Chapter 17

16.8K 583 116
                                    

Chapter 17

Binalingan ko ang libro ko at itinago ang pamumula ng mga pisngi. Umuupo naman dati si Abe sa tabi ko kapag may itinatanong o tungkol sa school works pero ngayong naaalala ko ang mga sinabi n'ya kahapon, hindi ko mapigilang mailang. I cleared my throat.

Eventually, I got comfortable with Abe dahil kumportable naman n'ya akong kina-usap. I realized that he's making me comfortable around him by not being too close. Kahit kasi nakiki-aral s'ya sa akin, he's respecting my personal space by not leaning to me too much.

Kaswal din s'yang makipag-usap kaya kumalma naman ang sistema ko.

Lexie had been distant the whole day. I am guilty. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman n'ya. Lexie loves her cousin so much. Iyon nga lang, I don't know how to crack the truth with Ishmael.

Hindi ko alam kung hindi ba napapansin ni Abe ang pag-iwas ni Lexie o sinasadya n'ya na lang na hindi punahin. Either way, I'm thankful that he's not asking any questions. I wonder what I'd tell him if he asks. Baka hindi ko s'ya masagot nang diretso.

Ishmael:
Hi! Later, can I pick you up?

Tinitigan ko ang text ni Ishmael para sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Should I meet him? Para masabi ko na rin?

Pero nakakatakot kasi. Gusto ko nang sabihin pero nakakatakot na makasakit ng ibang tao. Pero mas masasaktan ko lang naman s'ya kung hindi ko sasabihin agad.

Aquila:
Okay. :)
See you, Ish.

Kinakabahan ako habang papalapit ang dismissal. Mukhang napapansin ni Abe dahil nababasa ko ang pag-aalala n'ya sa mga tingin n'ya sa akin.

"Are you alright?" Seryosong tanong n'ya sa akin nang matapos ang klase namin para sa araw na 'yon.

Tumango ako at ngumiti sa kan'ya. Tiningnan ko kung nasaan si Lexie pero nakita kong lumabas na s'ya ng room.

"May practice ka, 'di ba?" I asked Abe. Tumingin sa akin si Abe at tumango. "Punta ka na. Baka ma-late ka ulit." I smiled at him and my cheeks blushed.

"Susunduin ka?" He asked at natigilan ako.

"Ha?"

"Lexie's cousin. Susunduin ka?" He repeated his question.

I pursed my lips and I stared at him. Dahan-dahan akong tumango. Tumango si Abe at ngumiti nang kaunti pero hindi naman umabot sa mga mata n'yang mukhang seryoso pa rin.

"Alright. Pupunta ako sa practice."

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.

Sinamahan ako ni Abe hanggang sa makalabas ng building namin. Nagpaalam na s'ya at nagpunta na sa practice n'ya para sa araw na 'yon.

Malalim ang iniisip ko habang papunta sa kung nasaan si Ishmael. Ang pag-vibrate lang ng phone ko ang nagpagising sa akin mula sa malalim na iniisip.

Abe:
Ingat, Aki.

At hindi ko alam kung bakit namumuo ang mga luha ko. I suddenly want to go to Abe. Gusto kong s'ya ang kasama ko ngayon. Gusto ko pa s'yang kausap. Gusto ko pang gumala kasama s'ya.

I got very attached to him. Dati naman... hindi ako ganito.

I knew it. The moment that I totally give in, I'd lose myself. Alam ko na 'yon dati pa at ngayon nga ay nangyayari na sa harapan ko.

Mabigat ang loob kong pumunta sa kung nasaan si Ishmael at nang makita ko na nga s'yang nakatayo sa gilid ng kotse n'ya, agad kong nakagat ang labi ko nang makita ang maliit na bouquet ng bulaklak na dala n'ya.

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now