

"Aki, what's the problem?" She asked.

Bumuhos na ang mga luha ko at napapikit ako sa sakit na nararamdaman.

"Bakit, Aki? Nagalit ba si Ishmael sa'yo?" Parang galit na tanong ni Lexie, hindi para sa akin pero para sa pinsan n'ya na ikinagulat ko.

Bakit kay Ishmael kaagad s'ya nagagalit? Ako ang nakasakit... I took her cousin for granted.

"Sorry, Lexie." Hikbi ko at mas lumapat lang ang sakit sa puso ko.

I feel so guilty. Naaalala ko pa ang hitsura ni Ishmael. He was a good guy.

"Ayokong saktan si Ishmael." I told her and I closed my eyes.

Lalo lang bumuhos ang mga luha ko nang ibalot sa akin ni Lexie ang mga braso n'ya.

"Sorry, Lexie... He's good but..."

"You don't love him, Aki."

Natahimik ako at patuloy na bumuhos ang mga luha.

"Aki... no'ng una nagalit ako. Kasi mabait naman si Ishmael, eh." She said and I nodded. "But eventually, I realized that I was the one who pushed you to entertain him. At hindi mo rin kasalanan na hindi mo s'ya nagustuhan."

"Nanliligaw s'ya, Aki. Hindi naman lahat ng nanliligaw, sinasagot. Kaya s'ya manliligaw ay para patunayan n'ya ang sarili sa'yo at malaman mo kung magugustuhan mo s'ya. Hindi mo s'ya nagustuhan, Aki."

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now