Chapter 31

19.5K 697 165
                                    

Chapter 31

Abe:
Good morning. :)
Nasa gymnasium na ako.
Text me when you wake up.

Napatitig ako sa text ni Abe. Kaninang alas-singko pa ng umaga 'yon. Ang aga n'ya namang pumunta sa gymnasium?

Napangiti ako at nagtipa ng reply para sa kan'ya.

Aquila:
Good morning, Abe.
I just woke up. :)
Galingan mo sa practice.

Napapikit ako at napahiga ulit sa kama. Last night, nag-text pa kaming dalawa at nag-usap nang matagal. Gusto ko na ngang patulugin s'ya pero ayaw n'ya pa dahil gising pa raw ako. Kung hindi ko pa sinabing matutulog na ako, hindi pa s'ya matutulog.

Dumapa ako sa kama at napangiti. Pumikit ako nang mariin. College ka na, Aki. Bakit para ka pa ring high school kung kiligin? How old are you? 21?

Tumikhim ako at humiga ulit nang maayos. When I looked at my phone, nakita kong may reply kaagad si Abe.

Abe:
What are you up to today?


Aquila:
Church with my family.
Ikaw? Practice the whole day?

Abe:
No. Sa umaga lang.
Anong oras kayo magsisimba?


Aquila:
Mamayang 12 pa. :)

Abe:
Alright.
Take care. :)

Napangiti ako.

Aquila:
Ikaw rin, Abe.

Abe:
I will. 

I wore a simple white dress. Plain iyon pero classy tingnan. Ipinares ko 'yon sa beige block heels. My make up is simple too. Pagbaba ko sa sala namin, nandoon na si Dad, nakasuot ng dark blue na dress shirt at slacks. Buhat n'ya si Malkiel na guwapong-guwapo sa polo na nasa parehong kulay ng soot ni Dad. Si Mommy, lumabas na sa kusina, kasunod ang yaya ni Malkiel na nakasuot ng uniform. Nakasuot si Mommy ng itim na simpleng dress. Hapit sa katawan at maraming lace. May dala rin s'yang puting handbag ng isang mamahaling brand.

Lumapit ako kay Dad at nakita kong nakangiti s'ya habang naka-abang kay Mommy. Tiningnan ko si Mommy at nakita kong abala s'ya sa pag-aayos ng bag. Parang nakaramdam ako ng init sa puso ko nang makita 'yon. I still have some disappointment for Dad... pero hindi ko maiwasang maging masaya na sinusubukan n'yang ayusin ang lahat.

I still doubt him... pero kapag nakikita ko ang pagsisikap n'yang bumawi kay Mommy, hindi ko mapigilang isipin na masaya ako na maayos na ang pamilya namin ngayon.

I admire Mommy for being strong... the past years, I know she tried her best to fix it too. Tinanggap n'ya pa rin si Dad kahit na nasaktan s'ya nito. And sometimes, I feel like if it wasn't for us, she could've left my Dad. She could've chosen to just leave us. 

Pero ang pagmamahal ni Mommy para sa amin... masyadong malakas para bigla na lang umalis. I admire her... for being strong. I admire her for her strong love. Not just for my father but for me and Malkiel. 

Hindi ko maisip... ang buhay namin kung bigla na lang silang maghiwalay ni Dad. Sometimes, iniisip ko na sana humiwalay na lang si Mommy kay Daddy dahil masyado s'yang nasaktan sa ginawa nito sa kan'ya. Kaya naman... I really admire my Mom... for being strong for me and Malkiel. Kahit hindi n'ya sabihin, alam kong ginawa n'ya 'yon para sa'min.

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon