Chapter 32

19.5K 788 222
                                    

Chapter 32
#NYTHChapter32

Tumikhim ako nang pumasok na si Abe sa kotse n'ya. I sat comfortably on the passenger's seat. I honestly think that I am too overdressed para sa kung saan man ako dadalhin ni Abe. I could've worn something more comfortable.

"Saan ba tayo?" I asked him.

Tinanong n'ya na kanina sina Mommy at pumayag naman sila. Hindi naman din kasi sila mahigpit sa'kin.

"Kumain ka na... let's just have coffee. Okay lang?" Ngiti n'ya habang nagsisimula nang magmaneho.

I nodded excitedly. I'm up for coffee.

"Bakit ka nga pumunta? Pahinga mo ngayong araw." I asked him.

"I'm resting." Aniya, nangingiti.

I snorted. Abe chuckled and glanced at me.

"'Pag nand'yan ka, kalmado ako." He mumbled.

Napangiti ako at naiiling na tumanaw sa labas ng bintana. Kapag nandyan ka, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Marami kaming napag-usapan ni Abe. His course. Ang course ko. Kung ano ang kaibahan ng college department ng Torrero University sa senior high school department. Kung ano ang kaibahan ng Clermont sa Torrero. Hanggang sa dumating kami sa isang cafe na sikat na noon pa man sa mga universities, iyon ang pinag-uusapan namin.

Hindi pa man kami pumapasok sa cafe, naaamoy ko na ang pastries doon at ang brewed coffee. Abe opened the door for me and I thanked him, smiling. Pagpasok ko, I immediately heard the muted voices of the people inside the cafe and the classical music playing on the speakers.

Agad akong dumiretso sa pila pero hinawakan ni Abe ang braso ko.

"Ako na ang o-order." He said.

Agad ko s'yang sinimangutan. "Sabay na tayo, Abe. You always pay for me."

I suddenly remembered what Janus said about him being stingy. Hindi ko talaga alam. He always paid for everything when we're together. Pati na no'ng high school.

"Nanliligaw ako, Aki." Aniya, parang hindi ko naalala at pinaaalala n'ya sa akin at parang sapat na 'yong dahilan para magbayad s'ya para sa'kin.

"Oo nga," I sighed. "But I can pay."

"Ako rin." He grinned. "Go, reserve seats, Aki. Wala tayong uupuan." Natatawa n'yang sabi.

I pouted and followed what he said. Naghanap kaagad ako ng mauupuan but it seems like the cafe is packed. I worriedly looked for seats. Nagulat ako nang may lumapit sa aking lalaki. He looks like my age, wearing a simple white shirt and a pair of black ripped jeans.

"Miss, there, paalis na kami." He said, pointing at a table near us.

Pangdalawahan 'yon at mukhang may kasama pa s'yang isang lalaki. Magpapasalamat na sana ako nang biglang sumulpot si Abe sa gilid ko at hinawakan ang likod ko. Agad na napa-angat ang tingin ko kay Abe at nagtama ang mga mata namin.

"Seats?" He asked me, his eyes a bit grim but his smile is telling me that he's calm.

"Ah, dito, pare. Aalis na kami." Sabi ng lalaking kuma-usap sa akin at itinuturo ang lamesa nilang iiwan na.

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon