Chapter 15

17.4K 797 190
                                    

Chapter 15

"Done." Sabi ni Janus, ipinapakita ang card na na-load-an n'ya na ng points.

Nakatayo na sina Abe sa kan'ya-kan'ya nilang ring para sa contest nila sa basketball, nagpupustahan na kung sino'ng mananalo. Hindi naman talaga dapat sasali sina Mavis at Xerxes, pero dahil pinilit ni Janus ay napilitan na rin silang sumali.

"Alam ko nang hindi ako mananalo, pero alam kong matatalo ko si Janus." Tawa ni Xerxes na agad na minura ni Janus.

"Hindi ko alam kung bakit nagyayabang ka pa, Janus. Varsity player si Abe!" Tawa ni Novah.

"Hindi porket varsity si Abe, I can't beat him na." Birong sabi ni Janus.

Natawa si Abe at napa-iling.

"Kapag nanalo ka, ililibre kita Janus!" Cheer ni Angelique na tinawanan namin.

Marami ang napapatingin sa amin dahil sa ingay namin. Maingay naman sa arcade dahil sa iba't ibang tunog ng laro, pero dahil sa boses nina Janus, Angelique, at Novah, pati na rin ng mga tawanan namin, nakukuha na namin ang atensyon ng ibang tao sa arcade.

"Busog si Abe! 'Yon na lang ang pag-asa ko." Tawa ni Janus.

Natawa si Abe at nag-swipe na ng card n'ya kaya nag-swipe na rin sina Janus. Nagsimula na silang maglaro.

Sumasablay sina Xerxes at Mavis sa mga tira nila at minsanan lang ang kay Abe. Si Xerxes, panay ang mura at tawa lalo na dahil sa pang-aasar nina Angelique kay Janus. Sigaw kasi nang sigaw sina Angelique at maka-ilang beses na nagsabi kay Janus ng "Bobo!" lalo na kung sumasablay ang tira.

Pero hindi ko maalis ang tingin kay Abe na patuloy ang pagtira sa ring. Nagbiro pa s'ya na hinintay nang kaunti si Janus na minura naman s'ya dahil doon.

Natawa ako at agad na kinuha ang phone para kuhanan sila ng litrato at video.

Sa huli, lamang na lamang si Abe at natatawang tiningnan si Janus. Lumabas na ang mga tickets at nanlaki ang mga mata ko sa dami ng tickets para kay Abe.

"Grabe! Hindi mo man lang ako pinanalo?" Bigong sabi ni Janus kay Abe, medyo napagod dahil sa laro. "Stingy! Ayaw pang manlibre sa lahat!"

"Kailangang mag-ipon." Tawa ni Abe na tinawanan din namin.

Dahil natalo si Janus, lumabas na s'ya ng arcade para bumili ng ice cream naming lahat. Sumama si Hazel, Xerxes, at Novah sa pagbili. Hindi raw kasi kayang hawakan ni Janus ang lahat lalo pa't ang pinakamalalaking cup ang bibilhin.

Habang naghihintay, nag-try na sina Mavis, Yara, Charlotte, at Angelique ng ibang laro. Mavis went somewhere near the racing games. Si Charlotte at Angelique, hinatak na si Yara papunta ro'n sa Dance Dance Revolution. Inaya nila ako pero umiling ako kaagad dahil hindi naman ako sumasayaw.

Hinanap ng mga mata ko si Abe at nakita ko s'yang tumitingin sa isang booth.

Nilapitan ko s'ya at tiningnan ang tinitingnan n'ya. I realized that it's a photo booth. Medyo maliit iyon at mukhang pandalawahan.

"Let's try it." Lingon sa akin ni Abe at napa-angat ang tingin ko sa kan'ya.

He looks like he's just genuinely curious. Sa photo booth? We're going to take a photo together?

Nilingon ko sina Angelique pero hindi ko na sila matanaw. Nilingon ko ulit si Abe at nakita kong tiningnan n'ya rin ang tiningnan ko, pagkatapos ay ibinalik n'ya ang tingin sa akin. 

Tumango ako at pumasok sa loob. Pumasok din si Abe. Maliit lang ang booth. Pang-dalawahan lang talaga. Pero dahil matangkad si Abe, magkadikit na ang mga braso namin para makapasok s'ya. Tiningnan ko na lang ang monitor na nasa harap. When I saw my face in the monitor, nanlaki ang mga mata ko dahil pulang-pula ang mukha ko!

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now