Chapter 5

18.8K 674 186
                                    

Chapter 5

Hindi ako halos nakatulog dahil sa pag-aalala. Hindi ako sanay na nag-aaway sina Mommy at Daddy. Hindi ko pa rin alam kung bakit sumigaw si Mommy nang gano'n kagabi. Gusto ko s'yang tanungin pero hindi ko alam kung paano. Parang ayaw din kasing sabihin sa akin ni Mommy ang dahilan.

Noong almusal, ipinagluto n'ya lang ako ng pagkain at umalis na rin agad sa hapag. Mag-isa lang akong kumain. Umalis kasi si Daddy agad nang makakain na. Hindi ko tuloy na-enjoy ang breakfast.

Ishmael:
Good morning.
You didn't text last night.

Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang text ni Ishmael. I feel really bothered about my Mom. Kagabi, hindi na nga ako nakapag-reply kay Ishmael dahil naging abala ako sa kapatid ko.

Aquila:
Sorry!
Inalagaan ko kasi si Malkiel.

Ibinaba ko na ang phone at naglakad na papasok sa room ko. Medyo late ako kaysa sa usual na oras na pumapasok ako kaya nagulat ako na nakasalubong ko si Abe, papasok na rin s'ya sa classroom.

Gulat s'yang napatingin sa akin. Galing siguro s'ya sa ABM dahil pinuntahan si Tamaryn tulad ng usual n'yang ginagawa.

"Ngayon ka lang?" He smiled, slightly amused with me.

Napangiti ako at tumango. My heart fluttered. Parang nawala ang bigat na nararamdaman ko kanina. He looks better in the morning, if that's even possible. Ang pabango n'ya, amoy na amoy ko. Tuyo na ang buhok n'ya dahil siguro ay kanina pa s'ya sa school. Sa pagkaka-alam ko kasi ay morning person din si Abe.

"Na-late ako ng gising." I smiled.

"Ako na." He said and opened the door for me.

I blushed but I ignored what I was feeling and just thanked him. Sabay kaming pumasok sa room kaya mas naamoy ko ang pabango n'ya.

"Aki!" Agad na salubong sa akin ni Lexie. "Bakit ngayon ka lang?" 

"Late akong nagising." Alanganing ngiti ko.

Nilingon ko si Abe at nakita kong nakatingin s'ya sa akin. I smiled at him and he nodded before he went to his seat. Kinuha n'ya mula sa bulsa ang phone n'ya at mukhang may binasa roon.

Nawala ang magaang pakiramdam na nararamdaman ko kanina.

"Ishmael kept on bothering me last night! Paano ay hindi ka n'ya ma-flood ng texts dahil nahihiyang baka mainis ka. Nag-aalala sa'yo dahil hindi ka raw nagre-reply." Lexie said.

Nilingon ko s'ya and I gave her an apologetic smile.

"Sorry." I apologized. "Binantayan ko kasi si Malkiel." Dahilan ko na agad na pinagtakhan ni Lexie.

"Bakit? Your Mom?" Nagtatakang tanong n'ya.

Alam din kasi ni Lexie na tutok sa amin si Mommy. Hindi ko naman first time na alagaan si Malkiel pero unang beses 'yon na mag-isa akong nag-alaga sa kapatid.

Agad akong natahimik. 

"Ah, busy." Iwas ko sa topic.

Mukhang hindi na inalala pa ni Lexie iyon at ikinuwento na lang sa akin na nasalubong n'ya raw si Uriah kanina nang papasok s'ya, 'yong crush n'ya mula sa STEM na magdodoktor daw.

Nilingon ko ulit si Abe at nakita kong ibinubulsa na n'ya ang phone at kinaka-usap na ng isa sa mga kaklaseng lalaki.

I sighed and focused on what Lexie is saying instead. Why am I still like this for him?

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now