Chapter 23

15.6K 621 112
                                    

Chapter 23

"Pakibantayan na lang po si Mommy." Mahinang bilin ko sa helper nang paalis na ako para pumasok. 

I licked my drying lips. Medyo umuulan na sa labas. Dinig ko ang marahang buhos ng ulan at ramdam ko na ang lamig ng hangin na nanunuot sa sweater na ipinaibabaw ko sa uniform. Gusto ko na lang na 'wag nang pumasok pero alam ko namang walang maitutulong ang pag-absent ko. 

Parehas lang namang mabigat ang school at ang bahay para sa akin.

Nang makarating ako sa Torrero University, bumubuhos pa rin ang ulan at makulimlim pa rin ang langit. Late na ako para sa una kong klase pero hindi ako nagmamadali. Si Sir Lorenzo ulit ang teacher namin para roon kaya medyo kinakabahan ako. 

Tahimik ang paligid dahil simula na ng klase at wala nang gaanong estudyante sa hallways. Marahan akong naglalakad papasok at pinagmamasdan ko ang mga sapatos kong medyo may talsik ng tubig ulan. 

Agad akong napahinto nang may narinig akong tunog ng pagkiskis ng rubber shoes sa sementadong sahig ng hallways ng ground floor. Inangat ko ang tingin ko at naabutan ko ang tumatakbong si Abe, nakasuot na ng itim na shirt at itim na jersey shorts. 

Agad na tumibok nang malakas ang puso ko kasabay ng paghagod ng kakaibang sakit doon. 

Napasinghap ako nang magtama ang mga mata namin. Bumabagal ang pagtakbo ni Abe at unti-unti s'yang tumigil, ilang metro ang layo mula sa akin.

I wonder why he's here. May practice s'ya, 'di ba?

"Late ka," Aniya at tiningnan ako nang mabuti.

I probably look like a mess right now. 

Ngumiti ako nang kaunti at hindi ko alam na ang sakit pala sa puso ng pagngiti nang pilit kahit na nasasaktan ka. 

"Late ng gising..." I mumbled, nanunuyo ang lalamunan.

Natahimik kami ng ilang segundo at nakikita ko ang kalituhan sa mga mata n'ya.

"Is... everything alright, Aki?" He carefully asked.

Agad akong tumango bago ko pa man tuluyang makuha ang sinabi n'ya at bago pa man mamuo ang mga luha ko.

"Is it your family?" He asked.

"It's alright, Abe." 

I don't want to lie anymore.

"Papasok na ako," Malamig kong sinabi at nagpatuloy ako sa paglalakad. 

Habang papalapit kay Abe, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nang tuluyan akong makalapit, agad kong naamoy ang pamilyar na pabango ni Abe. Galing ba s'ya sa room namin? Dahil hinintay n'ya ako? O... akala ko lang ba 'yon?

Sila ni Tamaryn... hindi ba?

Hindi ba n'ya alam na nakita ko ang nangyari sa gymnasium?

Bakit parang hindi n'ya alam? O wala lang ba talaga s'yang pakialam sa'kin? Sa nararamdaman ko?

Nang tuluyan akong makalagpas kay Abe, tuluyan na akong nakahinga nang maluwag. Pero kasabay no'n, naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko sa sakit.

"Aki," He called and I stopped walking. "Are you mad at me?"

"Hindi, Abe." 

Because I'm mad at myself. 

I'm disappointed with what's happening.

"May nagawa ba 'ko?" He asked.

Agad na humagod ang sakit sa puso ko. Nilingon ko si Abe at naabutan kong nakatingin na s'ya sa akin, naguguluhan ang mga mata at parang nahihirapan.

Not Your Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #3)Where stories live. Discover now