Chapter 14

17.6K 659 136
                                    

Chapter 14

They continued playing. Si Janus, nakigulo na pagkatapos nilang kumain. Nag-aya silang maglaro ng consoles at pumayag naman sina Xerxes. Nakatabi pa rin sa akin si Abe habang inaayos nila ang consoles at ang laro.

"Abe, choose a game." Sabay bigay ni Mavis ng sandamakmak na CDs kay Abe.

Kinuha ni Abe iyon at tumingin-tingin sa mga CDs. Nakitingin din ako. Karamihan ay combat. meron ding basketball, survival, at iba pa.

"Naglalaro ka?" Tanong ni Abe, nilingon ako.

Abe usually has styled hair. Pero ngayon, dahil bagong ligo at medyo basa ang buhok ay bumabagsak na 'yon. He looks cute, tho. Lalo na ang plump na balat dahil galing sa shower. Ang lapit n'ya kaya kita ko ang ganda ng hubog ng mukha n'ya.

Having him beside me makes me feel giddy. Iyon bang katabi ko lang s'ya pero parang nagwawala na ang mga cells sa katawan ko. Blushing seems to be normal for me lalo na kapag nasa paligid s'ya.

"Hindi eh." Sabay bagsak ko ng tingin sa lahat ng CDs.

"It's easy." Aniya.

Tumango ako. Wala naman kasi talaga akong interes sa mga larong gan'yan.

"Abe, ano? Game." Natatawang sabi ni Xerxes, may inaabot nang isa pang console para kay Abe.

Abe smirked and took the console.

"Dito ka, Abe!" Turo ni Xerxes sa tabi n'ya, sa bandang gitna ng mga sofa.

Tumayo naman si Abe kaya napa-angat ang tingin ko sa kan'ya. Abe looked down on me and gave me the CDs.

"Pick something. Let's play it later." Aniya at agad akong namula bago tumango.

Pinuntahan ni Abe si Xerxes at umupo na nga sa tabi n'ya. Mukhang combat ang larong lalaruin nila. Tumingin ako sa mga CDs at pumili noong mukhang madali lang. Racing. Kaya ko kaya?

"You play, Aki?" Biglang tanong ni Cairo, nauupo na sa tabi ko, pinalitan si Abe sa puwesto n'ya kanina.

Napatingin ako sa kan'ya. Umiling ako at ngumiti. "Hindi ako marunong."

Tiningnan ni Cairo ang mga CDs. Kumuha s'ya ng ilan at ipinakita sa akin.

"These are beginner-friendly. Ito kasing iba, medyo komplikado." Aniya, tinitingnan ang mga CDs.

Tumango ako at tiningnan iyong mga pinili n'ya.

"Wala kang kapatid na lalaki?" Biglang tanong ni Cairo.

Kung may kapatid kasi akong lalaki, tiyak may idea ako sa mga ganitong laro at medyo may alam na kung paano gamitin. Pero bata pa kasi si Malkiel kaya wala pang mga ganito sa bahay.

"Meron pero baby pa, eh." I told him.

Namangha si Cairo. "Wow, I never thought na ate ka pala." He smiled.

Tumango ako at ngumiti. Napalingon ako kina Janus nang bigla silang mag-ingay.

Nagmura si Janus at natawa. "Really, Abe? Talo ka ni Xerxes?"

Napatingin ako kay Abe at nakita kong natatawa lang s'ya kay Janus. "Distracted lang."

"Isa pa. Pakiramdam ko, hindi ko deserve." Tawa ni Xerxes.

Sa pagkaka-alam ko kasi ay pinakamagaling si Abe sa kanila sa paglalaro ng video games. Napatingin ako kay Abe at ipinapatong na n'ya ang console sa center table, umaamba nang aalis.

"Ayoko na." Iling ni Abe, nakangisi. "Mamaya, makikipaglaro ako kina Aki."

"Ako na muna, Xes." Tawa ni Cairo sa tabi ko, tumatayo na para palitan si Abe sa puwesto sa tabi ni Xerxes.

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now